top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021




Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa ‘Pinas ang Indian variant ng COVID-19, kung saan 2 ang iniulat na nagpositibo, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong umaga, May 11.


Batay pa sa World Health Organizations (WHO), ang mutations ng E484Q at L452R ay idineklarang ‘variant of concern’ at ‘concern at the global level’ dahil mas mabilis itong kumalat at makahawa.


Matatandaan namang ipinatupad ang travel ban sa ‘Pinas upang maiwasan ang pagpasok ng Indian variant.


Gayunman, ilang biyahero galing India pa rin ang nakapasok sa bansa, kung saan 12 ang iniulat na nagpositibo sa COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021




Maituturing na malaking problema ng bansa ang pagiging unpredictable ng ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa panayam kay Senator Panfilo Lacson ngayong Martes, Mayo 11.


Aniya, "We may have a big problem here because we don’t know at what point he was joking, at what point he was serious. We don’t know any more when he is joking, when he was not."


Paliwanag pa ni Lacson, "That’s a problem because he said he was just joking during the campaign debate that he would ride a jet ski to the West Philippine Sea. After that, he said he actually ordered a secondhand jet ski. At what point was he joking? At what point was he serious? We don’t know anymore, so we have a big problem in our hands."


Sa ngayon ay hindi pa rin daw malinaw kung kailan nga ba nagbibiro si Pangulong Duterte at kung kailan ito seryoso sa mga sinasabi.


Matatandaan na ilang pahayag na rin nito ang nabigyan ng ibang kahulugan ng iba’t ibang kritiko dahil sa ugaling ito ng pangulo.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021




Nakatakdang mag-expire sa Hunyo at Hulyo ang 2,030,400 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na dumating sa ‘Pinas nitong Sabado, kaya pinabibilisan na ng Department of Health (DOH) ang rollout sa mga vaccination site gamit ang naturang bakuna.


Ayon kay DOH NCR Assistant Regional Director Dr. Paz Corrales, “Limited or masyadong maiksi ‘yung expiration date nila. Sa June or July po yata ang expiration for this year.”


Batay pa sa dokumento ng COVID-19 Vaccination Operation Center, nakatakdang mag-expire sa ika-30 ng Hunyo ang 1,504,800 doses ng AstraZeneca, habang ang 525,600 doses nama’y sa katapusan ng Hulyo.


Dulot nito, hindi na sasagarin sa 3 buwan ang pagitan ng pagtuturok sa first at second dose ng AstraZeneca upang hindi maabutan ng expiration date ang mga nakaimbak na bakuna.


Nilinaw naman ng chairperson ng vaccine expert panel na si Dr. Nina Gloriani na mayroong window period ang AstraZeneca mula isa hanggang 3 buwan kaya hindi gaanong magbabago ang efficacy rate nito kahit maiksi ang pagitan ng first at second dose.


Sa ngayon ay sinimulan nang ipamahagi sa mga local government units (LGU) ang bakuna.


Ang LGU na umano ang magdedesisyon at magpapatupad kung paano nila pabibilisin ang vaccination rollout, alinsunod sa utos ng DOH.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page