top of page
Search

ni MC @Sports | January 12, 2023



ree

Sa rami ng nagrereklamong fans sa social media ay agad inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang tatlo umanong scalper o nagbebenta ng ticket na mas mahal pa ang presyo sa orihinal na tiket para sa PBA Finals Game 6 sa Cubao, Quezon City.


Bukod sa naglipana online ang mga scalper ay tumatambay din ang mga nagbebenta ng tiket sa bisinidad ng Araneta Coliseum kaya dumulog na mismo ang Philippine Basketball Association management sa QCPD upang ireklamo ang mga ito.


Naalarma aniya si PBA Commissioner Willie Marcial nang makita online na mas malaki ng limang beses ang presyo ng mga binebentang ticket ng mga scalper. Ibinebenta ng scalper sa presyong P500 hanggang P1,000 ang upper box seat na P230 lang ang halaga, habang ang patron C seat ticket na P650 ang presyo ay ibinibenta ng mga scalper sa halagang P2,800.


Galit na galit ang fans sa socmed dahil hindi na sila nakakabili ng tiket at sold out na kaagad. Isang entrapment operation ng QCPD ang ikinasa at nadakip bandang hapon ang tatlong scalper at narekober sa kanila ang 50 pirasong ticket para sa Game 6.


Mahaharap ang tatlo sa paglabag sa City Ordinance SP-2744 o Anti-Scalping na may katapat na multang P5,000.


 
 

ni MC @Sports | January 11, 2023



ree

Muling ilalabas ng Bay Area Dragons ngayong Miyerkules si American guard Myles Powell para sa Game 6 ng 2022 PBA Commissioners' Cup finals.


Nasa krisis na sitwasyon ang Dragons kontra Ginebra Kings sa Araneta Coliseum, matapos kunin ng Gins ang 3-2 lead sa best-of-seven series.


Naglalarong walang import ang Bay Area sa Games 4 at 5 after makaraang dumanas ng ankle sprain si Canadian forward Andrew Nicholson sa papatapos na segundo sa Game 3. Nagwagi sila sa Game 4, 94-86 bago kinapos sa Game 5 noong Linggo, 101-91.


Si Powell, na hindi nakalaro mula pa noong November 23 laban sa TNT Tropang GIGA ay balik na ngayon sa active line-up ng Dragons sa Game 6, ayon sa ABS-CBN news mula kay Bay Area assistant coach Cholo Villanueva.


Hindi naman maasahan muli sa aksiyon si Nicholson sa Bay Area dahil una nang sinabi ni head coach Brian Goorjian na guard ay "never an option" makaraang mapilayan sa paa. "He's been in the weight room, he's been doing some strength work, but he's not ready to step on the floor," saad ni Goorjian hinggil kay Powell matapos ang Game 3. "It was snapped, so it's a 6-8 week proposition, and then he needs practice. So he was never an option, never an option," dagdag niya.


Nalalagay man sa do-or-die situation ang Bay Area magagawan pa rin ng Dragons ng paraan ang lahat. Si Powell ay may averaged na 37.3 points, 8.4 rebounds, 3.0 assists, at 2.0 steals para sa Bay Area sa eight appearances. Mamayang gabi ang Game 6 sa Araneta Coliseum.

 
 

ni MC @Sports | January 10, 2023



ree

Nabigo sa kanyang pakay na grand slam sa unang professional tournament si Alex Eala nang matalo ito sa 6-4, 6-7(1), 3-6 kay dating Top 30 ace Misaki Doi ng Japan sa qualifying opening round ng Australian Open (AO) kahapon.


Dinaig ang Women’s Tennis Association (WTA) World No. 214 Eala, 17 ng 31-anyos na World No. 308 Doi sa loob ng 2 hours at 37 minuto na laro sa Court 8 ng Melbourne Park.


Kinakailangan ni Eala, singles champion ng 2022 US Open Juniors, 2022 W25 Chiang Rai, at 2021 W15 Manacor ng tatlong qualifying matches para umabanse sa AO main draw. Nagawa pa ng Filipina tennis star na makalamang sa 4-2, pero sumagot na ang two-time WTA 125K Series winner Doi ng isang serve para sa ace, 4-5.


Makaraan ang 42 minuto ng laro, masigla pa si Eala sa first set mula love service dahil sa backhand forced error ni Doi, 6-4, at narinig pang sumigaw ang Rafa Nadal Academy scholar ng, “Come on!”


Nagpatuloy ang makapigil-hiningang bakbakan sa second set hanggang makalamang uli si Eala, 4-2 dahil sa ilang sunod na forehand service return.


Dalawang beses nag-served si Eala para sa 5-2 at 5-4, pero nagawang humabol ni Doi para muling pamunuan ang momentum, 6-5, makaraang makaligtas sa tatlong break points.


Sa ikalawang round ng qualifying, makakasagupa ni Doi si No. 14 seed at World No. 113 Laura Pigossi ng Brazil. Kaugnay na rin ng kanyang pro grand slam debut, plano ni Eala sa kanyang International Tennis Federation (ITF) blog. “My team and I did everything we planned to, executing everything really well. I was so happy with how my team constructed those five weeks,” saad ng two-time junior girls’ doubles grand slam champion ng 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page