top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021




Nagpadala ng pandemic aid ang iba’t ibang bansa sa India upang matulungan ang healthcare system nito laban sa lumalaganap na COVID-19.


Kabilang ang United States, Russia at Britain sa mga nag-donate ng oxygen generators, face masks at mga bakuna. Nagpadala rin ang United Kingdom ng 495 oxygen concentrators, 200 ventilators at 1,000 oxygen ventilators. Ang France nama’y nagdagdag din ng 8 oxygen generator plants at 28 ventilators na donasyon sa India.


Sa huling tala, umabot na sa 19,919,715 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India, kung saan 16,281,738 ang mga gumaling. Mahigit sampung araw na ring magkakasunod na pumapalo sa halos 300,000 ang nagpopositibo sa naturang virus.


Samantala, 218,945 naman ang iniulat na mga pumanaw sa India at dulot ng kakulangan sa libingan ay isinasagawa na nila ang mass cremation, kung saan magkakasamang sinusunog ang katawan ng mga namatay sa COVID-19.


"People are sometimes dying in front of the hospitals. They have no more oxygen. Sometimes they are dying in their cars,” paglalarawan pa ni Germany Ambassador to India Walter J. Lindner.


Sa ngayon ay tinatayang 147,727,054 na ang mga nabakuhan sa India kontra COVID-19 at karamihan sa Indian nationals ay desperado nang mabakunahan upang hindi mahawa.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 2, 2021




Isinusulong ni Senator Leila de Lima ang ‘paid leave’ para sa mga empleyadong magkaka-Covid, batay sa ilalim ng Senate Bill No. 2148 na isinumite niya sa Senado habang siya ay nakakulong.


Saklaw nito ang bayad na araw sa loob ng 10 working days ng bawat qualified employees na tatamaan ng COVID-19.


Aniya, “It is only right that these employees be provided with the incentive of having paid leaves when they are confirmed to be COVID-19 positive and they need to undergo quarantine or isolation.”


Dagdag pa niya, “With the colossal and detrimental effects of the pandemic, employees are forced to stay in a job that is low paying despite health hazards due to the virus and consequences of contractualization… Those who are gainfully employed, while fortunate, struggle to do their jobs by personally reporting to their workplace despite risk of acquiring the virus on the way to and from work and even in the workplace itself.”


Sa ngayon ay umabot na sa 1,054,983 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 8,346 ang nagpositibo, kaya umakyat na sa 71,472 ang active cases.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 2, 2021




Hinihikayat ni Senator Panfilo Lacson na paigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang ‘information campaign’ hinggil sa mga bakuna kontra-COVID-19 upang mahimok magpabakuna ang publiko.


Aniya, "What our officials including Health Secretary Francisco Duque III should do is to improve the public's trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive.”


Matatandaang iniulat kahapon ang pagdating ng initial 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines. Kamakailan lang din nu’ng dumating ang mga bakunang Sinovac at AstraZeneca. Sa kabuuang bilang ay 4,040,600 doses ng mga bakuna na ang nakarating sa bansa.


Samantala, mahigit 1,809,801 indibidwal pa lamang ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.


Paliwanag pa ni Lacson, "If very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste."


“Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon, wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna," panawagan pa niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page