top of page
Search

ni MC - @Sports | December 13, 2022


ree

Nawindang ang 2022 FIFA World Cup sa Qatar nang masawi nang magkasunod ang dalawang mamamahayag sa loob lamang ng 48 oras.


Patay sina Qatari photojournalist Khalid al-Misslam at American journalist Grant Wahl habang kinokober ang pinakamalaking soccer tournament sa mundo. Kinumpirma ng Gulf Times noong Linggo, Dis. 11 na si Qatari Khalid al-Misslam ay biglang namatay.


Iniulat ng outlet, "Al-Misslam, a Qatari, died suddenly while covering the FIFA World Cup Qatar 2022. We believe in Allah's mercy and forgiveness for him, and send our deepest condolences to his family."


Hindi pa mabatid ang biglaang pagkasawi ni Khalid nang lumabas ang balitang ito. Si Khalid ay nagtatrabaho sa Qatari news channel Al Kass TV nang mamatay sa coverage ng World Cup.


May 48 oras lang ang pagitan ng pagkasawi niya at ni Grant sa World Cup sa Qatar. Si Grant ay unang na-detain nang makita ng mga guard na nakasuot ng rainbow shirt at short habang nanonood ng mga laro kung saan nakatatak sa suot niya ang pagsuporta sa LGBTQ subalit ang homosexuality ay ibinabawal sa naturang bansa. Hinihinalang matinding 'stress' ang ikinasawi ni Grant.


Si Grant ay nag-collapsed sa Lusail Iconic Stadium habang may laban ang Argentina kontra Netherlands sa quarterfinals. Ang 48-year-old U.S. soccer writer ay itinakbo sa malapit na ospital, pero hindi na umabot ng buhay.


Sa isang statement, isinulat ng US soccer, "The entire US soccer family is heartbroken to learn that we have lost Grant Wahl. "Fans of soccer and journalism of the highest quality knew we could always count on Grant to deliver insightful and entertaining stories about our game, and its major protagonists: Teams, players, coaches, and the many personalities that make soccer unlike any sport."


Samantala, pasok na sa semifinals ang France nang talunin ang England at iayos ang laban kontra Morocco ganundin ang Argentina vs. Croatia.

 
 

ni MC - @Sports | December 12, 2022


ree

Muling ipinamalas ng nag-iisang eight-division champion na si Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas sa kanilang six-round exhibition match laban kay South Korean martial artist DK Yoo kahapon sa Korea International Exhibition Center sa Goyang, South Korea.


Pa-jab-jab pa si Yoo sa opening round habang pa-easy easy lang ang bitaw na jab ni Pacman. Bago matapos ang round, pinatikim na ni Pacman ang Koreano ng lakas ng magkasunod niyang kombinasyon.


Tumakbong paikot sa ring si Yoo sa round 2 habang nakaabang ang kaliwang straight hook ng Pinoy. Muling umatake si Pacquiao sa round 3 at doon na ito napagkawala ng mabibilis na upak na pinatama sa ulo at katawan ni Yoo bago nagpadapo ng malakas na right hook.


Napagod na si Yoo pagdating ng round 4, muling umatake rito si Pacman, nagpadapo ng nakatutulig na mga upak sa tiyan at ulo para paduguin ang ilong ng katunggali.


Nahihilo na sa round 5 si Yoo kaya naman ginanahan na si Pacman at sa huling banat ay nagpakawala na ito ng ilang sunod na suntok na tuluyan nang nasaktan ang hometown fighter.


Isang left uppercut ang nagpadapa kay Yoo sa canvas sa round 6. Nagawa pa niyang tumayo pero inupakan uli siya ni Pacman para muling bumagsak.


 
 

ni MC - @Sports | December 12, 2022


ree

Nakumpleto ni Paulene Beatriz Obebe ang isa pang sweep habang kinapos si Nicola Queen Diamante sa sa kanyang huling hataw sa pagtatapos ng 1st COPA-SMP (Congress of Philippine Aquatics, Inc.-Samahang Manlalangoy ng Pilipinas) Christmas Friendship Swimfest nitong weekend sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.


Isinara ni Obebe, ang ipinagmamalaki ng Aqua Sprint Swim Club, ang kampanya sa apat na nilahukang event sa pamamagitan ng mahusay na pagtatanghal sa girls 12-yrs-old 100m freestyle sa tiyempong isang minuto at 06.76 segundo na nagpatibay sa kanyang Most Outstanding Swimmer (MOS) award.


“Masayang-masaya po. Sana next year mapababa ko pa yung mga time sa event ko,” saad ni Obebe, naunang nagwagi sa girls 12-yrs Class A 50m butterfly (31.18), 50m backstroke (34.83) at 50-m free (29.33 ).


Tinaguriang 'Diamond Girl' ng COPA, si Diamante ng RSS Dolphins ni coach Anthony Reyes, ay naungusan ni Maria Felisha ng Bulacan Water Dragons sa 11-yrs old na Class A 100m freestyle.


Ang Grade 7 honor student ng Augustinian Abbey School sa Las Pinas ay naorasan nang 1:11.77 sa likod ng 1:08.79 clocking ni Celso. Ang kabiguan ang una ni Diamante mula nang bumalik ang COPA event noong Agosto.


Sinabi ni COPA Board member at SMP president na si Chito Rivera na kinumpirma na ni Rob Wright ng sikat na Hong Kong swimming family at pinuno ng HK Swim Club na magpadala ng isang dosenang swim club sa tournament ng COPA na pansamantalang itinakda sa Marso sa susunod na taon. “Nakausap ko si Rob Wright ng HK. Matagal na nating kaibigan ang pamilya nyan. Magpapadala daw siya ng team kahit isang dosena," saad ni Rivera.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page