top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 7, 2021





Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplano ng Singapore Airlines na naghatid sa 2 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines pasado 12:49 nang tanghali mula sa COVAX facility.


Matatandaang inihinto ang alokasyon ng AstraZeneca dahil sa naranasang blood clot ilang araw matapos maturukan ng unang dose ang ilang indibidwal sa ibang bansa.


Sa ngayon ay wala pa namang iniulat sa ‘Pinas na nakaranas ng nasabing adverse event kaya patuloy pa rin ang rollout.


Ilang medical frontliners, senior citizens at mga may comorbidities na rin ang nabakunahan ng unang dose nito at matagal na silang naghihintay para sa pangalawang dose, upang ganap na matanggap ang 70% efficacy rate laban sa COVID-19.


Sa kabuuang bilang, tinatayang 2,525,600 doses ng AstraZeneca na ang dumating sa bansa, kabilang ang naunang 525,600 doses.


Ang mga dumating namang bakuna ay isasailalim muna sa disinfection bago iimbak sa Metro Pac cold storage facility sa Marikina City.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021





Nananawagan sa publiko si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu hinggil sa tamang pagtatapon ng mga ginamit na face mask upang maiwasan ang hawahan sa lumalaganap na COVID-19.


Aniya, “Protection against COVID-19 goes beyond following the minimum health protocols and the use of face masks and face shields. Our responsibility extends to the disposal of these healthcare items which are potentially contaminated.”


Dagdag pa niya, “We have seen that while face masks protect us, these have become the newest threat to animal life because of entanglement, and have added up to marine litter.”


Matatandaang iniulat ng Greenpeace na mahigit 129 bilyong disposable face masks ang nakokolekta sa buong mundo kada buwan, kaya inirekomenda nila ang paggamit ng reusable face masks at personal protective equipment (PPE) upang mabawasan ang mga basurang nagko-contribute ng polusyon sa mundo at ang pagiging carrier nito ng virus.


Sa ngayon ay mahigit na ipinatutupad ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield bilang health protocols.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 7, 2021




Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Cebu Pacific na naghatid sa 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines galing China ngayong umaga, Mayo 7.


Sa kabuuang bilang, umabot na sa mahigit 5 million doses ng Sinovac ang nakarating sa bansa, kabilang ang donasyong 600,000 doses nu’ng February 28 at ang 400,000 doses nu’ng March 24.


Kasama rito ang biniling 1 million doses ng gobyerno na dumating nu’ng March 29 at ang 500,000 doses nu’ng April 11. Kaagad din itong sinundan ng karagdagang tig-500,000 doses nu’ng April 22 at 29.


Sa ngayon ay 1,500,000 doses ang pinakamaraming nai-deliver sa bansa. Sinalubong iyon nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr..




 
 
RECOMMENDED
bottom of page