top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 4, 2021





Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot din siyang mahawahan ng COVID-19, batay sa kanyang public address kagabi, Mayo 3.


Aniya, “Kapag ako ang tinamaan, sa tanda ko, there is no way of telling, whether I will live to see the light of day the following day… Iyang sakit na iyan, it is very... I cannot even find the word to describe it. It is very lethal.”


Matatandaang binakunahan na ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III si Pangulong Duterte kagabi gamit ang Sinopharm COVID-19 vaccines ng China.


Bagama’t hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng naturang bakuna ay protektado naman iyon ng compassionate special permit (CSP) na iginawad ng FDA.


Sabi pa ni FDA Director General Eric Domingo, “Ito ‘yung permit na hiningi ng PSG dati bago pa dumating ang mga bakuna rito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente.”


Sa ngayon ay patuloy na nananawagan ang pamahalaan sa publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.


Ipinaaalala rin ng mga eksperto na sumunod sa health protocols at huwag lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang gagawin.


Sa kabuuang bilang nama’y 1,948,080 indibidwal na ang mga nabakunahan laban sa virus. Kabilang dito ang 289,541 indibidwal na nakakumpleto ng dalawang dose at ang 1,658,539 indibidwal para sa unang dose.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 4, 2021





Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ipinangako sa mga naging talumpati nu’ng nakalipas na 2016 national election hinggil sa pagbawi niya ng West Philippine Sea (WPS) sa China, batay sa kanyang public address kagabi, Mayo 3.


Aniya, “I never, never, in my campaign as President promise the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China.”


Taliwas ito sa naging pahayag niya, kung saan matatandaang sinabi niya sa isang televised debate noong 2016 na, “Pupunta ako sa China. ‘Pag ayaw nila, then I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratlys, Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko 'yung flag ng Filipino at pupunta ako doon sa airport nila, tapos itanim ko. Then I would say, ‘This is ours and do what you want with me. Bahala na kayo.’”


Sa kahiwalay na talumpati ay sinabi niyang isa lamang iyong biro at hindi siya makapaniwalang pinaniwalaan iyon ng mga Pilipino.


Paglilinaw pa ni Pangulong Duterte, "When I said I would go to China on a jet ski, that's nonsense. I don't even have… It's just talk. I'm surprised you believed it."


Ipinaliwanag niyang nawala ang West Philippine Sea sa ‘Pinas sa kasagsagan ng termino ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi siya ang dapat sisihin sa nangyayari ngayon.


Tinakot din niyang susuntukin si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario kung hindi ito titigil sa pagiging ‘rude’ sa China.


Giit niya, “Itong Albert na ito, ako pa ang sinisisi. Makita kita, suntukin kita, eh. Buang ka… Pagdating ko, 'and’yan na iyong barko ng Tsina, atin ang wala.”


Dagdag pa niya, “Just because we have a conflict with China, does not mean to say that we have to be rude and disrespectful. As a matter of fact, we have too many things to thank China for, the help in the past and itong mga tulong nila ngayon.”


Sa ngayon ay China ang may pinakamalaking naitulong sa ‘Pinas pagdating sa distribusyon ng mga bakuna kontra COVID-19. Tinatayang bilyun-bilyong halaga na rin ang ipinautang ng China sa ‘Pinas upang tulungan ang bansa na makabangon sa lumalaganap na pandemya.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021




Magsisimula na ang full commercial operations ng online sabong ngayong Mayo, ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at Chief Executive Officer Andrea Domingo.


Aniya, dalawang operators na ang nakakumpleto ng requirements para mabigyan ng permiso sa pag-o-operate ng online sabong.


Samantala, mayroon pang 4 operators ang may naka-pending na application para mapayagang makapag-operate. Tinataya namang mahigit P250 million hanggang P350 million ang maaaring kitain ng PAGCOR kada buwan kapag naging matagumpay ang online sabong.


Sa ngayon ay ilang pasugalan at casino na ang nagsarado dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa, kung saan maging ang pagsasabong ng mga manok ay matatandaang ipinagbawal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page