top of page
Search

ni MC @Sports | July 1, 2024



Sports News

Umangat sa Division A ng FIBA U18 Women's Asia Cup ang Gilas Pilipinas Women Under-18 basketball team. Nakuha ng Filipinas ang promosyon matapos dominahin at muling talunin ang Lebanon, 95-64 sa kanilang bakbakan sa Division B Finals kahapon sa Futian Sports Park sa China.


Pinangunahan ni Alyssa Rodriguez sa gabay ni coach Julie Amos ang squad sa bisa ng 22 points, 18 ang mula sa 6-of-10 shooting ng three-point line kasama ang three steals, assist,  block, at rebound.


Pumoste si Alicia Villanueva ng 15 markers habang si Naomi Panginiban ay may 13 points, four assists, three steals, at two rebounds, habang si team captain Ava Fajardo at Sophia Canindo ay may tig-10 puntos.


Nakakamada rin sila ng 15 three-pointers sa 39 na tangka (38.5%) at ipinakita ang impresibong laro sa depensa kaya nagresulta sa 31 turnovers ng Lebanon at pinahirapan sa 21 steals.


Pumatas sa  20 puntos sa kaagahan ng laro nang bumanat si El Ghali ng three-points, ginanahan agad ang Gilas at umalagwa ng 17 puntos na hindi nasagot ng kabilang team mula sa tres ni Rodriguez, Panginiban at 15-foot-line shot nina  Fajardo at Villanueva.


Ang mainit na kamay ni Panginiban ay nagpatuloy hanggang sa final canto para itarak ng Gilas ang 89-48 na pananambak para makasampa sila sa Division A.


Ito ang ikaapat na diretsong panalo ng Gilas girls nang unang gapiin ang Maldives at Lebanon sa group stage at ang Samoa sa semifinals. 


Sa kabilang banda, namuno si El Ghali ng Lebanon sa 31 markers  habang nag-ambag si Maygen Naassan ng 19 points.  Samantala, pinakapos ng Samoa ang Iran sa Battle for Third Place game, 64-59. 


 
 

ni MC @Sports | June 30, 2024


Sports News
Photo: Paris2024 / FB

Sa ikatlong pagkakataon muling sasabak si wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa Paralympics sa Paris habang si para athlete Cendy Asusano ay pasok na rin para sa women's javelin throw event.


Inanunsiyo ng Philippine Sports Commission ang kuwalipikasyon nina Mangliwan at Asusano sa Paralympic Games. Unang sumagupa si Mangliwan noong 2016 at 2021 editions sa Paralympics, kung saan naka-gold at silver noong 2022 Asian Para Games.


Nakapagwagi ng anim na gold medals sa tatlong edisyon ng ASEAN Para Games.Nagtapos na 4th place si Asusano sa women's javelin throw F54 event ng World Para Athletics Championship sa Japan noong Mayo ayon sa PSC. Nakasungkit din ng gold medals sa women's shot put at javelin throw F54 events sa ASEAN Para Games sa Cambodia noong 2023.



Ika-6 na para athlete si Asusano na nagkuwalipika sa Para Games ngayong 2024.


Sa pagdiriwang ng 100 taon, sinariwa at binalikan ng Bulgar ang mga mahalagang bagay sa pahina ng Philippine sports history sa Olympic Games mula nang sumali ang bansa noong 1924 bago tinatag ang Philippine Olympic Committee na kilala noong Philippine Amateur Athletic Federation bago binigyan ang bansa ng National Olympic Committee status kung saan si Commonwealth President Manuel Luis Quezon ang unang POC president na nanungkulan hanggang 1935.


Unang sumali ang bansa sa Olympics noong 1924 sa Paris at ang Bicolanong sprinter na si David Nepomuceno ang unang Pinoy na sumali sa 100m at 200m sa Olympics na inorganisa ng International Olympic Committee na kasalukuyang pinamumunuan ni Thomas Bach ng Germany.


Si Simeon Toribio ang unang Pinoy na nanalo ng tanso sa high jump noong  1932 sa Los Angeles. Makalipas ang 4 na taon, si Miguel White ang nanalo ng tanso sa 400m low hurdles-1936 sa Berlin, Germany. Nakatanso si Jose “Cely” Villanueva sa boxing noong 1932 sa Los Angeles. Matapos ang 32 years, nakapilak si Anthony Villanueva sa featherweight boxing noong 1964 sa Tokyo. Si Leopoldo Serrantes ng tanso -1988 sa Seoul at si Roel Velasco-tanso sa boxing- 1992 sa Barcelona. Si Mansueto Velasco -pilak sa boxing-1996 Atlanta. 


Si Hidilyn Diaz ay nakapilak sa weightlifting-2016 sa Rio de Janeiro, Brazil. Naka-ginto noong 2020 sa Tokyo at sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay pilak habang si Felix Eumir Marcial ay tanso sa boxing.




 
 

ni MC @Sports | June 29, 2024



Sports News
Photo: Circulations / FB

Makaraang makatuklas ng mga malulupit na riders sa nakaraang mga karera,  wala nang kuwestiyon sa mga  lilitaw pang bagong breed ng cycling talents sa finish line ng Go For Gold Criterium Race Series 2 na magsisimula sa City Di Mare sa Cebu City ngayong Linggo. 


Ilang buwan ang nakaraan matapos ang blockbuster kick-off phase sa Clark, Pampanga, inihanda na ang daan para sa mga promising cyclists ng Visayas para sa one-day speed contest sa Southern Queen City’s newest criterium hub. 


Bukod sa pagpapakita ng pinakamahuhusay na riders sa rehiyon ng men’s and women’s elite at under-23 categories, ang closed-circuit 1.1-kilometer route ang magsisilbing springboard para makadiskubre pa ng homegrown heroes ng sport. ``With Cebu being a hotbed of cycling and cycling talent, we expect na maraming manonood at pupunta sa event natin,’’ ayon kay Go-For- Gold founder Jeremy Go. 


Hinangaan ang 17-year-old na si Marvin Mandac ng Batangas ng Go For Gold Cycling Team sa nagdaang  Go For Gold Criterium Race Series 1 sa iconic Sacobia Bridge sa Clark nang magwagi sa juniors category, maging si Marco Lumanog ng Pangasinan. 


``Not all cyclists will be given the opportunity, but this is one way to discover those talents. The best way to find them is to set up top-quality races where cyclists from far-flung areas can access and show off their skills,’’ ayon naman kay Go For Gold project director Ednalyn Hualda na sinuportahan din ni Cebu City VM Dondon Hontiveros. 


Ang  men’s elite ay kakarera sa 25 laps sa flat 1.1km course habang ang women’s elite ay  20 laps. Ang under-23 category ay may  30 laps, ang youth at junior divisions plus men’s 30-39 at 40 up ay kakarera sa 20 laps at ang manager’s group ay pepedal sa 15 laps. Higit sa P200,000 prize money ang ipamimigay sa event, kung saan ang champion sa premier men’s and women’s elite categories ay may P20,000 bawat isa.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page