top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 1, 2021


Labing walo ang patay sa India nang masunog ang isang COVID-19 hospital sa Western Indian state of Gujarat nitong Biyernes.


Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa intensive care ward ng Welfare Hospital Bharuch kung nasaan ang mga pasyenteng may COVID-19.


Kabilang sa mga nasawi ang 2 medical staff at ang 16 na pasyente.


Paliwanag naman ni Bharuch Police Superintendent R.V. Chudasama, "Preliminary investigation shows the fire was caused because of a short circuit."


Sa ngayon ay world record ang 401,993 na nagpositibo sa India sa loob lamang ng isang araw, kaya umabot na sa mahigit 19.1 million ang mga naitalang kaso ng COVID-19. Tinatayang 211,853 naman ang mga pumanaw.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 21, 2021



Ligtas iturok ang COVID-19 vaccines sa mga kapapanganak pa lamang at nagbe-breast feeding, ayon kay Dr. Sybil Bravo, OB-GYN ng Infectious Diseases Specialist sa UP Philippine General Hospital.


Aniya, "Actually, practically, lahat ng bakuna safe sa buntis, eh. Pero itong COVID-19 vaccine ngayon, puwedeng-puwede na po pagkalabas ng baby, kaso wala pa sa system. Kung kayo ay makaka-line-up na, magpabakuna na po agad, safe ang COVID-19 vaccine sa breastfeeding o sa post-partum. Please have your vaccine right away po."


Paglilinaw pa niya, "According sa experience at sa studies, hindi sila madaling mahawa. 'Yun nga lang po, according sa ating pagsusuri, kapag ang buntis ay (nagka-COVID-19) maaaring maging mas severe ito kumpara sa hindi buntis kaya kailangan mag-ingat po tayo, at palaging mag-practice ng hygienic measures."


Sa ngayon ay tinatayang 1,809,801 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang dose at 1,562,815 naman para sa unang dose.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 1, 2021




Nagprotesta ang iba’t ibang grupo ng ralista sa Welcome Rotonda, Quezon City upang ipanawagan ang karagdagang sahod para sa mga minimum wage earners at production subsidy para sa mga magsasaka, kabilang ang sapat na ayuda para sa lahat, kasabay ng ipinagdiriwang na Labor Day ngayong araw, Mayo 1.


Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), pasado alas-7 nang umaga pa lamang ay naka-deploy na ang mga pulis sa Liwasang Bonifacio upang harangin ang mga nagpoprotesta. Gayunman, hindi sila nagpatinag at patuloy pa rin sa pagwewelga.


Paliwanag ni KMU Chairperson Elmer Labog, "Labor Day should honor workers but the PNP is insulting us by depriving us of our right to air our grievances. Liwasang Bonifacio is a freedom park and the police should back off. The protests will push through despite this harassment.”


Batay din sa kanilang tweet, “Ang sigaw ng manggagawa at mamamayan ngayong Mayo Uno: Ayudang sapat para sa lahat, P100 daily wage subsidy sa manggagawa! P10k ayuda sa nawalan ng trabaho at maralita! P15k production subsidy sa magsasaka! Subsidyo sa pasahod ng MSMEs!”


Samantala, wala namang iniulat na nasaktan sa rally.


Maayos din nilang nasunod ang pagsusuot ng face mask at face shield laban sa banta ng COVID-19.


Gayunman, hindi pa rin naiwasang magkadikit-dikit at mawala ang social distancing habang nagpoprotesta.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page