top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nilinaw ng Department of Health na sila ang magsusumite ng application para sa emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccines at hindi ang Chinese manufacturer nito, batay sa naging panayam kay DOH Secretary Francisco Duque III ngayong umaga, Mayo 10.


Aniya, “Mag-a-apply tayo. Iyan ang proseso. Iyan ang kailangang sundin na proseso, batay sa komunikasyon sa ating FDA Director General Eric Domingo.”


Sabi pa niya, "Ngayong umaga, ang DOH, mag-a-apply ng emergency use authorization sa FDA para sa Sinopharm dahil meron na tayong emergency use listing na inilabas ng WHO nu’ng Sabado.”


Sa ngayon, ang mga bakunang may EUA pa lamang ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Johnson & Johnson, Bharat Biotech at Moderna.


Matatandaan namang nagpabakuna kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Presidential Security Group (PSG) gamit ang Sinopharm ng China, kahit na hindi pa iyon nagagawaran ng EUA.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa paggamit ng body camera sa lahat ng police operations, kung saan hinihintay na lamang ang ilang ipatutupad na protocols upang maiwasan ang legal technicalities, ayon kay bagong PNP Chief General Guillermo Eleazar ngayong Lunes, May 10.


Aniya, "With the guidance of the Supreme Court, with their protocol na ilalabas, maaaring at least du’n sa mga implementation at service of search warrant doon sa mga lugar na meron nang body cameras ay puwede na itong ilunsad."


Dagdag pa niya, "Na-distribute na itong almost 3,000 [body cameras] du’n sa 117 lang na city police stations, itong more than 1,000 municipal police stations, wala pa rin po pero inaasahan natin na darating 'yan."


Matatandaang ipatutupad sa PNP ang paggamit ng body camera upang may magsilbing recording o footage sa bawat operasyon at upang malaman kung umano’y nagkakaroon sa kanila ng pang-aabuso sa kapangyarihan.


Kampante naman si Eleazar na magiging matagumpay ang pagpapatupad ng body camera sa ilalim ng kanyang termino at labis niya iyong ipinagpapasalamat.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Pinagbabaril ng isang lalaki ang 6 na indibidwal habang nagdiriwang ang mga ito ng birthday party sa Colorado Springs, Colo, USA nitong Linggo, ayon sa Colorado Springs Police Department.


Batay sa ulat, kabilang ang girlfriend ng suspek sa mga biktima at matapos nitong pagbabarilin ang iba pa ay sunod nitong binaril ang sarili.


"The suspect, a boyfriend of one of the female victims, drove to the residence, walked inside and began shooting people at the party before taking his own life," pahayag pa ng pulisya.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo sa pagpatay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page