top of page
Search

ni MC @Sports | August 9, 2023


ree

Lumakas ang Gilas Pilipinas sa huling final quarter para matagumpay na matuldukan ang laban sa Heyuan WUS International Basketball Tournament sa bisa ng 63-48 laban sa Iran noong Lunes sa China.


Pinangunahan ni Dwight Ramos ang tikas ng nationals sa nagawa niyang 17 points at 14 rebounds habang si Kiefer Ravena ay may 9 points, six dimes, at six boards.


Sa dikit na laro ay nagawang pumatas ang magkabilang panig sa iskor na 46, ginamit ng Gilas ang 17-2 run upang tapusin ang laro na tinuldukan sa three-pointers nina Ramos at Ravena.


Nakaiskedyul silang sagupain ang Montenegro sa August 20 at ang Mexico sa August 21.00


Samantala, sa laro kahapon ng Gilas Pilipinas women team, hindi na nila nagawang makabawi laban sa South Korea, 65-59 sa 2023 William Jones Cup kahapon sa Taiwan.


Unang hindi napigilan ng Gilas Pilipinas Women ang hot-shooting rampage ng host Chinese Taipei B (Chinese Taipei White) nang matalo ang nationals sa 94-83 sa 2023 William Jones Cup noong Lunes sa Taipei, Taiwan.

0

Nakapagtala lamang ang Gilas Women ng 1-3 kartadang panalo talo sa single round tournament na natalo rin sa Chinese B nitong Lunes. Unang panalo naman ito ng Korea sa torneo, umibayo sa 1-3.



ree

Naiiwan ng 16 puntos, 40-24, sa pagtatapos ng first half, nagawa ng Filipinas na makapanalasa pa hanggang third quarter. Pero hindi nila napigilan ang pananalasa ng Koreans, kung saan ang team ang pinakamaraming titulo sa Jones Cup, nakalalamang pa sana ang Gilas Women's, 57-41, pagsapit ng 4th period.


Kinapos ang pangunguna ni Kacey Dela Rosa sa 14 puntos habang si veteran Janine Pontejos ay nakapag-ambag ng 12.


 
 

ni MC @Sports | August 8, 2023


ree

Sa wakas, darating sa bansa si Utah Jazz NBA player Jordan Clarkson para makasama sa paglalaro ang Gilas Pilipinas national team sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Umalis ang Filipino-American guard sa Los Angeles, California kahapon at bumiyahe na patungo dito sa Manila.

Hindi nagawang makapaglaro ni Clarkson sa Philippine team sa isang pocket tournament sa China dahil sa isyu ng visa, pero may dalawang linggo pa siyang mage-ensayo kasama ang Gilas bago ang pagsalang nila sa World Cup tips off sa August 25, ayon sa ulat ng ABS-CBN news.

Unang sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap ng dating NBA Sixth Man of the Year at nakatanggap ng katiyakan na si Clarkson ay nasa “basketball shape” pagdating sa bansa.

“He knows what we want from him, and I think he’s up for the challenge” saad ni Reyes hinggil kay Clarkson sa nakaraang paglabas sa Power and Play ni former PBA commissioner Noli Eala. “The good thing is he’s not coming in cold. He’s been with us before. Obviously, he still has to familiarize himself with some players na ngayon lang niya makakalaro, but like I said, he is a world-class NBA player, so hopefully those concerns can be laid to rest.” saad ni Reyes.

Si Clarkson, 31 ay naglaro sa Pilipinas ng dalawang beses sa FIBA World Cup Asian qualifiers 2022, may average na 25 points, 6.5 assists, at 5.5 rebounds kada game.

Samantala, pakay ng Gilas Pilipinas Women’s Team na makabawi sa 2023 William Jones Cup for Women nang magwagi sa 64-60 kontra Iran noong Linggo sa Heping Basketball Gymnasium.

Bumakas sina Jhazmin Joson at Kacey Quinn dela Rosa ng tig- 12 points para sa Pilipinas, habang dinomina ni Jack Animam ang rebounding department sa 15 na may seven points.


 
 

ni MC @Sports | August 7, 2023


ree

Sinuspinde ng NBA si San Antonio Spurs guard Devonte’ Graham ng dalawang laro nang walang bayad matapos siyang umamin ng guilty sa pagmamaneho habang lasing, inihayag ng liga nitong Martes.


Ang kanyang pagkakasuspinde ay magsisimula sa susunod na NBA regular-season game na siya ay karapat-dapat at makakapaglaro.

Si Graham ay pinahinto dahil sa mabilis na pagmamaneho sa North Carolina noong Hulyo 2022.


Ipinapakita ng mga rekord ng korte na siya ay nagmamaneho ng 63 milya bawat oras sa isang 40 milya bawat oras na sona sa Raleigh, North Carolina, at nasubok na may antas ng alkohol sa dugo na .11, na mas mataas sa antas ng estado, legal na limitasyon ng .08.


Siya ay nasa 12 buwang unsupervised probation.


Si Graham ay naglaro ng limang season sa NBA.


Nagsimula siya noong nakaraang season kasama ang New Orleans Pelicans. Bago i-trade sa Spurs, natamaan niya ang isang 61-foot game winner para sa Pelicans sa Oklahoma City.


Nag-average siya ng 13 puntos at apat na assist sa 20 laro para sa San Antonio noong nakaraang season.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page