top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 02, 2021




Isinumite ni Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo ang House Resolution 1733 upang pahintulutan ng gobyerno ang ‘drive-in COVID-19 vaccination’ para maabot ng bansa ang tinatarget na herd immunity.


Batay sa naging panayam sa kanya ngayong araw, layunin nito na gawing drive-in ang proseso ng pagbabakuna kontra-COVID-19, kung saan hindi na kailangang magpa-appointment online.


Paliwanag pa niya, "Hindi naman lahat, may Wi-Fi at desktop, so payagan na dapat ng gobyerno ang walk-in, drive-thru at drive-in."


Matatandaang nagsimula na sa Quezon City ang mobile vaccination clinic nitong nakaraang linggo para puntahan sa bahay ang mga residenteng hindi marunong gumamit ng gadgets at hindi kayang makapag-online booking para mabakunahan, katulad ng mga senior citizen at persons with disability (PWD).


Sa ngayon ay 4,040,600 doses ng COVID-19 vaccines na ang nakarating sa bansa, kabilang ang 3.5 million doses ng Sinovac, 525,600 doses ng AstraZeneca at ang 15,000 doses ng Sputnik V.


Ayon naman sa huling tala, tinatayang 1,809,801 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 02, 2021



Pumanaw na si dating Anti-Graft Commissioner Ambrocio Garcia Ramos, Sr. sa edad na 89, batay sa kumpirmasyon ng kanyang mga kamag-anak.


Si Ramos ay naglingkod din bilang lieutenant colonel ng Philippine Army at assistant personnel ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.


Sa ngayon ay kasalukuyang nakahimlay ang kanyang labi sa Loyola Memorial Chapels sa Makati City at nakatakdang ilibing sa ika-4 ng Mayo sa Loyola, Marikina City.


Samantala, hindi naman binanggit ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 1, 2021



Lumapag na sa NAIA Terminal 3 pasado 3:51 nang hapon ngayong Sabado ang eroplano ng Qatar Airways na may dala sa initial na 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia.


Nakatakda sana itong dumating nu’ng ika-28 ng Abril subalit nagkaroon ng delay dahil sa logistic concerns.


Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ang Sputnik V ng cold storage facility na negative 18 degree Celsius ang temperatura, kaya may posibilidad na hindi lahat ng local government units (LGU) ay mabibigyan nito.


Sa ngayon ay 4,040,600 doses ng COVID-19 vaccines na ang nakarating sa bansa, kabilang ang 3.5 million doses ng Sinovac, 525,600 doses ng AstraZeneca at ang 15,000 doses ng Sputnik V.


Batay naman sa huling tala, tinatayang 1,809,801 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page