top of page
Search

ni GA / Clyde Mariano / MC @Sports | May 4, 2023


ree

Nakasisiguro na ang Pilipinas ng dalawang gintong medalya sa Obstacle Course event ng 32nd Southeast Asian Games matapos pumasok sa Finals ang apat na Pinoy sa Chroy Changvar Convention Center sa Phnom Penh, Cambodia.


Nahigitan nina Precious Cabuya at Kaizen Dela Cerna ang mga katunggali sa women’s individual event para sa All-Pinay showdown, habang magkasunod na tumapos sina Jaymark Rodelas at Popoy Pascua sa men’s individual run.


Rumehistro ang women’s tandem na sina Cabuya at Dela Cerna ng 33.627 at 37.662 sa Heat 1 at 33.128 at 34.863 sa Heat 2, ayon sa pagkakasunod, upang higitan ang Indonesian players na sina Anggun Yolanda Samsul Hadi at Mudji Mulyani na tumapos sa third at fourth at ang Cambodian runners na sina Yin Pi Sey at Touch Sreytoch.


Mabilis naman ang pagkuha nina Rodelas at Pascual ng magkwalipika sa 25.0921 at 26.1896, upang ilista ang title faceoff sa Sabado. “The amazing performances of our athletes in obstacle course two days before the formal opening of the 11-nation biennial meet in all fronts indeed a good sign of our strong campaign in the two weeks competition. The excellent campaign of our athletes in obstacle course inspire the other athletes to go for the gold,” ayon kay Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann.


Samantala, maagang tagumpay ang nadala ng woodpusher duo na sina first PH Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at Woman International Master Shania Mae Mendoza sa Ouk Chaktrang event.

Nakatiyak na sa silver medal na ang dalawang tacticians sa Ouk Chaktrang na Cambodia version ng chess na may ibang rules tulad ng pagkakaroon ng pawns sa pangatlong rank sa halip na 2nd rank at kakayahan ng King na tumalon imbes na isang square lang ang hakbang.

 
 

ni MC @Sports | April 18, 2023



ree

Bagamat isinilang at lumaki si Jackie Buntan sa Estados Unidos, ipinagmamalaki niya na katawanin ang dugong Pinoy sa global stage ng combat sports.

Ang 25-anyos na bayani ng Redondo Beach, California ay muling mabibigyan ng tsansa sa Mayo 5 bilang bahagi ng makasaysayang ONE Fight Night 10 card —ang kauna-unahang event ng ONE Championship sa lupain ng Amerika.

Nakaiskedyul siyang makasagupa si Diandra Martin ng Australia sa isang 3-round strawweight Muay Thai clash sa bakbakang may nakalinyang 11 matches na katatampukan ng 22 indibidwal mula sa 14 na iba't ibang bansa.

Bilang nag-iisang Filipina sa nasabing live event, ipinagmamalaki niyang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas na kanyang pinag-ugatan habang buong tapang niyang ipakikita ang kanyang abilidad at husay. “Siguro, mahalaga, hindi lang sa akin, bilang isang Muay Thai athlete, kahit saan mapadako ay palaban ang isang Fil-Am na tulad ko,” ani Buntan.

Maging ikaw man ay isang atleta o hindi atleta, nasa puso na natin ang pagiging palaban, ganyan ang Filipino. Nasa braso ng Pinoy ang puso, matigas, lalo na kapag pinagsama ang mga ito sa combat sports, doon mo makikita ang dakilang giting ng dugong kayumanggi," dugtong pa ni Buntan. “Tulad na lang ni Manny Pacquiao, siya lang ang nag-iisang ehemplo, taglay niyang lahat iyon, lakas, determinasyon, sipag, siya ang kinatawan ng Filipino. Lahat ng dugo natin pare-pareho kaya tayo naririto para magsilbing inspirasyon sa mas batang Pinoy, humaharap sa mundong may tiwala sa sarili, nasusubok ang tibay at kayang sumagupa sa mahihirap na sitwasyon," aniya pa.

Sa Mayo 5, titiyakin ni Buntan na maangkin ang panalo para makalapit sa potential rematch kay Smilla Sundell para sa ONE Strawweight Muay Thai World Championship.

 
 

ni MC @Sports | April 15, 2023



ree

Sisimulan ng AcadArena ang campus gaming sa pamamagitan ng AcadArena Spaces-co-branded na gagawing isang convertible student hubs para sa mga mag-aaral na lumalahok sa gaming, esports, o technical knowhow-na unang itatayo sa National University (NU) Laguna ngayong Abril.


Ang dream space ng AcadArena ay magiging fully-equipped sa mga high-end PCs at may student lounge para sa pag-aaral, paglalaro at iba pang events, na may modular design na akma sa pangangailangan ng estudyante.


Bukod sa computer laboratory sa academic institutions, may mga programa rin para sa mga estudyante ng AcadArena para maunawaan ang esports at gaming at maging fundamental part ng campus life at maibigay ang pinakamainam na kapaligiran sa guro at mag-aaral. "We've always treated campuses as our partners in esports- thus when developing Spaces we focus on balancing the specific needs of a campus with the wants of esports athletes and student gamers," ayon kay AcadArena Scholastic Partnerships Manager Atty. Isaiah San Miguel.


ree

Maglalaan ang NU Laguna ng mixed-use Space upang mapalawak ang physical space ng programa. Isang classroom at learning center sa buong araw at play area at mobile lounge makaraan ang class hours. "We’re proud to say that our approach has been well-received, and we're already in talks with several other campuses who are interested in developing their unique AcadArena Space," ayon kay AcadArena Co-Founder and Chief Executive Officer Kevin Hoang "We believe that the success of these Spaces is down to our ability to work closely with campus officials to understand the needs of their students and create Spaces that cater to those needs. Empowering people to be everyday heroes AcadArena is devoted to developing and supporting student gamers across our network of 800 campuses and 100+ student clubs. A clear focus on what communities need has been the guiding principle in the development of Spaces - we know what students need, we know what features Spaces can provide to empower them. "


 
 
RECOMMENDED
bottom of page