top of page
Search

ni MC @Sports News | Jan. 29, 2025



Photo: Fabrito at Isibido.. Easy lang ang 21km na rutang matatarik at palusong kina Jose R. Fabrito, Jr. at Jennelyn Isibido sa Tagaytay Uphill Challenge na nagsimula at nagtapos sa People's Park, Tagaytay City, Cavite noong Enero 19. (fbpix)



Matatarik ang daan, malamig ang panahon at nababalot pa ng makakapal na hamog ang mga rutang dinaraanan ng mga mananakbong lumahok sa 2nd Tagaytay Uphill Challenge na nagsimula at nagtapos sa People's Park, Tagaytay City.


Nagkampeon sa 21k male category si Jose R. Fabrito, Jr. 2nd si Prince Karl Christian Piano habang champ din sa kababaihan si Jennelyn Isibido, 2nd si Ana Marie Ayam at 3rd si Limbaco, Angeline na madaliang nakipagbakbakan sa halos patagilid na daan pababa at paakyat ng finish line.


Champ sa 10km run si Jeffrey Sario, 2nd si Angelio Diana habang 3rd si Dexter Espanol. Sa kababaihan ay nagreyna si Melissa Noriega, 2nd Jona Espineli at 3rd si Jizya Asanjil na halos pinatag lang ang rutang akyatan.


Bumanat ng kampeonato sa 5k sa male category si Erick Catipay, 2nd George Roqueno at Lee Andrew Consignado. Hindi nagpahuli sa kampeonato si Rina Gevero, 2nd Marjorie Diangkinay at Nitz Tumaliuan. Bukod sa mga podiumers ng run challenge ay nagwagi sa 60-yrs old and above male category sina Ariel Maginoo, Jose Eusebio at Joselito Paguing.


Bida sa kababaihang kategorya si Marlene Gomez Doneza na pawang batak ang mga katawan sa matatarik na takbuhan. Kumarera sa unahan ng 50-59 yrs old female sina Angeline Limbaco at Maria Bulanhagui habang sa male sina Bienvenido Dalawis, Gilbert Moldez at Elmer Barquia na pare-parehong bihasa na rin sa mga running event sa mga rutang bundok na akyatan.


Itinanghal na oldest runner sa 21k category si Orlando Payumo, 78-years old ng Calamba City na isa ring siklista na pinatibay na ng pagiging beteranong mananakbo sa mahabang panahon habang youngest runner sa 5k si Princess Loriene Torcuator, 7-anyos ng Palo-Alta, Calamba City.

 
 

ni MC @Sports News | Jan. 29, 2025



Photo: PNVF



Ang daan patungo sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (MWCH) 2025 ay ipapatag sa Setyembre at tatahakin ng dalawang idaraos na international at dalawang local competitions tampok ang national teams ng indoor at beach volleyball na aaksiyon sa ilang dosenang kompetisyon sa labas ng bansa.


Magsisimula ang aksiyon ngayong araw ng Miyerkules kung saan walong koponan ang lalarga sa inaugural Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium.


Hinati ang teams sa 2 grupo ng preliminary round tampok ang Volleyball Never Stop (VNS) Club at Silay Volleyball Club (SVC) na magbabanggaan sa unang laro ng 9 a.m. kasunod ng 11:30 a.m. na duwelo sa pagitan ng Zamboanga City at Lingayen sa Group A. Maglalaban sa Group B ang Umingan Volleyball Club (UVC) at Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) sa 2 p.m. habang ang City of Naga-Cebu Volleyball Club (CNV) at University of East (UE) ng 4:30 p.m.


“The Under-21 championship is part and parcel of the national team program that aims to maintain the production line of talents for international competitions,” ayon kay PNVF head Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at executive vice president ng International Volleyball Federation o FIVB.


Tuloy sa Biyernes ang preliminaries habang ang semifinals ay nakatakda sa Sabado at ang final ay sa Linggo na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.


Idaraos din ang National Beach Volleyball Championships sa Pebrero at ang Second AVC Beach Tour-Nuvali Open sa Abril parehong sa Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa City. Ang Nuvali na rin ang venue ng FIVB World Beach Pro Tour Futures. Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng men’s world championship sa unang pagkakataon mula Set. 12 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum at SM Mall of Asia Arena.


 
 

ni MC @Sports News | Jan. 25, 2025



Photo: Castro at Thompson / PBA



Nagsumula sa isang 'humble beginnings' sina Scottie Thompson at Jayson Castro bago naging mga big stars ng PBA. Mga nagsimula sa wala pero nagsikap at sa tulong na rin ng ibang tao ay natupad nila na umangat ang karera at sumikat. Sa ngayon ay panahon naman para sila ang tumulong.


Sina Thompson at Castro, kasama si Filipino-Ivorian Olympian Maxine Esteban ay sumusuporta ngayon sa mga baguhang kinakalinga ni Milka Romero ng 1Pacman Partylist. “They're into sports. Alam natin, sa Pilipinas, sobrang need natin ng support sa sports, not just basketball, not just the Gilas but all kinds of sports na talagang tutulungan natin para umunlad,” ani Thompson tungkol sa pag-agapay ni Capita1 co-owner Romero.


Magkatuwang ang Barangay Ginebra guard at 1Pacman sa adbokasiya na matulungan ang mga kabataan lalo na ang mga walang kaya tulad ng ginagawa ni Esteban na suportado ang programa ni Romero na tumutulong sa mga atleta sa Olongapo na naging bahagi ng Batang Pinoy 2024.


“I think kasama na sa generation natin ngayon, alam naman natin na as long as tumutulong and as long as doing the right way, 'yung intentions nila maganda para sa sports so truly blessed 'yung mga athletes na may mga ganun, tumutulong para sa amin,” dagdag ng one-time PBA MVP.


“Maraming mga atleta na mga less privileged na hindi nabibigyan ng mga opportunity na ipakita o i-showcase yung talent nila. So, at least nariyan ‘yung 1Pacman para tulungan sila," dagdag ng two-time best point guard ng Asya.


Para kay Esteban, “It’s really my advocacy kasi kahit naman di ako pinalad na ma-represent yung Pilipinas sa Olympics, ipinangako ko talaga sa sarili ko na I want to be relevant in Philippine sports and really to help athletes here in the Philippines.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page