top of page
Search

ni MC @Sports | July 16, 2024



Sports News

Tuloy na pinauga ng NorthPort Batang Pier ang kanilang lineup matapos ang 2nd round ng 2024 PBA Rookie Draft kahapon. Naipasok si Zav Lucero sa Magnolia Hotshots at si Ben Adamos sa Barangay Ginebra San Miguel sa isang hiwalay na deals.


Kapalit ng mga young bigs, tinanggap ng NorthPort si veteran guard Jio Jalalon maging ang bihirang gamitin na si Abu Tratter ng Magnolia, habang balik din sa Batang Pier si Sidney Onwubere mula sa Ginebra.


Aprubado umano ang trade ng PBA. Si Jalalon ayon sa NorthPort ay beteranong gagabay sa mas batang squad maging si Onwubere. Samantala, ang foot-5 na si Tratter ay may 4.8 markers, 3.0 boards, at 0.4 assists pero limitado si Onwubere sa 3.3 points, 3.3 rebounds, at 0.6 assists per contest.


Kinuha ng Hotshots si Lucero -- dating standout ng University of the Philippines -- matapos pumoste ng averages 12.1 points, 5.4 rebounds, at 2.0 assists para sa Terrafirma Dyip team sa unang taon sa PBA.


Nagpatuloy pa rin ang Barangay Ginebra San Miguel sa pagpapalit ng roster. Muling nakipag-trade ang Tim Cone-coached squad sa TerraFirma Dyip at inilipat ang 2024 PBA Rookie Draft second-round selections na sina Didat Hanapi at Paolo Hernandez ayon sa isang source ng ABS-CBN News.


Kapalit nila ang Dyip's Season 50 second-round pick. Ang 6-foot-2 na si Hanapi ay naglaro sa Adamson University noong college. Si Hernandez ay isa sa main weapons ng Mapua University. Inaasahan silang makakasama ni 10th overall pick Mark Nonoy, second-round pick CJ Catapusan, at third-round draftee Peter Alfaro.


Ito ang second trade ng dalawang koponan sa loob ng 3 araw nang unang kunin ng Kings si Stephen Holt, Isaac Go, at eventual third-overall pick RJ Abarrientos kapalit nina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, at Nonoy. Pending pa ang approval ng trade sa liga, nanatili sa Gins sina Abarrientos at third-round pick Paul Garcia bilang rookies sa lineup.

 
 

ni MC @Sports | July 11, 2024



Sports News

Walang ibang nasa isip si Ernest John "EJ" Obiena, isa sa pinakamalakas na medal potential sa Paris ng Pilipinas kundi ang konsentrahin ang isip at katawan sa laro, ayon kay  Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino nang makausap sa isang maigsing internet call ang world No. 2 men’s pole vaulter Martes ng hatinggabi.


“EJ is doing well and is very focused, him despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” ayon kay Tolentino, na tiniyak na ang mga magulang na si Emerson, dating national pole vaulter, at Jeanette ay tutuntong sa Paris para mag-cheers at suportahan ang kanilang anak. 


Ayon sa tatay Obiena sinabi ni Tolentino na ito na rin ang namahala sa mga kailangan ng anak sa  Olympics para mas makapagpokus ito sa laro.


“After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” ani Tolentino at idinagdag na hindi na rin praktikal sa Team Obiena na magbiyahe dahil ang  men’s pole vault competitions sa Paris ay magsisimula na sa Agosto 3 para sa kuwalipikasyon at August 5 para sa final na idaraos sa 81,000-seat Stade de France.


Makakasama ni Obiena sa Team Philippines sa Paris ang weightlifters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo

Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar; swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch; judoka Kiyomi Watanabe; golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino.

 
 

ni MC @Sports | July 10, 2024



Sports News

Umuusok ang gulong at pedalan ni Jan Paul Morales nang makarating sa dulo ng meta ng finish line at hawakan ang paghahari sa Go For Gold Criterium Race Series 2 sa City Di Mare sa Cebu City. 


Nagawang manaig ng reigning national champion ng Standard Insurance continental team mula sa isang batalyon na malulupit na riders at kumalas sa final 50 meters para lampasan sina Esteve Hora Jr. ng SIP team at Go For Gold’s Marc Ryan Lago sa finish line. 


Naorasan si Morales, ang two-time local Tour champion at sprint specialist ng 55:00.79 sa men’s elite category matapos kumarera sa 35 laps ng 1.1-kilometer course  kasama si Hora, ang Go For Gold Criterium Race Series 1 champion nitong unang bahagi ng taon, habang si Lago na ilang segundo lang na kabuntot.


"Naghintay ako ng tamang pagkakataon at nabiyayaan ng maganda sa dulo,’’ ani Morales sa pagtatapos ng  day-long series ng karera na pakay na ibalik ang init ng pagtanggap sa sport sa naturang lugar.  


Ang  second phase ng three-leg race series at suportado ng Go For Gold, Scratchit, Cebu City govt at ng PhilCycling.


Umarangkada rin si Mathilda Krogg nang manguna sa women's open sa bilis na 41:04.71 (20 laps) habang ang teammates sa Standard Insurance na sina Raven Joy Valdez at Angela Joy Marie Bermejo ay dumating na segunda at tersera sa karera.


"Thank you to all Cebuano cyclists and cycling fans for coming over. Also, the support of Cebu City Vice Mayor Dondon Hontiveros made it doubly successful,” ani Go For Gold founder Jeremy Go, na nagpasalamat din sa  cycling teams ng kompetisyon. Nagwagi rin si Steven Tablizo sa men’s under-23 category at iniwan sina   Rorking Roque ng SIP at James Paul Ryan Escumbien.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page