top of page
Search

ni MC @Sports | April 6, 2024




ree


Nagpakitang-gilas pa rin sina Rancel Varga at James Buytrago bagamat nabigo sa ikalawa sanang straight victory  at top spot sa kanilang grupo sa preliminaries ng Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open kahapon.

 

Hindi napantayan ng batang Filipino duo  ang malakas na simula at nasagap ng 22-20, 26-28, 13-15 na pagkabigo kina Kosuke Fukishima at Hiroki Dylan Kurokawa ng Japan sa  world-class Nuvali Sand Courts by Ayala Land sa City of Sta. Rosa.

 

Pero ang unang puntos sa three-set loss, dagdag ang straight-sets victory sa kaagahan ng araw laban sa Indonesians na sina Yogi Hermawan at Ketut Ardana ang naglagay kina Varga at Buytrago sa No. 1 spot sa Pool H bago ang Round of 16.

 

Haharapin ng 5-foot-10 Varga at 6-foot-1 Buytrago sina Indonesian Bintang Akbar at Sofyan Efendi, sa dalawang preliminary matches. Natalo ang Indonesian pair kina Australian's Paul Burnett at Jack Pearse, 12-21, 16-21.

 

Ang iba pang Philippine pair nina AJ Pareja at Ran Abdilla ay abanse sa Pool D matapos ang preliminary matches para na rin sa Round of 16 showdown kina Iranians Abdolhamed Mirzaali at Abolhassan Khakizadeh na nanguna sa Pool G.

 

Sinabi ni Varga na ang result ang nagbigay din sa kanila ng sigla para sa Round of 16. “There were lapses, but at the same time the confidence is there,” ayon sa dating University of Santo Tomas spiker.

 

Samantala, nanaig ang National University laban sa La Salle-Lipa para makuha agad ang solong liderato sa  PNVF U-18 sa bisa ng 25-21, 25-16 sa duwelo sa pagitan ng mga undefeated squads sa muling pagbabalik ng 2024 Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila. 

 

Kinailangan lang ng  Lady Bullpups ng 51 minuto para dispatsahin ang  Batangas bets at magtarak ng 3-0 won-lost record sa Pool B ng girls’ division. 

 

 
 

ni MC @Sports | April 6, 2024


ree

Hindi na kailangang kapsyunan ang larawan kung saan inaalo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang emosyonal na si tanging unang first Olympic gold medalist ng bansa na si, Hidilyn Diaz-Naranjo.

 

“You’re still the queen,” sabi ni Tolentino kay Diaz-Naranjo ilang minuto matapos niyang makita ang pangalan sa labas ng magic 10 na kuwalipikado para sa  weightlifting competitions sa Paris Olympics.

 

“You are still our champion, you deserve all the honor and respect for giving our country its first gold medal,” paulit-ulit na sinasabi ni Tolentino kay Diaz-Naranjo.

 

Noong nakaraang tatlong taon sa panahon ng pandemic 2021 sa Tokyo  Olympics, hindi pa ikinakasal si Diaz sa kanyang coach at trainer na si  Julius Naranjo nayakap niya si Tolentino dahil sa tuwa, may lakip na luha ng tagumpay matapos na makuha niya ang gintong medalya sa Olympiyada sa loob ng Tokyo International Forum.

 

Nitong Miyerkules ng gabi sa  Phuket, sumagupa si Diaz-Naranjo sa  weight division na tatlong kilo na mas mabigat sa  -56 kgs kung saan siya nagwagi ng ginto sa Tokyo ay nalagay siya sa 11th  place sa  International Weightlifting Federation World Cup ang huling qualifier para sa Paris.

 

Hindi niya iyon inasahan,  dahil sa pakay niyang pang-limang straight Olympic slot at pakay uli na gold ay hindi na niya kinaya pang buhatin ang -59 kgs.  

 

“’I’m sorry, Cong, I’m sorry … ,” paulit-ulit niyang sinabi kay Tolentino, na siya ring national sports association head ng cycling nang unang sumabak si Diaz-Naranjo sa edad 17 sa Beijing noong 2008, na saksi siya sa pag-angat at tagumpay ng tubong Zamboanga City. 

 

“You don’t have to say sorry, again, anak, you’re still the queen, a legend,” ani Tolentino kay Diaz-Naranjo.

 
 

ni MC / Clyde Mariano @Sports | April 5, 2024




ree


Mainit ang naging simula ng Pilipinas team sa Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open sa paghamig ng tatlong straight-sets victories kahapon sa Santa Rosa, Laguna.

Tinalo nina Ran Abdilla at AJ Pareja ang Australians na sina Potts D’Artagnan at Ben Hood, 21-17, 21-19 sa first match  center court ng world-class Nuvali Sand Courts ng Ayala Land kasunod ng panalo rin nina James Buytrago at Rancel Varga kontra Indonesia’s Yogi Hermawan at Ketut Ardana, 21-11, 21-9.

Dinispatsa nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda ang Singaporeans na sina Cecilia Huichin Soh at Tin Wing Chan, 21-9, 21-15.

Sa iba pang women’s matches, tinalo ng Thailanders  P. Woranatchayakorn at P. Charanrutwadee ang Macau’s Leong Onieng at Law Wengsam, 21-14, 26-24, habang namayani ang Japan’s Suzuka Hashimoto at Reika Murakami kina Eliza Chong and Huiying Ang ng Singapore, 21-10, 21-12.

 

Magho-host din ang PNVF sa Nuvali sa Volleyball World Beach Pro Tour-Futures mula Abril 11 -14 at matapos iyon ay ang Nations League Men’s Week 3 ang susunod sa June 18 to 23.

 

Samantala,  maglalaban ang National  University (NU) at De La Salle-Lipa para sa women’s solo lead sa pagbabalik ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.

 

Parehong hawak ng NU at De La Salle-Lipa ang 2-0 won-lost records sa Pool B para sa 1 p.m. match.

 

Umiskor ang Lady Bulldogs ng 25-4, 25-16  at ilampaso ang Parañaque City kasunod ng 25-10, 25-12 debut kontra  Colegio de Los Baños, 25-10, 25-12 sa unang weekend ng event.

 

Ginapi rin ng La Salle-Lipa ang kapitbahay na Canossa Academy-Lipa, 22-25, 25-19, 25-17, bago winalis ang Batangas bet, San Juan Institute of Technology-Batangas, 25-17, 25-19.      

 
 
RECOMMENDED
bottom of page