top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021




Dalawampung sibilyan ang patay sa mahigit 150 rockets na pinalipad ng Israel para pasabugin ang Hamas military na nasa Gaza City nitong Lunes, Mayo 10.


Ayon sa ulat, iyon ang tugon ng Israel sa mga rocket na unang pinaputok ng Hamas at iba pang militanteng Palestinian sa compound ng Al-Aqsa Mosque, Jerusalem kamakailan.


Paliwanag pa ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, "We will not tolerate attacks on our territory, our capital, our citizens and our soldiers. Those who attack us will pay a heavy price.”


Batay naman sa tala ng Gaza Health Ministry, kabilang sa mga namatay ang 9 na menor-de-edad, kung saan tinatayang 65 ang iniulat na sugatan.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang tensiyon sa pagitan ng mga bansa.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021





Dumating na sa ‘Pinas ang 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility pasado alas-9 kagabi, Mayo 10.


Ito ay donasyon ng World Health Organizations (WHO) at ang kauna-unahang bakuna na gawang Amerika na nai-deliver sa bansa. Nagtataglay din ito ng 95% efficacy rate laban sa virus.


Ayon pa sa Pfizer, nangangailangan ang bakuna ng cold storage facility na may temperaturang -80ºC hanggang -60ºC.


Nakatakda namang ialoka ang 132,210 doses nito sa Metro Manila, habang tig-29,250 doses naman sa Cebu City at Davao City.


Sa ngayon ay 7,733,650 doses na ang kabuuang bilang ng mga dumating na COVID-19 vaccines sa bansa, kabilang ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.

 
 

vs. COVID -19


ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nilinaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi nila inirerekomenda ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19, batay sa naging pahayag niya ngayong umaga, Mayo 10.


Aniya, "It's very clear that here in the local government, we never prescribed Ivermectin to our patients in our hospitals. We don't recommend its use. We don't tell the people to take drugs that are not approved or recommended by the Food and Drug Administration."


Matatandaang kamakailan lang ay pinangunahan nina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor at Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta ang pamimigay ng libreng Ivermectin sa ilang residente sa Barangay Matandang Balara, na labis namang ikinabahala ng mga eksperto.


Dagdag pa ni Belmonte, "My greatest fear, for me, is really that people might believe that using Ivermectin, which Secretary Duque has said in my presence during a press conference, no conclusive positive effect in addressing COVID-19, might now be misinterpreted by those who believe in these congressmen, the politicians they have elected into office, might believe the allegations this could be a replacement for vaccination. That is my fear."


Sa ngayon ay 5 ospital na ang pinahihintulutan ng Food and Drug Administration (FDA) upang ipainom ang Ivermectin sa kanilang pasyenteng may COVID-19, buhat nu’ng maaprubahan ang isinumiteng CSP.


Gayunman, patuloy pa ring ipinagbabawal ang ilegal na pag-inom at pagdi-distribute ng Ivermectin sa bansa hangga’t hindi pa napatutunayan sa clinical trials ang effectivity nito.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page