top of page
Search

ni MC / VA @Sports | July 7, 2023



ree

Laro ngayong Biyernes

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

11 a.m. – Poland vs Brazil

3 p.m. – Slovenia vs Italy

7 p.m. – Japan vs The Netherlands

Ibinuhos ng Brazil ang ngitngit na ganti sa Netherlands sa bisa ng 25-21, 25-15, 25-20 win para umangat sa team standings sa Volleyball Nations League (VNL) men’s tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Habang mabigat ang loob sa pagkatalo sa krusyal na Week 3 opener noong Martes laban sa Italy, nakaresbak ang Brazilians sa madaliang pagdispatsa sa Dutch sa loob lang ng 72 minuto at iangat ang record sa 7-3, ikatlong puwesto sa likod ng unbeaten Japan (9-0) at United States (8-1).


Pinatahimik ng Brazil, ang world No. 3 at ang 2021 VNL champion si Dutch ace Nimir Abdel-Aziz, ang world’s top-ranked spiker, na masipag sa kanyang mga atake para sa 23-25, 20-25, 25-15, 21-25 na pagkasawi sa Italy, 2 araw ang nakaraan.


May tig-10 puntos sina Henrique Honorato at Lucas Saatkamp habang si Ricardo Lucarelli Souza at Alan Souza ay may tig-9 bilang Brazilian quartet combo katuwang si world’s best setter Bruno Mossa Rezende na may 10 puntos kada set.


“We tried to limit their strong attackers. They have the best (opposite) spiker in the world in Nimir and we made a great job blocking him. That was the main thing in this win,” ani Rezende, ang team captain ng Brazil.


At nagawa nga ng Brazil na makuha ang unang panalo sa Philippine leg ng VNL na inorganisa ng International Volleyball Federation (FIVB).


Si Abdel-Aziz, matapos ang 24-point eruption sa 25-22, 25-22, 17-25, 25-18 win kontra Canada noong Miyerkules ay may 8 puntos lang sa Netherlands. Sasagupa ang Brazil ngayon kontra world No. 1 Poland na nasa No. 4 spot sa final preliminary leg ng VNL.

 
 

ni MC @Sports | July 6, 2023



ree

Hindi makalalaro si Kayla Sanchez sa world aquatics championships na nakatakda ng walong araw sa Fukuoka upang makapagkonsentra sa kampanya sa Hangzhou 20th Asian Games bilang full-fledged Filipino athlete, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.


Hawak ni Sanchez, 22, ang isang Olympic silver at tatlong world championships gold medals nang katawanin sa swimming ang Canada. Pero piniling lumipat sa bansang kanyang sinilangan ang Pilipinas noong nakaraang taon.


Sinabi ni Tolentino na si Sanchez, sa payo na rin ng kanyang coach ay nagpasyang magpokus sa Hangzhou Asian Games sa September at hindi na makalalahok sa world championships simula Hulyo 14 Fukuoka, Japan.


“I have met with my coach, and we have decided it is best for me not to compete in Fukuoka,” saad ni Sanchez ky Tolentino. “This means I can be focused to medal in the Asian Games in September.”

“I have a very intense competition schedule after Asian Games with another world championships and the Olympics,” dagdag niya.


Sinabi pa ni Tolentino na may tiwala siya kay Sanchez at sa pasya ng kanyang coach na sumabak sa Hangzhou.


Hinihintay na lamang ni Sanchez ang kumpletong kumpirmasyon mula sa World Aquatics para sa karapatang katawanin ang Pilipinas makaraang irepresenta ang Canada noong mas bata pa, kabilang na ang Tokyo Olympics kung saan siya naging bahagi ng silver medal ng Canada sa 4x100 meters freestyle relay team.


“Before I withdraw from the competition I think we should wait until World Aquatics approves my transfer,” aniya. “At least then we know that I am 100 % cleared to race for the Philippines in the Asian Games.”


Kailangan lamang ni Sanchez na kumpletuhin ang ilang taon na paninirahan sa bansa para makumpleto ang paglipat. Pinasalamatan niya si Tolentino sa pangangasiwa sa kanyang pag-transfer.


 
 

ni MC @Sports | July 5, 2023



ree

Siniguro ng Italya na hindi mananatili ang paghahari ng Brazil at ginantihan ang three time Olympic champion sa harap ng mga Filipinos, 22-25, 25-20, 25-15, 25-23, sa Week 3 ng Volleyball Nations League sa araw na pinagdiriwang ang Filipino-American Friendship Day sa Mall of Asia Arena.


Hindi nasiraan ng loob ang mga Italians ba natalo sa first set, 22-25. Dala ng kanilang desire at bawian ang mga Brazilians, bumawi ang Italians kinuha ang second set, 25-20, at itabla ang laro 1-all.


Nakuha ang rhythm at momentum, kinontrol ng mga Italians ang third at fourth at kunin ang impresibong panalo at matamis na ganti ang pinalasap sa mga Brazilians hind isa kanilang bansa kundi sa Pinas pinanood ng mahigit 11,000 volleyball fans.


Sa ekspertong gabay ni coach Ferdinando De Giorgi, nagwagi ang Italya. “We’re happy we did.


We played good in the second, third and fourth set,” sabi ni Simone Giannelli matapos talunin ang Brazil sa grudge game na tinatawag na South America vs. Europe.


Tinalo ng Brazil ang Italy sa three Olympic finals sa Sydney, Greece at Rio de Janeiro.


Samantala, muling nagkampeon ang Barangay Ginebra sa unang leg ng First Conference sa PBA 3X3 Season 3.


Isinalpak ni Donald Gumaru ang game-winner para sa 8 puntos at bigyan ang Gin Kings ng kalamangan laban sa San Miguel sa overtime, 19-17 at tuluyang kunin ang P100,000 cash prize na idinaos sa Ayala Malls Manila Bay kahapon.


Tumapos naman si Kim Aurin ng five points, five rebounds, at five assists, at isa five dimes ni Aurin dagdag pa ang game-winning shot ni Gumaru. Unang hindi nag-aksaya ng panahon ang TNT Triple Giga nang dominahin ang PBA 3x3 at walisin ang pool stage nang unang sumampa sa quarterfinal spot sa opening day tournament third season.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page