top of page
Search

ni MC @Sports | March 18, 2023



ree

Nagawang umangat ni Mathilda Krog sa intermediate podium maging ang Team Philippines na maabot ang best finish sa penultimate Stage 9 ng 13th Biwase Cup sa Vietnam noong Huwebes.


Naungusan ni Krog, mainstay ng Philippine Navy-Standard Insurance squad ang tatlong Vietnamese sa isang makapigil-hiningang yugto na pumangalawa sa dalawang intermediate sprints ng 115-km stage na nagsimula sa Lagi Town sa Binh Thuan hanggang VungTau City.


Nanguna rin ang anak ng PhilCycling national team coach na si Marita Lucas sa tatlong Philippine top 10 finish nang pumangpito na nauna kay Marianne Dacumos (eighth) at Jelsie Sabado (ninth) sa karera na pinagharian ni Vietnamese Tran Thi Thuy Trang sa pagtatapos na 2 oras, 54 minuto at 42 segundo.



Dumating si Kate Yasmin Velasco, Avegail Rombaon, Maura de los Reyes at Mhay Ann Linda sa malaking sixth group na dikit sa isa at kalahating oras na bumubuntot sa Team Philippines na isinabak sa karera ng PhilCycling bilang paghahanda sa Cambodia 31st Southeast Asian Games na suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, Tagaytay City at MVP Sports Foundation.


ree

With the Filipinas on the attack, Team Philippines took second place for team stage honors behind overall leader Tuyen Biwase-Binh Duong. Team Philippines, however, remained at seventh place in the team general classification by more than 38 minutes behind the top Vietnamese squad.


Bahagyang nakausad ang Filipinas sa general classification, umibayo si Dacumos para sa No. 16, lumayo sa tatlong posisyon si Velasco sa No. 25 habang si De los Reyes ay nalagay sa No. 27.


Si Rombaon ay nasa 34 mula sa 30th, si Sabado ay nasa 37 mula 38th, Krog 39th mula 42nd at si Linda ay 58 mula 57th sa general classification.

 
 

ni MC @Sports | March 16, 2023



ree

Sa wakas ang ganda ng naging resulta ng laro ni Mhay Ann Linda sa una niyang international race sa Stage 7 ng 13th Biwase Cup sa Vietnam noong Martes.


Bagito ng Team PHL na humalibas na sa labas para sa Team Excellent Noodles, malakas sa una sa dalawang intermediate sprint ng 135-km stage at nagtapos na 3rd kasunod ng Vietnamese at una sa ka-teammate na si Kate Yasmin Velasco.


Ang nakasosorpresang karera na iyon ni Linda ang nagmarka sa matinik na pedal ng Nationals at tumersera sa yugtong ito na idinaos sa Phan Rang City at natapos sa Phan Thiet City ng Binh Thuan Province.


Nag-1-2 ang Vietnam team Tuyen Tp Hcm Vinama at Malaysian squad at bumuntot ang Pinay team na pinadala rine ng PhilCycling bilang paghahanda sa Cambodia 31st Southeast Asian Games na sinuportahan ng ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, Tagaytay City at MVP Sports Foundation.


ree

Magilas din si captain Avegail Rombaon para sa bansa na tumersera sa mga team sa karerang dinomina nina Taiwan’s Lei Ying-Hsiu at Vietnaese Nguyen Thi Thu Mai at Bui Thi Quynh. Isa pang pulutong na pagtatapos sa lahat ng mga siklista na may pare-parehong 3 oras, 5 minuto at 34 segundo. May time bonus para sa unang tatlo sa stage at intermediate sprints.


Nasa 11th place si Pinay Maura De los Reyes ng Mixed Team habang halos mauna si Velasco na pumang-14 sa yugtong ito. Pinakamataas na puwesto ni Linda ang pang-19, kasunod sina Mathilda Krog (pang-28), Mixed Team rider Jelsie Sabado (42) at Marianne Dacumos (48).


Si Batriya Chaniporn ang nakapuwesto sa general classification 23 segundo ang layo sa kapwaThai Somrat Phetdarin at 1:05 kay Quynh.

 
 

ni MC @Sports | March 14, 2023



ree

Hindi na nagpatinag pa ang California Precision Sports (CPS) hanggang sa huli maging ang De La Salle Lipa upang maghari sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships sa Rizal Memorial Coliseum nitong Linggo.


Ipinagmalaki ang CPS ng Antipolo City nang makuha ang korona sa torneo na muling itinaguyod ng PNVF laban sa Gracel Christian College Foundation (GCC) ng Taguig City, 25-14, 25-16, 25-18.


Sa kabilang banda humaba pa sa 4th set ang laban ng De La Salle Lipa bago nakuha ang 23-25, 25-20, 25-13, 25-15 na panalo kontra Laguna team Santa Rosa City, na sinimulang iestablisa ang galing sa volleyball.


Nakapagtala si Middle blocker Jenalyn Umayam ng 18 kills, 2 service aces at block para sa 21 points, habang sina Most Valuable Player at Best Outside Hitter Casiey Monique Dongallo ang nanguna sa depensa ng GCC sa 15 hits at may 9 points si Joyce Soliven at three service aces para sa CPS.


ree

Pinuri ni CPS coach Obet Vital ang team’s veteran na si Kizzie Madriaga— itinanghal na tournament’s Best Setter dahil sa tibay nito sa laro.


Nakuha ng CPS girls ang korona na undefeated sa seven matches mula pa sa pool play. Hindi rin nila sinukuan ang bawat set ng matches.


It proves that volleyball is very much alive in the grassroots and the way these boys and girls played, Philippine volleyball has a big mass base for future members of the national team,” proud na wika ni PNVF Ramon “Tats” Suzara.


Kabuuang 36 teams—20 girls at 16 boys—ang naglaro sa torneo na susundan ng PNVF Under-23 Championships sa Agosto sa Rizal Memorial Coliseum.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page