top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021




Naitala ang 10,179 na gumaling sa COVID-19 ngayong araw at sa kabuuang bilang ay 1,013,204 na ang mga nakarekober, kaya bumaba na sa 63,376 ang aktibong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).


Samantala, 18,269 naman ang bilang ng mga namatay, kung saan 170 ang nadagdag sa pumanaw ngayong araw. Sa kabuuang bilang, 1,094,849 na ang naitalang kaso sa bansa.


Ayon pa sa DOH, tinatayang 6,979 ang nagpositibo mula sa 50,122 na mga tinest kahapon.


Sa ngayon, halos 94.1% sa aktibong kaso ay puro mild symptoms patients. Ang 1.04% ay moderate, habang 1.2% ay critical at 1.6% ay severe.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021



Isinalang sa clinical trials ng virgin coconut oil (VCO) ang 42 pasyenteng may COVID-19 upang malaman kung epektibo itong gamot laban sa virus, ayon sa Department of Science and Technology (DOST) ngayong Mayo 8.


Anila, “Currently, the project team has screened 832 patients wherein 42 were enrolled to the study. Out of the 42 enrollees, 20 patients were under the VCO group while 22 received only the standard care.”


Matatandaang nagsimula ang trial ng VCO sa Philippine General Hospital (PGH) nu’ng nakaraang Hunyo, 2020 at inaasahang matatapos iyon ngayong buwan.


Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pag-inom ng kahit anong gamot kontra COVID-19 hangga’t hindi pa tuluyang napapatunayan ng mga eksperto ang bisa nito.


Maliban sa VCO, ilang hinihinalang gamot na rin ang isinasailalim sa clinical trials laban sa lumalaganap na pandemya.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021





Nakapagtala ang India ng karagdagang 4,187 na namatay sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw sa unang pagkakataon, kaya umabot na sa 238,270 ang death toll sa nasabing bansa, simula nu’ng lumaganap ang pandemya.


Sa kabuuang bilang ay umabot na sa mahigit 21.9 million ang kaso ng COVID-19 matapos na 401,078 ang nagpositibo sa isang araw.


Ilang araw na ring magkakasunod na pumapalo sa mahigit 400,000 ang mga nagpopositibo sa COVID sa India sa loob ng isang araw dulot ng mabilis na hawahan.


Sa ngayon ay mahigit 160,418,105 na ang mga nabakunahan sa India kontra COVID-19 at karamihan sa Indian nationals ay desperado nang mabakunahan upang hindi makaranas ng mas malalang epekto ng virus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page