top of page
Search

ni MC @Sports | February 19, 2023


ree

Umaariba ang mga beteranong swimmers, ngunit patuloy ang agaw-pansin ng mga junior standout sa pangunguna ni Micaela Jasmine Mojdeh ng Behrouz Elite Swim Team sa ikalawang araw ng National tryouts nitong Biyernes para mapili ang mga miyembro ng Philippine Team na isasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 6-17.

Nadugtungan ng 16-anyos National Junior record holder at Palarong Pambansa phenom ang ratsada sa unang araw ng qualifying nitong Huwebes sa isa pang impresibong gold medal win sa women’s 200m butterfly sa tiyempong 2 minuto at 20.76 segundo. Ang naitalang oras ay lagpas sa qualifying time-B na 2:22.71 para sa SEAG criteria.

Sumegunda sa kanya si Camille Buico ng Rising Atlantis sa tiyempong 2:22.26 na pasok din sa QT-B, habang bronze medalist si Mishka Sy ng QC Bucaneers (2:25.04).

Ito ang ikalawang gintong medalya ng premyadong student-athlete ng Brent International at tanyag bilang ‘Water Beast’ sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Stabilization Committee na inatasan ng World Aquatics na pamunuan pansamantala ang Philippine swimming habang hindi pa naisasagawa ang bagong halalan matapos bawian ng pagkilala ng International Swimming body ang Philippine Swimming Inc. gayundin ang lahat ng Board members nito.

We’re really excited. This is better than last year qualifier. Mas masaya, mas maraming nanonood. Last year kasi dahil din siguro sa COVID konti lang kaming participants sa qualifying para dalawa kaming naglalaban sa isang event. Walang hyped, compared this year, feeling ko mas ready ang lahat,” pahayag ni Mojdeh, naunang nagwagi sa women’s 200m Individual Medley sa oras na 2:27.44.

Humirit din ang kasangga niya sa Behrouz squad na si Geoffrey James Liberato sa men’s 200m breast sa oras na 2:28.54 kontra kina Grieco Limfilipino ng Ayala Harpoon (2:31.15) at Joseph Arca ng Alcantara Aquatics (2:31.42).

Humirit naman ang two-time Olympian na si Jasmine Alkhaldi ng Ayala Harpoon sa women’s 100m free sa tyempong 57.40 segundo laban sa kapwa beterano na si Xiandi Chua ng Top Swim sa gabuhok na layong 57.42 segundo. Kapwa pasok sa QT-B na 57.84 ang oras ng dalawa. Nakopo ni Canille Buico ang bronze medal (58.42).


 
 

ni MC / Anthony E. Servinio @Sports | February 18, 2023


ree


Magdadaigan na muli ang pinakamahuhusay na Filipino high school players, local man at imports sa MOA Arena mula Marso 15 hanggang 19 sa 2023 NBTC National Finals at All-Star Game.


"Finally, after a three-year wait, the stage is set for young Filipino talent to shine again. We're very much excited for our tournament to prove that Philippine grassroots basketball is alive and well," ayon kay NBTC Program Director Eric Altamirano.


Ang national championship na pinagwagian ng Nazareth School of National University ng dalawang beses noong 2018 at 2019 ay paglalabanan ng 24 teams na sasalang sa classification contests kung saan ang panalo ay ikaklasipika sa Division 1 habang ang matatalo ay dadalhin sa Division 2.


Ang dalawang dibisyon ay kukuha ng three-team groups of four na magsasagupa sa round-robin eliminations. Ang top team sa bawat grupo ay aabanse sa knockout semifinals at finals, kung saan ang Div. 1 at Div. 2 champ ang kokoronahan.


Sa nakaraang National Finals kung saan ang Bullpups - sa pangunguna nina Carl Tamayo, Terrence Fortea, at Gerry Abadiano ang bumida sa kompetisyon, bagamat kasagupang mabigat sina Jalen Green ng Fil-Am Sports USA, Kai Sotto ng Ateneo de Manila High School, Justine Sanchez at Yukien Andrada ng San Beda High School.


Sa unang pagkakataon, ang NBTC 13th season ay hindi lang nilahukan ng school-based squads, kundi ang iba pang club teams. Lahat ng players ay dapat isinilang bago ang Enero 1, 2004 at may dugong Pinoy. "We're happy to be continuing on the road we've been on since 2017, when we first launched the NBTC 24 as a ranking system that recognizes the future of collegiate basketball and, ultimately, Philippine basketball," ayon kay NBTC Special Projects Head Anton Altamirano.

 
 

ni MC @Sports | February 17, 2023


ree


Apat na labanan sa kababaihan at tatlo sa kalalakihan ang itatampok ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships ngayong Biyernes sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.


Magsisimulang umaksiyon ang Parañaque Green Berets at New Gen. Sta. Cruz Laguna sa girls’ Pool A match set ng 10 a.m., kasunod ng Parañaque Thunderbolts Volleyball Club-Gracel Christian College Foundation duel sa Pool B ng 11:30 a.m.


Magsasagupa naman ang Marikina Titans Volleyball Club at California Precision Sports (CPS) ng 1 p.m. sa Pool C duel, habang ang Team Hiraya (Angono, Rizal) ay lalaban sa Volida Volleyball Club para makumpleto ang girls’ competitions ng 2:30 p.m.


Magsisimula ang boys’ match sa Justice CM Palma High School kontra Team Makati ng 4 p.m. sa Pool A, babanat ang Queen Anne School (QAS) laban sa Team Nagcarlan Laguna (NCL) ng 5:30 p.m. sa Pool D habang makakaharap ng MNHS-Antipolo City ang Philippine Christian University ng 7 p.m. sa pool B.


Sa wakas, narito na ang PNVF U-18 championships at masaya naming inaanunsiyo na maganda ang pagtanggap sa amin at nakakatuwa,” saad ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara. “Naniniwala ako na makakahanap kami ng mahuhusay na manlalaro sa binagong pagbabalik ng torneo."


Dalawampung teams ang maglalaban sa girls’ section at 16 squads ang pumasok sa boys division.


Mayroong 4 pools sa bawat kasarian.


Ang labanan ay idaraos ng apat na sunod na Biyernes, Sabado at Linggo, ayon kay competition director Oliver Mora, kung saan ang medal round ay sa Marso 12.


Sa boys’ class, ang bakbakan ng Sabado ay Hermosa Volleyball Club laban sa Team Manila ng 1 p.m. sa Pool C, Junction Youth Organization vs. QAS ng 4:30 p.m. sa Pool D at Team Makati vs.Santa Rosa City(SRC) ng 6 p.m. sa Pool A.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page