top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021




Naniniwala ang Metro Manila Council (MMC) na hindi pa panahon upang ipatupad ang ‘vaccine pass’ o ang ‘no vaccine, no entry’ sa mga indoor establishments, batay sa panayam kay MMC Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez ngayong umaga, May 19.


Aniya, "Very unfair naman po ‘yan na bibigyan natin ng policy na ‘yun lang makakapasok sa indoors, sa ating mga restaurant, at iba pang mga establishment ay ‘yung mga nabigyan ng vaccination pass."


Dagdag niya, "Sa amin sa MMC, parang hindi pa ho tama ang panahon ngayon po para i-implement ‘yang policy na ‘yan."


Sumang-ayon naman sa kanya ang 17 Metro Manila Mayors na binubuo ng MMC.


Matatandaang hindi rin pabor ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) sa ganitong panukala dahil kaunti pa lamang ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19 sa bansa.


Gayunman, nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na magsisimula nang umarangkada ang mabilis na vaccination rollout sapagkat narito na ang mga bakuna, kung saan tina-target nila ang 500,000 bakunado kada araw.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021




Pfizer COVID-19 vaccines ang pangalawang dose na ituturok sa mga 60-anyos pababang Spaniards na unang nabakunahan ng AstraZeneca, batay sa inaprubahang rekomendasyon ng Spanish Health Ministry.


Ayon sa ulat, mahigit 1.5 milyong Spaniards ang hindi pa nakakakumpleto ng dalawang turok matapos mahinto ang rollout ng AstraZeneca sa Spain nang dahil sa blood clot.


Batay naman sa ginawang clinical trials ng Carlos III Health Institute, mahigit 1.7% participants ang nakaranas ng headaches, muscle pain at general malaise matapos nilang maturukan ng pinaghalong brand ng COVID-19 vaccines.


Sa ngayon ay ilang pag-aaral na rin ang ginawa hinggil sa paghahalo ng dalawang magkaibang brand ng bakuna, kung saan lumalabas na ligtas itong gawin at epektibo rin laban sa COVID-19.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 18, 2021




Nagbabala sa mas mahigpit na lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte kapag tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa, batay sa kanyang public briefing ngayong umaga, May 18.


Aniya, "Under other circumstances, sabihin ko, ayaw ko. But these things are for your own good and if you, hindi n'yo (kayo) sumusunod and may resurgence naman, tapos the new variants, mapipilitan talaga akong mag-impose ng lockdown, maybe stricter this time because hindi natin alam anong variant 'yan.”


Dagdag pa niya, "Ang pag-asa natin is really the obedience, parang boy scout. You want to end the danger of COVID-19 engulfing this country. Kapag hindi, mapipilitan talaga ako na to impose lockdowns and everything."


Sa ngayon ay bumababa na ang kaso ng COVID-19, partikular na sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal na noo’y naging sentro ng pandemya sa bansa.


Ayon pa kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, “2-week COVID-19 growth rate in NCR went down from negative 39 percent to negative 46 percent from May 2 to 15. Ibig sabihin nito, bumabagal na 'yung pagdagdag o paglaki ng kaso.”


Batay din sa huling datos ng DOH, tinatayang 54,235 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 1,076,428 ang mga gumaling, at 19,262 ang mga pumanaw, mula sa 1,149,925 na kabuuang bilang na naitala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page