- BULGAR
- Sep 22, 2022
ni MC - @Sports | September 22, 2022

Paghahanap ng bagong mga hahangaang bituin mula sa serye ng Philippine Mixed Martial Arts ang pakay ni coach Mark Sangiao, ang master ng Team Lakay habang tinutupad ang bagong papel sa ONE Warrior Series Philippines.
Planong maging bahagi sa 16 na MMA artists mula sa umaangat na stable ng mixed martial arts (MMA) scene na Team Lakay ang bagong tutuklasin kasabay ng pagtupad ng mga pangarap na makasabak sa ONE Championship.
Malaking tulong ayon kay dating fighter at coach ang serye sa mga nangangarap na fighters na mapabilang sa Team Lakay at magkaroon ng mga laban sa Circle.
Kaya naman binuksan ang ONE Warriors Series upang magbukas ng oportunidad sa mga promising athletes at magkaroon ng pagkakataon na makilala at sumikat sa MMA. "Apart from that, OWS also shows the harsh reality of being an MMA athlete -- that it's not easy, it's not just a test of physical strength and endurance but a supreme test of character, spirit, and of how far you can go and do to fight for your dream," saad ni Sangiao sa ABS-CBN news.
Hindi maikakailang pinaka-astig ngayong MMA coach si Sangiao hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo kung saan lima sa kanyang mga hawak na mandirigma ay nakapagwagi na ng ilang world titles sa ONE Championship.
Unang naging kampeon sa Team Lakay si Honorio Banario sa ONE Championship sa Featherweight division. Habang noong 2016, sinimulan naman ni Eduard Folayang na maghari sa ONE Lightweight World Champion.
Pagdating ng 2018, apat na kampeonato mula sa Team Lakay ni Sangiao ang nasungkit sa ONE Championship. Nagkampeon sa ikalawang pagkakataon ni Folayang sa lightweight, si Joshua Pacio ay naging ONE Strawweight World Champion, nakopo ni Geje Eustaquio ang ONE Flyweight World Title, habang si Kevin Belingon ay ONE Bantamweight World Champion.






