top of page
Search

ni MC @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: Chloe Isleta / IG

Nakumpleto ni Chloe Isleta ang halos perpektong kampanya sa isa pang mahusay na ratsada nang walisin ang huling dalawang kaganapan at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials 25-meter short course sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.


Hataw ang 26-anyos na alumnus ng Arizona State University sa girls' 100 freestyle at 200 backstroke na nagtala ng 56.38 at 2:12.30, ayon sa pagkakasunod-sunod upang taasan ang kanyang gold medal haul sa pito sa apat na araw na torneo na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC). Nakipagkompetensiya sa ilalim ng kanyang sariling banner na Chloe Swim Club na nakabase sa Ilocos Sur, naungusan ni Isleta ang Fil-American bet na sina Miranda Renner (56.59) at Camille Buico ng Rising Atlantis (58.30) sa freestryle bago tinalo ang kapwa National mainstay at Southeast Asian Games (2023) record holder Xiandi Chua (2:13.00) at Mishka Sy (2:22.08). Maliban sa 200 Individual Medley kung saan nag-time siya ng 2:16.35 at natalo kay Chua (2:16.22), nangibabaw rin si Isleta sa 50 back (27.83),100 back (1:00.31), 50-free (25.65), 200 free (2). :04.17), at 100 Individual Medley (1:01.64) para sa kabuuang 231 puntos para manguna sa women's division.


“Wow, I’m so happy sa performance ko. Mas maraming oras ang ginugol ko sa pagsasanay noong mga nakaraang linggo at nagbunga ito. With still more than one month before the World Series, we can go back in training and prepared,” ani Isleta, kumukuha ng masteral sa Communication and Media sa Dela Salle-Taft.


Ang kaganapan ay ginamit bilang pagpili para sa mga miyembro ng Philippine Team na nakatakdang lumahok sa World Aquatics World Series (maikling kurso) sa Oktubre 18-20 (Serye 1) sa Shanghai, China; Serye 2 ng Okt. 24-26 sa Incheon, South Korea; at Series 3 Okt. 31- Nob. 2 sa Singapore

 
 

ni MC @Sports | August 24, 2024


Sports News
Photo: TripZilla Philippines / FB

Matapos na magtagumpay ang Pilipinas sa Olympic games isa sa kahanga-hanga ang istorya ni Angel Otom bago pumalaot sa pinakamalaking kompetisyon sa mundo.


Ang journey ni Otom sa Paralympics 2024 ay inaasahan na ng kanyang coach mula pa noong 2021 base na rin sa kanyang performance bilang batang para swimmer. 


Masipag siya sa kanyang mga praktis at training at dahil sa suporta ng pamilya at mga kaibigan. 


Kakatawanin ni Otom ang bansa sa para swimming sa women's 50-meter backstroke. Siya ang unang Phl para athlete na nagwagi ng 4 na gold medals sa 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia. 


Si Allain Keanu Ganapin ang nag-iisang taekwondo jin sa delegasyon. Nakatiyak siya ng tiket nang umangat sa  Asian Qualification Tournament sa Tai’an City, China.


Ito ang kanyang ikalawang kuwalipikasyon sa games matapos magkuwalipika sa nakaraang edisyon na Tokyo Paralympic Games 2021. 


Si Ernie Gawilan  ay isa sa 'most accomplished Paralympic athletes ng bansa, ang swimmer na si Gawilan ay lalangoy para sa ikatlong Paralympic appearance makaraang umangat sa Minimum Qualifying Standard. Ang 33-anyos na si Gawilan ang unang Pinoy paralympic na nagwagi ng ginto sa Asian Para Games 2018, siya rin ay isang multi-time ASEAN Para Games gold medalist at itinuturing na may pinakamalaking tsansa na magkamedalya sa Paris ngayong taon. 


Ang athletics wheelchair racer naman na 44-years old na si Jerrold Mangliwan ang mangunguna sa delegasyon ng Pinoy bilang top contender din sa ikatlong Paralympic appearance.  


Top contender naman si Cendy Asusano ng athletics javelin throw.  Sa edad 34, si Asusano ay multi-time ASEAN Para Games gold medalist. 


Sa larangan naman ng archery si Agustina Bantiloc na sa edad 55  ang unang Filipino Paralympic archer  na lalarga sa Paralympics. Ranked 30th sa mundo at handang patunayan na hindi pa huli ang lahat.

 
 

ni MC @Sports | August 20, 2024


Sports News
Mapapalaban ang Gilas Women sa Brazil, Hungary at maging sa Senegal. (SBP pix)

Aaksiyon ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament sa  Kigali, Rwanda. Kauna-unahan ito sa   women’s national basketball team na sasabak sa labas ng FIBA Asia borders. 


Nasa ranked 40th ang Pilipinas, sa  women’s division ng FIBA at ka-grupo ang Brazil (8th), Hungary (16th), at Senegal (25th). Nakakuha ang Filipina ballers ng ticket sa Rwanda nang maka-sixth-place finish sa FIBA Women’s Asia Cup 2023 sa Australia noong Hunyo. 


Heavy underdog ang Gilas women sa torneo bilang may lowest-ranked competitor sa labas ng host Rwanda pero ayon kay coach Patrick Aquino at sa buong team na habang pinag-iibayo nila ang performance mula sa inihandang programa, ibig sabihin positibo sila sa kanilang estado.


Moving up the rankings means we’ll have to learn how to step outside our comfort zone,” ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Erika Dy. “Our Women’s Team has shown us they can be competitive in the region but there’s still a lot of work to be done to reach the next level." 


Ayon sa FIBA article, dalawang Pinay ballers ang dapat abangan sa hanay ng 8 teams - sina April Bernardino at Jack Animam. "Known for her athleticism and relentlessness to win, Afril is one of the best players I have seen in the country. Her constant will to learn and determination to work harder than anybody else has made her who she is now,” ani Aquino hinggil sa ace players. 


Haharapin ng Pilipinas ang Brazil sa August 19 ng 8pm. Kasunod ng  showdown kontra  Hungary sa August 20 ng 11pm. Paghahandaan din nila sa  group stage assignment ang  Senegal sa August 22 ng 5pm.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page