top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Bumulagta sa basurahan ang 2 hinihinalang drug addict na napatay sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad sa Barangay Kalawaan Pasig City nitong Linggo nang gabi, Mayo 9.


Ayon sa ulat, nanlaban umano ang suspek na si Arthur Abdul at ang kasama nitong lalaki na walang identification, kaya nauwi sa barilan ang operasyon. Nakuha sa mga suspek ang 22 kilo ng shabu na nagkakahalagang P149.6 milyon at ang kalibre .45 at .38 na baril.


Personal ding pumunta sa crime scene si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar upang mag-inspeksiyon.


Aniya, “Ito ay produkto ng coordination na ginagawa natin. In correction with the co-plan chain, kung saan pinagdudugtung-dugtong itong mga impormasyon na nakuha nila.”


Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang napatay na suspek.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nakikita ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping bilang ‘personal protector’ nito, ayon sa pananaw ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ngayong araw, May 10.


Aniya, "I think that is what’s behind his mind, that President Xi Jinping is his personal protector against his own military if there is a coup d’etat, so he will side, whenever possible, with China against the Philippine interest and we see that every day."


Matatandaan naman nu’ng 2018 nang igiit ni Pangulong Duterte kay President Jinping na, "We will not allow you to be taken out from your office, and we will not allow the Philippines to go to the dogs."


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang usapin hinggil sa West Philippine Sea (WPS) laban sa China. Nakatakda namang magkaroon ng debate sa pagitan nina Carpio at Spokesperson Harry Roque tungkol sa WPS, kung saan ang Philippine Bar Association (PBA) ang magiging host.


Dagdag pa ni Carpio, "The head of state like the President if he makes a statement adverse to his nation on an ongoing dispute, that statement binds his nation if accepted by the other country. So when President Duterte said that award is just a scrap of paper, I will throw it to the wastebasket, that can be deemed an abandonment and if China agrees… China will later say: 'You already abandoned it.'"


Kaugnay iyon sa sinabi ni Pangulong Duterte na isa lamang papel ang ‘arbitral victory’ ng ‘Pinas sa WPS at madaling ibasura ang sinulatang papel, na labis ikinabahala ng mga kritiko.


“When the President says that, it sends a signal to the service contractors: They are in danger if they go to the West Philippine Sea. It sends a signal to our fishermen: Their lives are in danger,” pag-aalala pa ni Carpio.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021





Apat na nagpositibo sa COVID-19 mula sa barkong nanggaling sa India ang isinugod na sa ospital, ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA) ngayong araw, May 10.


Matatandaang sa 12 na nagpositibo ay 2 lamang sa kanila ang naka-confine sa ospital dahil sa critical conditions, habang naiwan naman sa loob ng MV Athens Bridge ang 10 mild patients upang sa barko muna mag-quarantine.


Subalit ngayong umaga ay napabalitang bigla na lamang nahirapang huminga ang dalawa sa mga naka-quarantine kaya kaagad din silang isinugod sa ospital.


"'Yung 2 sa 10, isinugod sa ospital dahil bumaba ang oxygen level. 'Di naman sila kinonsider na critical pa. Na-stabilize naman po," paliwanag ni MARINA OIC Captain Jeffrey Solon.


Samantala, maayos naman ang kondisyon ng 8 na naiwan sa barko.


Sa ngayon ay sinusuri pa ng Philippine Genome Center ang na-detect na variant ng COVID-19 sa lahat ng nagpositibo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page