top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | December 2, 2022



ree

Hindi na kailangang umasa ang Creamline kay import Yeliz Basa dahil mismong ang all-Filipino crew ay nagpasabog kontra Chery Tiggo, 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 nang umusad ang Cool Smashers tungo sa bronze sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum kahapon.


Pinaupo ni Coach Sherwin Meneses si Basa sa bench dahil sa injury kaya namahala na ang locals tungo sa record grand slam bid.


Samantala, hindi naman daw nandaya si Manny Pacquiao, aniya noong Miyerkules ng gabi nang talunin niya si Australian fighter Nadal Hussein sa kanilang 2000 fight.


Nag-react si Pacquiao sa sinabi ni retired referee Carlos Padilla na siyang nag-officiate ng naturang laban sa Antipolo City noon at aniya, natulungan niya ang kababayan na magwagi nang "pahabain" ang standard 10-count nang bumagsak si Pacman at nahilo sa 4th round.


"Hindi man daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro siyempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman 'yung tama," sabi ni Pacquiao sa ABS-CBN online habang nasa training sa General Santos City. "Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That's his problem, not mine," dagdag niya hinggil kay Padilla.


Sinabi naman ni Buboy Fernandez, ang long-time confidante at trainer ni Pacman na ang naturang insidente ay kargo ni Padilla at hindi sa kanila. "Alam naman ng tao kung sino may kasalanan diyan," saad ni Fernandez. "Kaya naman kami sa team namin wala kaming comment. Alam niya naman eh, siya naman ang referee.”


Edad 21 si Pacman at sumisikat na noon nang sumagupa siya sa 10 rounds kontra Hussein para sa WBC International super-bantamweight title sa Ynares Sports Center noong Okt. 14, 2000.


 
 

ni MC - @Sports | December 1, 2022



ree

Mayroon umanong halos 400 hanggang 500 migrant workers ang nasawi sa construction projects na konektado sa 2022 World Cup, ayon sa Qatari official.


Sa halos $200 bilyon na nagastos sa stadium, subway lines at iba pang imprastraktura, mas mataas ang pagtatayang ito kumpara sa naunang naiulat na bilang ng mga nasawi.


Nagmula ang pahayag ng bilang kay Hassan Al-Thawadi, secretary general ng Qatar’s Supreme Committee for Delivery and Legacy, sa panayam ni British journalist Piers Morgan. “The estimate is around 400, between 400 and 500,” ani Al-Thawadi kay Morgan. “I don’t have the exact number.


That’s something that’s been discussed.”


Naglabas ang Qatari Supreme Committee spokesman ng pahayag nitong Martes na, “there were 3 work-related deaths and 37 non-work related deaths connected to the 8 stadiums, 17 non-competition venues and other related sites under the SC’s scope. Separate quotes regarding figures refer to national statistics covering the period of 2014-2020 for all work-related fatalities (414) nationwide in Qatar, covering all sectors and nationalities.”


Binuksan ang World Cup, na sa unang pagkakataon ay ginanap sa Middle East noong Nobyembre 20 at magtatagal hanggang Disyembre 18. “One death is a death too many—plain and simple,” sabi ni Al-Thawadi kay Morgan.

 
 

ni MC - @Sports | November 29, 2022



ree

Napuwersang gumamit ng water cannon at teargas ang mga pulis ng Brussels matapos silang salakayin ng mga nagwawalang football fans kasunod ng panalo ng Morocco sa iskor na 2-0 sa World Cup (WC) kontra sa Belgium sa Qatar noong Linggo.


Dose-dosenang mga tagahanga ang nagbasag ng mga bintana ng tindahan, naghagis ng mga paputok at sinunog ang mga sasakyan. Bago pa man matapos ang laban, “dosenang mga tao, kabilang ang ilang nakasuot ng hoodies, ang naghahamon sa mga pulis na naglagay sa peligro ng public safety,” ayon sa pulisya ng Brussels.


Ayon sa tagapagsalita ng Brussel police, ilang sa mga tagahanga ay armado ng mga patpat at isang mamamahayag ang “nasugatan sa mukha ng mga paputok”.


Humigit-kumulang isang daang pulis ang pinakilos habang ang mga residente ay binalaan na umiwas sa ilang lugar sa sentro ng lungsod. Isinara ang mga istasyon ng metro train at hinarangan ang mga lansangan upang limitahan ang pagkalat ng karahasan.


“Kinukondena ko sa pinakamalakas na termino ang mga insidente ngayong hapon.


Mahigpit na nakikialam ang pulisya. Kaya’t ipinapayo ko laban sa mga tagahanga na pumunta sa sentro ng lungsod na tumigil sa panggugulo. Ginagawa ng pulisya ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang kaayusan ng publiko,” tweet ng alkalde ng Brussels, Philippe Close. “Inutusan ko ang pulisya na isagawa ang pag-aresto sa mga nanggugulo,” ayon pa kay Close.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page