top of page
Search

ni MC @Sports | June 19, 2024



Mika De Guzman - Badminton

Patuloy na umaasang buhay ang dugo ng Southeast Asian Games champ na si Kristina Knott lalo na sa pagsabak niya sa 2024 Paris Olympics makaraang masungkit ang gold medal sa women's 100-meter dash sa  2024 Harry Jerome Track Classic sa Burnaby, Canada.


Tinapos ni Knott ang takbo sa 11.64 segundo para manguna sa karera.


Tumapos namang silver si Canadian Victoria McIntyre nang maorasan ng 11.94s, habang si Zion Corrales Nelson ang naka-bronze medal sa oras na 11.94s.


Samantala sa  200m category, naging mabagal ang Filipina American nang malagay lamang si Knott sa third place finish sa timing na 23.42s.


Dinomina ng dalawang pambato ng Canada ang karera: sina Zoe Sharar (23.14s) at Jacqueline Madogo (23.20s) ang kapwa naka-gold at silver medals, ayon sa pagkakasunod.


Kailangan ni Knott na magkuwalipika sa Olympic standard na 22.57s sa 200m run para matiyak na magkatiket sa Paris.


Sa ilang araw na nalalapit bago ang Olympics, tinutumbok ni Knott na makatipon ng mas marami pang puntos para magkaroon ng slot sa women's 200m category.


Kilala si Knott sa pagwawasak ng records makaraang tumapos sa 11.2 seconds sa 100m dash sa ICTSI Philippine Athletics Championships 2024.


Naitatak niya ang kanyang tikas sa  Drake Blue Oval Showcase sa USA nang magtala ng national record na 11.27s noong Agosto 2020.

 
 

ni MC @Sports | June 13, 2024



Mika De Guzman - Badminton

Nakumpleto ni Mika De Guzman ang undefeated run nang madepensahan ang women's singles title sa 2024 Philippine Badminton Open matapos makaalpas sa mabigat na hamon kay Ysabel Amora, 21-11, 14-21, 21-8 na idinaos sa Gameville Ball Park sa Mandaluyong City.


Kinailangan pa ng 2023 APACS Kazakhstan International Series champion na ipagpag ang unang kalawang matapos ang pagkatalo sa unang laro sa second set upang matiyak ang ikalawang sunod na consecutive championship sa Philippine Super 500 tournament na ito ng Philippine Sports Commission at ng MVP Sports Foundation.


"Nagpapasalamat lang din ako sa coaches ko, sila coach Joper (Escueta), coach Kenneth (Monterubio), coach Ariel (Magnaye), at coach Kennie (Asuncion-Robles), kasi they helped me a lot at malaking factor nila na mapalakas 'yung mental at physical preparation ko in this tournament," ayon sa  incoming fourth-year student-athlete ng Ateneo De Manila University.


Samantala, tinalo ni Jelo Albo, ng PBad Smash Pilipinas ang tournament's surprise contender na si Clarence Villaflor ng Cadiz-JBA/Apacs sa men's singles final, 21-13, 21-9.


"Tuwang-tuwa ako sa performance ko kasi kagabi pa lang minindset ko kung ano 'yung mga dapat kong gawin ngayong araw na to. 'Yung game plan ko lang na tulad kahapon na huwag patagalin 'yung laro. Gumising ako kaagad dito kanina na excited maglaro at para kunin 'yong championship na 'to," ayon sa 20-year-old incoming third-year ng University of the Philippines.


Nasilayan din ang pagdepensa nina Lea Inlayo at Nicole Albo sa kanilang women's doubles title nang talunin sina UP's Kimberly Lao at Patricia De Dios, 21-12, 21-7 sa pagbubukas ng torneo.


Sa men's doubles category, kampeon sina Ariel Magnaye at Christian Bernardo sa third game makaraang sina reigning champions Solomon Padiz Jr. at Julius Villabrille ay nagpasyang magretiro matapos ang disputed line shot call. 

 
 

ni MC @Sports | June 9, 2024



Mika De Guzman - Badminton

Sinimulan ni Mika De Guzman ang pagdepensa sa kanyang titulo sa women's singles ng Philippine Badminton Open 2024 sa bisa ng kinomandong 21-8, 21-7 victory laban kay De La Salle University's Mia Manguilimotan sa First Pacific Leadership Academy sa Antipolo City.


Sa kabila ng mababang iskor, kinailangan pa ng  three-time UAAP MVP ng 22 minuto upang mahawakan ang placing sa Round of 16. Nagpahayag naman ng kakuntentuhan si De Guzman sa kanyang naging solidong laro sa Philippine Super 500 tournament na ito na may basbas ng Philippine Sports Commission at suportado ng MVP Sports Foundation.


"Hindi ko rin po iniisip na defending champion ako, but in my heart and in my mind, sabi ko na I need to give my 100 percent sa game and no regrets. So far, I still got my 100 percent po," ayon sa 2023 APACS Kazakhstan International Series champion.


Haharapin ni De Guzman ang pamilyar nang kalaban na si Anthea Gonzalez ng University of the Philippines, na nagwagi kontra Sarah Joy Barredo ng National University sa scores na 21-23, 21-17, 21-14 sa Round of 16.


"I will just have to give my best every game, kasi kapag binigay ko po 'yun, makikita ko po yung result na gusto kong kalabasan. I know na top players from their schools 'yung makakalaban ko. Kaya kailangan ko talagang ibigay 'yung best ko kasi wala namang kalaban na madali. I'm actually excited to play against everyone po," ayon sa 22-year-old St. Paul College Pasig alumna.


Ang naturang tagumpay ay hindi naduplika sa  men's side, nang talunin ni Clarence Villaflor ng Cadiz-JBA/Apacs ang titleholder na si Mark Velasco sa nakagugulat na 21-17, 21-13 win sa Round of 32 ng kompetisyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page