top of page
Search

ni MC @Sports News | Oct. 3, 2024



Sports Photo

Sa laki ng naging papel ng Japan upang masungkit ni Carlos Yulo ang tagumpay lalo na ang naitulong ni Japanese coach Munehiro Kugimiya para siya maging isang world-class athlete at taguriang Pinoy champion, binigyang-pugay ng Japan Embassy sa Pilipinas ang naging tagumpay na iyon ng Pinoy gymnast nang makakuha ng 2 gold medals sa 2024 Paris Olympics.


Kasabay nito kinilala ng Japan ang panalo ni Yulo sa isang programa sa Japanese Embassy sa Ambassador’s Residence sa North Forbes Park sa Makati City.


“It was fitting the Japanese Embassy to cele¬brate Caloy’s [Yulo] double victory in Paris. It was in Japan where Caloy honed to become a two-time world and double Olympic champion,” ayon kay Philippine Olympic President Abraham 'Bambol' Tolentino. Nagsimulang mag-training sa Japan si Yulo kasama si Kugimiya noong 2016 at naging scholar siya sa Teiko University.


“For most of his late teens, Caloy has done so well in his sport and those two gold medals in Paris are testament to what he learned while in Japan,” ani Tolentino.


Host sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at asawang si Akiko Endo sa seremonya kasama si International Gymnastics Federation president Morinari Watanabe ng Japan at sumaksi rin sina PSC chairman Richard Bachmann at gymnastics head Cynthia Carrion-Norton sa parangal. Pinasalamatan ni Yulo ang Japan lalo na si coach Kugimiya sa naitulong sa kanya.


 
 

ni MC @Sports | Sep. 21, 2024



Sports News

Tuloy ang pagtuklas ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa mga bagong talent sa grassroots level sa paglarga ng Go Full Swim Series long Course Swimming Meet Leg 1 ngayong weekend sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex Malate, Manila.


Tampok ang mga batang swimmers mula sa mahigit 30 swimming club na nasa pangangasiwa ng PAI ang magtatagisan ng kasanayan at talento sa torneo na inorganisa ng tanging national sports association sa bansa sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC).


“We’re blessed and grateful na muling itaguyod ang PAI-Speedo para patuloy nating maisulong ang grassroots development program.


Hindi lamang po ito sa swimming at sa Manila bagkus sa iba pang discipline ng aquatics tulad ng open swimming at nagaganap din ito sa iba’t ibang lalawigan sa pamamagitan ng ating mga regional members,” pahayag ni Buhain.


Nakataya sa torneo ang team overall championships sa mga event ng Class A, B, C at D. Nakalinya rin sa serye ang Leg 2 sa October 19-20 at Leg 3 sa Nov. 16-17 na pawang isasagawa sa RMSC venue. Bukod dito, ratsada rin ang PAI sa CARAGA Series Leg 1 sa Oct. 26-27 sa FSSU Morelos Campus sa Butuan City at ang Open Water Swim Championships sa October 26 sa Dusit Thani seaside sa Mactan City sa Cebu.


“Pinalalakas natin ang mga programa hindi lamang sa Manila pati na rin sa ating mga region. Kailangan natin ang regular meet sa mga probinsiya tulad nito para makita natin ang improvement ng ating mga swimmers bago sila mapalaban sa mas kompetitibong meet and eventually make it to the National Team,” sambit pa ni Buhain.


Nauna nang naisagawa ang Short Course Leg 1 championship sa Central and Northern Luzon Luzon nitong Setyembre 14-15 sa Lingayen, Pangasinan.

 
 

ni MC @Sports | August 29, 2024



Sports News
Photo: Islay Erika Bomogao

World's no. 1 na ngayon si Islay Erika Bomogao sa International Federation of Muay Thai Associations ranking para sa -45kg female elite athlete. 


Kamakailan lang, hinirang din si Islay na unang Filipina Muay Thai champion nang manaig kay Sarah Kwa, ang Australia’s Muay Thai state champion sa isang labanan sa Kenwick, Australia.


Samantala, gintong medalya naman ang naiuwi ng  Philippine National team na sumagupa sa OCR World Championship 2024 sa San Jose and Doka Estate, Costa Rica noong August 22-25, 2024. Nakasungkit sila ng 1 gold, 3 silver at 2 bronze medals. 

Gold sa OCR 100m Elite Female si Precious Cabuya para sa bagong world record 31.389 habang silver sa  OCR 100m Juniors Boys & Girls sina Edris Dizon at Trisha Del Rosario. 


Silver sa OCR 100m Youth Boys si Gavin Moses Ti, OCR 100m Elite Male silver si Mark Julis Rodelas at bronze si Ahgie Radan. Para sa OCR 100m Mixed Team Relay, bronze sina Jose Mari De Castro, Ahgie Radan, Mecca Cortizano at Precious Cabuya. 


Dalawang bronze medals naman ang nasungkit ng  national surfing team na sumabak sa Asian Surfing Championships sa Thulusdhoo Island, Maldives noong Agosto 12 hanggang 27. Nakuha naman ng  team ang 2 bronze medals at copper sa torneo. 


Sina John Mark Tokong, Neil Sanchez, at Remar Magaluna ang bronze sa  Men's Team Shortboard habang si  Troy Espejon ay bronze din sa  U18 Boys Shortboard

Vea Estrellado, Diane Nogalos at Susan Escamilla.


Copper medalist naman bilang 4th place ang Women's Team Shortboard habang sina John Mark Tokong at Vea Estrellado ay qualified na sa Asian Games 2026 Aichi-Nagoya. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page