top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 15, 2021




Tatlo sa 32 close contacts ng overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 ang kumpirmadong positibo rin sa COVID-19, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, May 15.


Aniya, “As to the case number 2, the 58-year-old male from UAE, meron po tayong verified na 32 close contacts doon sa eroplano at tatlo po sa kanila ay positive.”


Sa ngayon ay ipinadala na ng DOH sa genome sequencing ang test results ng tatlong nagpositibo sa COVID-19, upang malaman ang variant na kumapit sa kanila.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021




Watawat ng Pilipinas ang naging inspirasyon sa inirampang national costume ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant, kung saan nauna nang nagpatalbugan ang mga kandidata ng iba’t ibang bansa na napanood via YouTube channel ng Miss Universe at Lazada kaninang umaga.


"I feel like I'm a Victoria's Secret angel right now," sabi pa ni Mateo habang suot ang national costume sa isang video clip na in-upload ng Miss Universe Twitter page.


Ayon sa ulat, pinagtulungan ng jewelry designer na si Manny Halasan at ng yumaong Pinoy international designer na si Rocky Gathercole ang pagdidisenyo sa damit ni Mateo.


Si Mateo rin ang unang pambato ng ‘Pinas na sumailalim sa pangangalaga nina Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup at beauty queen maker Jonas Gaffud.


“This outfit is inspired by the Philippine flag. The blue represents royalty, red stands for the courage and strength for an independent woman and yellow, the color of sun and stars, symbolizes freedom to choose whoever you want to be,” paglalarawan pa ng host habang rumarampa sa stage si Mateo.


Nakatakdang ganapin ang coronation night sa ika-16 ng Mayo (May 17 Manila time) na maaaring mapanood sa A2Z channel ng Philippine TV.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021




Magbabalik-trabaho na ang mahigit 200,000 indibidwal na nawalan ng hanapbuhay o nahinto sa pagtatrabaho dulot ng lockdown sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa NCR Plus simula bukas, May 15.


Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, “Dito sa pagbukas ulit ngayon ng ekonomiya, maaaring may maibalik pa na maybe 200,000 to 300,000 na trabaho para at least mapababa pa ang mga nawalan ng trabaho starting from the enhanced community quarantine.”


Matatandaan namang mahigit 1.5 million Pinoy ang nawalan ng trabaho buhat nang maging episentro ng COVID-19 ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, kaya maraming negosyo at establisimyento ang ipinasara nu’ng Marso.


Sa ngayon ay bumaba na sa 55,260 ang active cases ng COVID-19, sapagkat nakarekober na ang mahigit 1,050,643 indibidwal, mula sa 1,124,724 na kabuuang bilang ng mga naitalang kaso.


Sa kabila ng mas maluwag na quarantine classification, patuloy pa rin namang ipatutupad ang mga health protocols upang maiwasan ang hawahan at muling paglobo ng virus.


Inaasahan ding magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page