top of page
Search

ni MC @Sports | May 20 2024



File photo
File photo: Asian Volleyball Confederation

Nagbigay ng solidong suporta ang Malacanang para sa limang major international volleyball competitions na pangangasiwaan ng Pilipinas ngayong 2024. Unang idaraos ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Challenge Cup sa Mayo 22-29 sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.


Sa pirmadong Memorandum Circular 49 na may petsang Mayo 13 ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “all government agencies and instrumentalities, including government-owned or controlled corporations, are hereby directed, and all local government units are encouraged, to extend full support to the Philippine hosting of volleyball and beach volleyball events in 2024.”


Maliban sa AVC Women’s Challenge Cup, idaraos din ng National Volleyball Federation (PNVF) ang Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week Three sa Hunyo 18-23 sa SM Mall of Asia Arena, ang Volleyball World Challenger Cup sa Hulyo 4-7 sa Ninoy Aquino Stadium, maging ang Southeast Asia Volleyball League for Men and Women sa Agosto 13-25 sa City of Santa Rosa Sports Complex at ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge sa Nob. 28 hanggang Dis.1 sa Nuvali Sand Courts by Ayala Land sa Santa Rosa.


“We are grateful to President Marcos Jr. and to Executive Secretary Bersamin for their support, which the PNVF believes would help further elevate Philippine volleyball to world-class level,” ayon kay PNVF head Ramon “Tats” Suzara. (MC)


 
 

ni Clyde Mariano @Sports | April 27, 2024




Muling pinatunayan ni Arvin Tolentino na tiyak maaasahan siya pagdating sa kagipitan at dinala ang North Port Batang Pier sa 115-113 na panalo sa Blackwater Bossing sa Philippine Cup sa Caloocan City Sports Complex.


Umiskor ang dating Ginebra hotshot jumper sa huling pitong seconds sa challenging defense ni Chistian David at ibigay ang mahalagang panalo at pigilin ang panglimang sunod na talo at palakasin ang quarterfinals campaign sa kartadang 5-6.


“The final game was designed to Tolentino and he did it in style,” sabi ni coach Bonnie Tan matapos iligtas ni Tolentino ang North Port sa nagbantang panganib.


“He is our franchise player. I instructed him to do the last play. Salamat muli niya uling nagawa ang dalhin sa panalo ang team,” wika ni Tan.


Sinira ni Tolentino ang huling deadlocked 113-all. Umiskor ang dating Gilas Pilipinas stalwart ng game high 27 point, 12 rebounds at seven assists at ang kanyang huling shot ang susi sa panalo ng North Port.


May pag-asa pang maipanalo ng Blackwater.Subalit ang desperate shot ng dating Rain or Shine player ay sumablay at naitakas ng North Port ang panalo.


Umiskor si Tolentino ng 10 points, kasama ang huling walong baskets sa 1:42 seconds. Mayroon siyang dalawang charities sa huling 47 seconds at naitabla ng North Port 113-all matapos maghabol ng six points.


Nag-ambag si Joshua Monzon ng 16 points, limang rebounds at anim na assists at si Danny Cuntapay ay 15 points, kasama ang 5-of-8 sa three-point area.


Umiskor si dating Talk ‘N Text gunner Troy Rosario ng 33 points at si Christian David ay 26 points. Subalit hindi sapat ang kanilang pagsusumikap at sumadsad ang Blackwater sa kartadang 3-9.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | April 27, 2024




Isa sa magiging highlights ng pamoso sa buong mundo na selebrasyon ng Dinamulag Mango Festival 2024 ang paglahok ng mga elite at up-and-coming riders para sa ikalawang edisyon ng Lumba Tamo Zambales 2024 sa Mayo 7.


Pangungunahan ni gobernador Hermogenes Ebdane ng lalawigan ang pag-welcome sa may 500 riders ng Elite, Junior at Youth categories na inaasahang lalahok sa 150-km road race na magsisimula ang ruta at pabalik sa Zambales Sports Complex sa provincial capital ng Iba—lahat ay magkakamit ng medalya at cash prizes.


“Cycling tourism is growing increasingly popular, not only in Zambales province, but throughout the country,” saad ni Ebdane. “And, through our ingenuity, we have combined cycling and trail tourism and along this line, I welcome all the athletes taking part in the Lumba.”


Napanatili ng lalawigan ng Zambales ang pagiging aktibo sa Philippine sporting map, bilang venue ng cycling, triathlon, off-road races at iba pang multi-sport competitions tulad ng mga regional athletic meets sa nakaraang 15 taon.


Ang Lumba Tamo (karera tayo o let’s race) ay sanctioned ng PhilCycling bilang isa sa ranking races ng national championships at tatahakin ng riders ang magandang tanawin sa coastline ng Zambales, isa sa pinakamahabang baybayin sa bansa, kasabay din ng matinding pagsubok sa mainit na panahon at unpredictable crosswind na malaking paghamon din para sa riders.


Ang karera ay pangunahing inorganisa ng Provincial Government ng Zambales sa tulong ng Zambales Youth and Development Office sa pamumuno ni Eric Matibag.

Ang Dinamulag Mango Festival 2024 celebrations ay magsisimula sa Mayo 2 at magtatapos sa Mayo 11 na may serye ng araw-araw na piyesta at aktibidad.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page