top of page
Search

ni MC @Sports | December 24, 2022


ree

Bumanat na kagabi ang Philippine national football team sa kanilang home turf sa Rizal Memorial Stadium sa Manila kontra sa Brunei sa 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup.


Pakay ng Azkals, na mula sa 3-2 loss sa Cambodia ang unang panalo sa Southeast Asian tournament.


Inaasahan ng nationals na makakolekta ng full points laban sa bisitang team, habang ang draw o ang pagkatalo ang siyang hadlang sa kanilang goal bilang top two teams sa Group A, kabilang na ang last year’s finalists Thailand at Indonesia. Natalo ang Brunei sa Thailand sa kanilang opening match, 0-6.


Inaasahan din ng bagong Azkals' Spanish coach na si Josep Ferre na ang paglalaro sa harapan ng home crowd ang magpapainit sa laro ng Filipinos laban sa Brunei.


Aasa si Ferre sa squad na binubuo ng players na walang sapat na international experience at iilang beterano kabilang na si Stephan Schrock.

 
 

ni MC @Sports | December 24, 2022


ree

Kasabay ng selebrasyon ni Lionel Messi sa tagumpay sa World Cup ang pagpayag na manatili sa Paris Saint-Germain, sa ulat ng local media kahapon matapos na biguin ang French sa mailap na Champions League title.


Ang 35-year-old na namuno sa Argentina para sa panalo sa World Cup final laban sa France sa Qatar noong nakaraang weekend ay lalagda sa one-season extension sa kanyang kasalukuyang deal sa French capital na mage-expire sa summer.


Iniulat ng Le Parisian at RMC Sport na kakausapin ni Messi si PSG president Nasser Al-Khelaifi at iba pang top club officials sa pagbabalik matapos ang World Cup break.


Lumahok si Messi sa PSG noong 2021 sa two-season deal mula sa isang taon na pagtatapos ng kanyang kabuuang professional career sa Barcelona.


Ang seven-time Ballon d'Or winner ay kumulekta ng apat na Champions League titles noong 2006, 2009, 2011 at 2015 sa Spain maging ng 10 La Liga crowns.


Noong Linggo, bumanat siya para sa Argentina ng penalty shootout win kontra France sa World Cup final matapos na ang epic match ay tumapos ng 3-3 sa extra-time.


Si Messi ang player of the tournament ay umiskor ng dalawang ulit sa game kasama si PSG teammate Kylian Mbappe para gumawa ng hat-trick para sa France.

 
 

ni MC @Sports | December 23, 2022


ree

Naghahanda na si Filipina tennis star Alex Eala ang kanyang paglahok sa una niyang professional-level match sa Grand Slam sa 2023.


Nasama ang 17-anyos na sasabak sa qualifying round ng 2023 Australian Open sa darating na Enero 9-12.


Si Eala ay nasa ranked 214 ang Pinay sa Women’s Tennis Association rankings.


Magugunitang gumaya ng kasaysayan si Eala ng maging unang Filipino player na magwagi ng junior Grand Slam single title at naging 2022 US Open Juniors champion.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page