top of page
Search

ni MC @Sports News | Dec. 1, 2024



Photo: Ang fan favorites na sina Sofia Gonzalez at Maria Belen-Carro ng Spain.


Makapigil-hiningang laban ang nalampasan ng fan favorite na sina Sofía González at María Belén Carro ng Spain laban kina Piper Ferch at Madison Shields ng US, 21-18, 14-21, 20-18 nitong Sabado sa Round of 12 sa Volleyball World Beach Pro Tour Challenge Nuvali Santa Rosa City.


Ang world No. 66 na mula sa kampeonato sa Copa de La Reina Madrid, nangunguna ang Spaniards sa bakbakan sa Nuvali Sand Courts kung saan nagtala si Gonzalez ng 24 attack points at si Carro ay may 11 kontra Shields’ 24 at Ferchs’ 11.


Isang magarang laro ang ipinakita nina Gonzalez at Carro laban kina world No. 84 Malgorzata Ciezkowska at Urszula Lunio ng Poland na tumalo kina Hailey Harward at Kylie DeBerg ng US, 21-14, 21-15.


Napanatili pa rin ng top-rated men’s pair nina Javier at Joaquin Bello ang kanilang tikas at nagpatuloy na maging paborito ng fans lalo na nang idispatsa ng English twins ang Dutch rising stars na sina Leon Luini at Ruben Penninga, 21-18, 21-19, sa torneo na inorganisa ni Philippine National Volleyball Federation head Ramon “Tats” Suzara, na pangulo rin ng Asian Volleyball Confederation and Executive Vice President of the world governing body Federation Internationale de Volleyball.


Kumamada si Javier ng 26 attack points habang si Joaquin ay umiskor ng 4 at five blocks.


“Whenever you’re the No. 1 seed in any international tournament and to have a target on your back is sometimes difficult but for us we think of the same way every tournament,” ani Joaquin.


“Regardless of what seed we are or what the expectation is if we go game by game, point by point, stay together united and just fight point by point, that’s what we do,” dagdag niya.


Ginapi muna nina Germany Sagstetter brothers Jonas at Benedikt ang Alas Pilipinas pair nina James Buytrago at Rancel Varga bago isinunod na biniktima sina No. 44 Vinicius at Heitor ng Brazil, 21-13, 21-18. Unang tinalo nina Ferch at Shields sia Aleksandra Wachowicz at Julia Radelczuk, 21-16, 17-21, 15-13.

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 28, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MATIKAS SI VP SARA DAHIL KAHIT BABAE AT ALAM NA HINDI SIYA MAGKAKAROON NG PATAS NA TRATO, HAHARAPIN PA RIN ANG MGA ALEGASYON -- Sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na handa niyang harapin ang lahat ng alegasyon sa kanya, pero hindi raw siya umaasang magkakaroon ng patas na trato mula sa Marcos administration.


Ganyan pala talaga katikas ang mga Duterte kasi kahit isa siyang babae at hindi umaasang magkakaroon ng patas na trato ay haharapin pa rin niya ang mga alegasyon ng Marcos admin laban sa kanya, period!


XXX


IPINAKITA NI SEN. IMEE SA PUBLIKO NA TUNAY SIYANG KAIBIGAN NI VP SARA -- Habang naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) na kinontempt at ipinakulong ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay dinalaw ito ni Sen. Imee Marcos bilang pagpapakita ng suporta kay VP Sara.


At sa social media ay ikinatuwa ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang ginawang ito ni Sen. Imee kasi ipinakita niya sa publiko na tunay siyang kaibigan ni VP Sara, palakpakan naman diyan!


XXX


LUNDAGAN SA TUWA ANG MGA BUWAYA DAHIL APRUB NA NG SENADO ANG P6.352 TRILLION -- Inaprub na ng Senado ang panukalang batas na P6.352 trillion national budget.


Dahil aprubado na, hindi man aminin ay tiyak naglulundag sa tuwa ang mga ‘buwaya’ sa Marcos administration, boom!


XXX


DAPAT NANG MAG-RESIGN SI DA SEC. LAUREL -- Magpa-Pasko na pero hanggang ngayon ay hindi magawa ng Dept. of Agriculture (DA) na pababain ang presyo ng per kilo ng bigas.


Nang italaga noon ni PBBM si businessman Francisco Tiu Laurel bilang DA secretary ay nangako ito na pabababain ang presyo ng bigas pero hanggang ngayon ay hindi niya magawang maging mura ang kilo ng bigas.


Dahil bigo siya sa promise na pababain ang presyo ng bigas, dapat mag-resign na si Laurel sa kanyang puwesto bilang DA secretary, period!

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 27, 2024



Ang Running Team Calabarzon (RTC) nang humakot ng medalya sa Philippine Masters International Athletics Championships kasama sina 77-year old Rosalinda Pendon Ogsimer na naka-8 gold sa athletics, 65-yr old coach Bhen Alacar ginto sa racewalk at NMSAAP organizer Judith Staples na ginto rin sa pole vault na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10. (nmsaapfbpix)


Overall Champion ang Philippine Air Force sa Philippine Masters International Athletics Championships na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10 kung saan nakasungkit sila ng 40 golds, 24 silvers at 17 bronzes habang runner up ang Police team sa 32 golds, 17 silvers at 15 bronzes, 2nd runner up ang First Sports Northern Philippine Athletics ng 30 golds, 37 silvers at 16 bronzes.


Gold naman sa discus throw, 36.22 m ang 43-anyos na si Arnel Ferrera. Namayani sa age 65 ng 4x100 m relay sina Demetro Advincula, Renato Dichoso, Escano Virgilio at Severino Alacar ng Team Baguio para sa gold sa oras na 1:09.42. Gold din si Alacar sa 3000m racewalk.


Si Judith Staples ang namayani sa pole vault, age-55 sa taas na lundag na 1.75 m. Gold si Jojie Daga-as sa age 47 ng Team Hukbong Kabitenyo sa 300m steeplechase men. Gold si 77-yr old Rosalinda Ogsimer sa 400m (2:19.28) Sa mga resulta ng laro hindi nagpahuli ang Running Team Calabarzon (RTC) nang maka-3 gold medal si Evelyn Nicolas sa F55 Category sa 10,000m Run, 5,000m Run, 4x400m Relay at bronze sa 100m Dash.


Sinundan ni 62-yrs. old Marlene Gomez Doneza ng Batangas City na naka- 4 golds sa F60 (10,000m Run, 5,000m Run, 3,000m Race Walk at 4x400m Relay). Hindi rin nagpahuli si 77-year old Orlando Tatay Orly Payumo sa M75 Category 5,000m Run- Gold habang si Randel Bagamasbad sa M30 category ay bronze sa 5,000m run.


Bumida rin si Lany Cardona Adaoag sa F30 Category ng 5,000m Run- Gold habang si Grace Gracia ay may 2 ginto sa discus throw at 4x400m at bronze sa 10,000m run sa F45 Category. Ginto rin si Jocelyn Davo Elijeran sa F45 Category ng 10,000m Run, maging si Nelson Elijeran sa M45 category ay bronze sa 1,500m Run.


Si Grace Panalangin sa F45 category ay bronze medal sa 10,000m Run habang silver naman si Darryl Golimlim sa M35 Category ng Javelin Throw at Nympha Miano-Ang sa bronze ng F55 category ng 5,000m run.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page