top of page
Search

ni MC - @Sports | December 11, 2022


ree

Nalampasan nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang pressure nang magwagi sa sariling balwarte at ilaglag sa bisa ng 8-21, 21-12, 15-7 ang tambalan nina Ericka Habaguchi at Saki Maruyama ng Japan nang unang gapiin sa quarterfinals ang Canada at Czech Republic ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Subic Bay Sand Court nitong Biyernes.


“We just enjoyed the game,” saad ng 26-anyos na si Rondina, ang pinaka-tanyag na beach volleyballer ng bansa. “We did our job—like I focused more on defense and Jov [Gonzaga] on blocks.”


First time na nagtambal sina Rondina at Gonzaga sa isang major international competition at talunin pa ang matatangkad na sina Darby Dunn at Olivia Grace Furlan ng Canada, 21-19, 21-18 sa kanilang morning match sa main draw.


Nang magbalik matapos ang 2 oras sa tanghali giniba rin nila ang Czechs na sina Valerie Dvornikova at Anna Pospisilova, 21-14, 21-16 upang manatiling buhay ang kampanya ng bansa sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation.


We made adjustments and we approached our assignments one match at a time,” ayon sa dating University of Santo Tomas ace Rondina, ang back-to-back SEA Games bronze medalist kasama si Bernadeth Pons.


Nakaparehas ni Rondina si Gonzaga dahil nagpapagaling pa sa si Pons sa natamong shoulder injury pero naroon siya sa audience na nagtsi-cheer para sa limang Philippine teams sa event na suportado ng Philippine Sports Commission.


Pinasalamatan ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara si Brazilian beach volleyball coach Joao Luciano Kioday, na gumabay, isang linggo pa lamang sa national team pero nakitaan na ng improvement.


They are fighting for every ball,” ani Luciano. “I think the short time they have training under me is that they understand what I want. It’s just only the beginning so we focused on a well-organized system of receiving and setting in 10 days. We just did the basic things.”

 
 

ni MC - @Sports | December 10, 2022


ree

Tatapusin ng Philippine women’s football team ang taon sa isang hindi malilimutang 2022 sa pamamagitan ng dalawang friendly match laban sa Papua New Guinea sa Disyembre 11 at 15 sa Sydney.


May kabuuang 23 mga manlalaro ang tinawag para sa training camp bilang paghahanda sa friendly laban sa Papua New Guinea, na nasa ranking No. 50 sa mundo o tatlong lugar na mas mataas kaysa sa mga Pinay.


Bahagi ang friendly ng kanilang paghahanda para sa FIFA Women’s World Cup sa susunod na taon, na nagawa kunin sa AFC Women’s Asian Cup noong unang bahagi ng taong ito.


Pinamunuan din ng mga Pinay ang 2022 AFF Women’s Championship. "Nais ng PFF na tiyakin na ang koponan ay magpapatuloy sa kanilang pagpapabuti at ang pinakamahusay na paraan upang gawin iyon ay sa pamamagitan ng mga kampo at mga friendly games,” sabi ni Philippine Football Federation president Mariano Araneta. “It’s been a banner year for the Filipinas,” ayon sa PFF. “Ang koponan ay naglalayon na tapusin ang taon nang malakas habang inaabangan namin ang World Cup sa susunod na taon.”


Galing ang mga Pinay sa isang training camp sa South America kung saan nagtabla sila, 1-1, at natalo, 0-1, sa Chile sa Vina del Mar at Santiago, ayon sa pagkakasunod. “Sa tingin ko, naging maganda ang taon namin at umaasa kaming tapusin ito nang may magagandang resulta sa aming paparating na pakikipagkaibigan. At inaasahan ko ang higit pang commitment, mas maraming passion at mas masipag na trabaho mula sa buong team sa pagpasok natin sa Women’s World Cup year,” dagdag pa ni PWNT team manager Jeff Cheng.

 
 

ni MC - @Sports | December 10, 2022


ree

Simula na ang bakbakan sa quarterfinals ng World Cup ng apat na team sa pagitan ng Croatia vs Brazil sa Education City Stadium ng kagabi habang ang Netherlands vs Argentina sa Lusail Stadium ngayong araw sa Qatar.


Unang tinalo ng Croatia ang South Korea sa 4-1 sa round-of-16 para umabot sa q'finals kontra nakakatakot na Brazilian squad at ngayon ay pakay naman ang ika-6 na World Cup semifinals.

Brazil is the favourite, let’s face it,” ayon kay Croatia manager Zlatko Dalic sa reporters ng Doha noong Martes. “Brazil is the most powerful and the best national team at the World Cup.”


Nagpahinga naman si Neymar ng Brazil dahil sa ankle injury kontra Serbia, na naging napakahusay na laro vs. South Korea at maisalpak ang ika-76th goal. Ang Paris Saint-Germain forward ay may isang goal na lamang para makapatas si Pele na may 77 goal bilang Brazil's all-time highest scorer. Maaring makapantay ni Neymar, 30 ang iskor ni Pele sa paghahabol ng team mula sa itinatak ng legendary footballer, 82-anyos na naospital noong nakaraang linggo dahil sa respiratory infection bunga ng colon cancer.


Ang Croatia naman na tinigpas ang Japan, 3-1 bunga ng penalties sa first elimination match ay tumabla sa 1-1 para sa ikatlong tie ng torneo, bukod sa pagtigpas sa Canada, 4-1 ay sasalang bilang underdog sa kabila ng runner-up finish sa 2018 World Cup.

Ang Netherlands naman ay inilaglag ang U.S. sa round of 16. Para naman sa Argentina, maaring ito na ang pang-lima at huling World Cup ni Lionel Messi.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page