top of page
Search

ni MC / Clyde Mariano @Sports | August 15, 2024



Sports News
Photo: Carlos Yulo - Presidential Communications Office

              

Masayang nagbigay ng kanyang mensahe sa sambayanang Filipino lalo na sa mga sumalubong, bumati at nagpugay sa mga Olympians kahapon sa heroes' welcome celebration si double gold medalist Carlos Yulo.


Aniya, "Salamat sa walang suporta sa aming mga Olympians, at kung hindi dahil sa inyong lahat ay hindi namin maaabot at mapagsisikapan pang makuha ang pinakaprestihiyosong medalya sa buong mundo!" 


Sumasabay din sa mainit na panahon sa parada ay ang init ng pagkaway at pagbati ng mga tao sa ating Olympians na lalong ikinatuwa ng mga atleta na panay ang wagayway ng bandila ng Pilipinas.


Nang maimbita ng dinner sa Malacanang pagkauwi mula sa Paris kamakalawa ng gabi, sinalubong sila ng First Family sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos. 


Pagdating sa palasyo ay inihanda sa kanila ang menu na salmon belly sinigang na may kamias at roast US angus rib-eye na may mechado sauce at sweet potato mashed at sautéed French beans. Ang kanilang dessert ay flourless chocolate decadence cake at pistachio macaron, mga inuming dalandan juice, coffee at tea.  


Pinagkalooban ni Marcos ng dobleng insentibo si Yulo ng P20-M habang tig-P2M ang bawat isang bronze medalist at tig-P1 million ang bawat Olympian.


Napuntahan at naibigay na rin kay Yulo ang kanyang P35-M na halaga ng condo unit na handog ng Megaworld sa BGC, Taguig City kahapon at naghihintay din ang bahay at lupa sa Tagaytay City na handog ng  Philippine Olympic Committee, maging ang P5-M mula sa Arena Plus at multi million pesos na product endorsements.


Tatanggapin din ni Yulo ang coveted PSA Athlete of the Year at Hall of Famer award para sa isang atletang nagpakitang husay at matinding performance sa world class competition tulad ng Olympic Games. 

 
 

ni MC @Sports | August 14, 2024



Sports News
Photo: 2024 Olympic Medalist - Pangulong Bongbong Marcos

Isang hapunan ang inihanda ng first family sa Malacanang sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand 'Bong Bong' Marcos bilang pagsalubong at pagpupugay sa mga Filipino Olympians na dumating kagabi ng alas-7:10 sa Villamor Airbase sa pangunguna ni double gold medalist Carlos Yulo na nilatagan ng red carpet.   


Pagkababa ng eroplano sakay ng PAL flight 658 mula sa layover sa Dubai mula sa Paris, dumiretso sila sa First Family ng Malacañang at doon ay sinalubong sila, binati at pinaghandaan ng isang  awarding ceremony at dinner reception. Tulad ng  sinabi ng Presidential Communications Office ginawaran ang medalist Olympians ng kani-kanilang cash incentives maging ang iba pang atletang lumahok sa Olympics. 


Sorpresa ring inanunsiyo ni PBBM ang halaga ng cash incentive sa welcome honors sa  Olympians.  


Bawat Olympian ay pinagkalooban ng Presidential Citation, habang si Yulo ay tumanggap ng Presidential Medal of Merit bilang mandato ng Office of the President at gantimpala sa medalists.


Ngayong araw naman ng Miyerkules, Agosto 14 ang heroes’ parade ng Filipino athletes na lumahok sa 2024 Paris Olympics ayon sa Office of the Presidential Protocol.


Ayon kay  Reichel Quiñones, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs, iyan ang iskedyul matapos ang pagdating kagabi nina two-time Olympic champion Carlos Yulo at iba pang Filipino Olympians sa bansa.  


Ang motorcade ayon kay Quiñones ay magsisimula sa Pasay. ''The following day [Wednesday], the athletes will be picked up from their [places of accommodation] and be brought to Aliw Theater where a motorcade will be held, from Aliw Theater to the Rizal Memorial Sports Complex,'' saad pa ni Quiñones. 


Ang 7.7-kilometer motorcade ay magsisimula sa Aliw Theater akaliwa sa Roxas Boulevard, kakanan sa P. Burgos at didiretso sa Finance Road. Pagdating sa Taft Avenue, kakanan sa Quirino Avenue patungo sa Adriatico Street at magtatapos sa Rizal Memorial Sports Complex. 

 
 

ni MC @Sports | August 12, 2024



Sports News
Photo: POC

Itinakda sa Miyerkules, Agosto 14 ang heroes' parade ng Filipino athletes na lumahok sa 2024 Paris Olympics ayon sa Office of the Presidential Protocol kahapon.


Ayon kay Reichel Quiñones, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs, darating si two-time Olympic champion Carlos Yulo at iba pang Filipino Olympians sa bansa ng 6 pm ngayong Martes.


Sasalubungin sila ng First Family ng Malacañang at matapos iyan ay isang awarding ceremony at dinner reception ang idaraos. Ayon sa Presidential Communications Office igagawad na rin sa Olympians ang kanilang cash incentives.


''The President will be announcing a cash incentive upon the welcome honors for the Olympians,''ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Dale de Vera sa isang Palace press briefing. Ang motorcade ayon kay Quiñones ay magsisimula sa Pasay.


''The following day [Wednesday], the athletes will be picked up from their [places of accommodation] and be brought to Aliw Theater where a motorcade will be held, from Aliw Theater to the Rizal Memorial Sports Complex,'' saad pa ni Quiñones sa isang Palace press briefing.


Ang 7.7-kilometer motorcade ay magsisimula sa Aliw Theater iikot sa Roxas Boulevard, kakanan sa P. Burgos at didiretso sa Finance Road. Pagdating sa Taft Avenue, kakanan sa Quirino Avenue patungo sa Adriatico Street at magtatapos sa Rizal Memorial Sports Complex.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page