top of page
Search

ni MC @Sports | February 3, 2023


ree

Kinumpirma na kahapon ng Saudi Arabia ang pagho-host ng bansa sa football 2027 Asian Cup, na unang hakbang inaasahan para sa pagdaraos ng World Cup bid dahil maglalaan ang oil-rich kingdom ng multi-milyong mahalaga sa naturang sports upang pag-ibayuhin pa ang imahe.


Pormal nang inihayag ang three-time winner na nagtagumpay sa bid matapos na umatras ang nag-iisang karibal na India, at isinelyo na ang nagdaang Asian Football Confederation Congress sa Bahrain, idinaos ilang linggo matapos na mag-host ang kapitbahay na bansa sa gulpo na Qatar ng World Cup sa Middle East. "We are excited to deliver the greatest tournament in the competition's history," ayon kay kingdom sports minister Prince Abdulaziz bin Turki Al-Faisal makaraan ang anunsiyo.


"The kingdom is transforming before our eyes and we are filled with excitement for what it will look like in 2027."


Nakipagtalakayan na ang Saudi Arabia, ang world's biggest oil exporter sa Egypt at Greece hinggil sa joint World Cup bid sa 2030, saad ng opisyal.


Gumastos ang konserbatibong bansa ng ilang daang milyong dolyar at deals kabilang na ang pagkuha ng Al Nassr at palagdain si Cristiano Ronaldo, Formula One sa Jeddah at ang lukratibong LIV tour sa golf.


Madalas na akusasyon sa monarkiya ng gulpo ang "sportswashing" - diumano'y ginagamit ang sport para pagtakpan ang critisismo sa mga human rights record. Sa isang ulat nitong Miyerkules ng Reprieve at European Saudi Organisation for Human Rights ang 'pagkitil' o executions sa mga bilanggo sa ilalim ng bagong liderato ay lalong tumaas.

 
 

ni MC @Sports | February 1, 2023


ree

Nanatili pa rin sa Pransiya si Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino para ayusin pa ang magiging kampanya ng Pilipinas para sa susunod na 2024 Olympics.


Ang rason kung bakit naroon ang sigla at kahandaan ng 'Pinas, ito kasi ang ika-100 taon na paglahok ng bansa sa Olympics sa 2024 at muling magtatala ng kasaysayan sa Paris.


“It’s a century of Filipino athletes’ campaign in the Olympics,” ayon kay Tolentino, na unang naging abala sa pagselyo ng aayusin pre-Olympic training venue sa Academos Sports Center sa Moselle sa siyudad ng Metz. “Hidilyn Diaz [Naranjo] won for the country its first Olympic gold medal in Tokyo, and that was historic,” ani Tolentino. “But how about a more historic centennial Olympic campaign?”


Unang sumalang ang Pilipinas sa Olympics sa Paris 1924 kung saan si David Nepomuceno ang nag-iisang kinatawan sa 100 at 200 meters ng athletics.


Lumahok ang bansa sa 21 pang sumunod na Olympics at makaraan ang Tokyo Olympics nitong 2020+1 ay nakakolekta na ang bansa ng 14 medals—one gold, five silver at eight bronze medals.


Lumagda si Tolentino ng memorandum of agreement noong Huwebes kasama ang mga opisyal ng City of Metz sa pamumuno ni La Moselle President Patrick Weiten kung saan ang MOA event ay sinaksihian ng French media.


Ang video clip ng gold medal campaign ni Diaz-Naranjo sa Tokyo maging ang boxing silver medalists na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial ay itinampok sa French television. Ang Pilipinas ang unang lumagda ng training agreement kay Moselle, isa sa ilandaang Pre-Games Training Centers para sa Paris 2024 na sinertipikahan ng French organizers at International Olympic Committee. Ang pre-Olympic training program, na gagawin ng ilang buwan bago ang Hulyo 26 hanggang August 11 ang una sa POC history.


 
 

ni MC @Sports | January 31, 2023


ree

Ginunita noong Biyernes (Enero 27) ang ikatlong anibersaryo ng malagim na pagbagsak ng helicopter na kumitil sa buhay ni Los Angeles Lakers superstar Kobe Bryant.


Sa oras ng aksidente, ang NBA legend ay 41 taong gulang. Ang biglaang pagkamatay ng multi-time NBA at Olympic champion ay gumulat sa basketball community at sa mga tagahanga ng laro.


Namatay ang ex-USA at Lakers shooting guard na si Bryant noong Enero 26, 2020, kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang isang helicopter patungo sa isang basketball game sa Mamba Sports Academy na kanyang itinatag.


Salamat sa kanyang tungkulin sa pamumuno, kumpiyansa, at malakas na pagganap sa mga court, si Bryant ay itinuturing na isa sa mga magaling sa basketball at madalas na ikinukumpara ng marami kay Michael Jordan, isa pang alamat ng hoops.


Ipinanganak noong Agosto 23, 1978, sa silangang lungsod ng Philadelphia, unang nakakuha ng atensyon si Bryant sa kanyang pagganap sa Lower Merion High School sa City of Brotherly Love.


Noong 13 si Bryant, pagkatapos magretiro ang kanyang ama sa basketball, bumalik siya at ang kanyang pamilya sa US. Napiling ika-13 ng Charlotte Hornets noong 1996 draft, nakuha ng Lakers si Kobe Bryant kapalit ng dating Serbian center na si Vlade Divac, na panimulang manlalaro ng Western Conference franchise.


Unang isinuot ni Bryant ang Lakers jersey habang siya ay 18-anyos at iginugol ang kanyang buong 20 taong karera sa koponang ito. Pinangunahan ni Bryant, isang 18-time NBA All-Star, ang Lakers na manalo ng limang titulo sa NBA – noong 2000, 2001, 2002, 2009, at 2010.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page