top of page
Search

ni MC @Sports | June 28, 2024



Sports News

Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Turkey sa unang dalawang nakaiskedyul na friendly games bago pa man sumabak sa kanilang kampanya sa Olympic Qualifying Tournament.  


Ayon kay coach Tim Cone, ang back-to-back tune-up matches ang makatutulong para sa anumang adjustment na kailangan nila para sa paghahanda sa qualifiers na magsisimula sa susunod na linggo. 


Sinabi ni Cone na hindi pa eksaktong matalas ang laro ng Gilas base sa naging resulta ng friendly game nila laban sa bisitang Taiwan Mustangs sa Philsports Arena. Ginapi ng nationals ang Mustangs, 74-64 noong Lunes. "I hope to see improvement, I hope to see us get better on both sides of the ball. We didn't plays as sharp as we wanted," ani Cone matapos ang laro na lumabas sa PBA.ph.


Nakaiskedyul ang Philippines-Turkey friendly ngayong madaling-araw ng Biyernes 1 a.m. sa Istanbul.  Ang 12  Dev Adam na pawang mga higanteng players ay ranked no. 24 sa mundo ay hindi naglaro sa qualifiers pero haharap sa friendly game kontra Gilas bilang paghahanda sa kasalukuyang EuroBasket qualifiers. 


Wala ring nakitang NBA players sa Turkish team si coach Cone sa tune-up match kabilang na ang beteranong si Cedi Osman, Onuralp Bitim, Furkan, Kurkmaz, Alperen Sengun at Omer Yurtseven. "No. 24 ang Turkey pero mas mahusay sila kung kasama ang NBA guys nila, " ayon kay Gilas coach Cone. " I don't know if their NBA guys are gonna show up because they're not preparing frot he OQT in Spain. Turkey's just preparing for the Euro qualifiers."


Ipaparada ng Turkey ang dalawang 7-footers na sina Ercan Osman at Sertac Sanli.  

Matapos ang laban sa Turkey, haharapin naman ng Gilas ang no. 15 Poland sa Hunyo 30, tulad ng Pinoy ang Polish ay haharap kontra Spain OQT kung saan sila naka-bracket sa Group B ng Finland at Bahamas. Dumating sa Turkey ang Gilas noong Miyerkules ng umaga. 




 
 

ni MC/VA @Sports | June 26, 2024



Sports News


Target ng Quezon Province na palakasin hindi lamang ang turismo bagkus ang grassroots sports program tungo sa pagiging sentro ng ‘sports power’ sa Southern Luzon. 


Ang minimithi na mapatibay ang isang koponan sa women’s volleyball na binuo at isasabak ng lalawigan sa ikalawang Season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) – na isang semi-propesyonal na home and away tournament.


Tinaguriang ‘The Quezon Tangerines’, ang team na pag-aari ni Quezon 4th District Rep. Mike Tan ay tiwalang malakas ayon kay Quezon Province Gov. Dr. Helen Tan at team manager Atty. Donn Ron Kapunan dahil binubuo ng NCAA three-peat champion St. Benilde College ang mga ito sa pangunguna nina Most Valuable Player Mycah Go at Jessa Dorog.


Head coach ang beteranong coach na si Jerry Yee. Alinsunod sa mga regulasyon sa torneo, idinagdag sa koponan ang 8 homegrown players at ang mga napili sa isinagawang tryouts ay sina Lenie Sapallo, Jasmine Dapal, Christine Joy Lubiano, Louann Latigay, at Jillian Nicole Quiambao mula sa Lucena City; Paola Alban ng Lucban, Kamille Josephine Amaka Tan ng Tayabas, at Geraldine Rae Palacio ng Pagbilao.


Kinilala ni Tan ang kahalagahan ng sports sa pagyabong at kaunlaran sa aspeto ng turismo at socio-economic, higit sa paghubog ng character ng mga bagong henerasyon ng Quezonians. 


After basketball (Quezon Huskers), nagbuo kami ngayon ng team sa volleyball para sa MPVA. Ang volleyball ay mabilis na tumataas sa mga tuntunin ng katanyagan sa mga kabataan," sabi ni Tan. 


Kasama rin sa koponan sina Zamantha Nolasco, Chenae Basarte, Clydel Mae Catarig, Fiona Naomi Getigan, Weilyn Estoque, Corrine Allyson Apostol, Cristy Ondagan, Aya Densing, Kim Alison Estenzo, Zen Basilio, Fiona Inocentes, Marygrace Borromeo, Sofia Badion, Shekaina Lleses at Shahana Lleses. Ang MPVA ay magbubukas sa unang linggo ng Hulyo.

 
 

ni MC @Sports | June 23, 2024


Sports News
Photo: G. Villota

Patuloy na nagningning ang pinakamatikas na junior swimmers sa bansa kahit na lumitaw ang mga bagong swimming star sa podium nitong Sabado sa penultimate day ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Age Group Championships sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng  Rizal Memorial Sports Center (RMSC) sa Malate, Maynila. Ang mga beteranong internationalists na sina Jamesrey Mishael Ajido at Micaela Jasmine Mojdeh ang nangibabaw sa kanilang kapwa miyembro ng National Team sa napagwagiang gold medal sa kani-kanilang mga klase, ngunit ang araw na iyon ay para rin kina Pia Severina Magat, Pia Ato, Nicola Diamante at mga nakababatang kapatid ni Jasmine na sina Behrouz Mohammad at Mikhael Jasper Mojdeh. 


Ang 15-anyos na si Ajido, na may hawak ng Asian junior record sa boys 12-14 100m butterfly (55.98), ay nagwagi sa ikaapat na gold medal matapos manguna sa boys 15 Class A 50-m backstroke (28.50), 100-m freestyle (53.97) at 100-m butterfly. Nanalo ng unang gold sa 200-m freestyle (2:00.42) sa opening noong Biyernes sa torneo na suportado ng PSC at POC. 


Tinalo sina Elijah Ebayan ng South Warriors (30.24) at John Jeremy Villanueva ng Pasig (30.42).  Sa butterfly, tinalo sina Rodevic Gonzalvo (1:00.12) at Elijah Ebayen (1:01.77). “Maganda na po 'yung pakiramdam ko, sana po, mag-heal na 'yung balikat ko before the National tryouts in August,” ayon sa multi-titled international swimmer. 


Tinaguriang 'The Water Beast', si Mojdeh, ang two-time World Junior Championship campaigner, ay nanguna sa girls' 17-over Class A 100-m breaststroke na nagtala ng 1:16.62 laban kina Dee Vianne Catedrilla ng Nautilus (1:20.73) at Gerice Oyaman ng FTW Royals (1:21.64).  Siya ang pumangalawa kay Camille Buico (29.01) sa 50-m butterfly (29.27).  


 
 
RECOMMENDED
bottom of page