top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021




Dumating na sa ‘Pinas ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines galing Beijing, China.


Ayon sa ulat, ang naturang bakuna ay sinalubong ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 pasado alas-8 nang umaga ngayong May 20.


Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 5.5 million doses ng Sinovac ang nakarating sa bansa, kabilang ang donasyong 600,000 doses nu’ng February 28 at ang 400,000 doses nu’ng March 24.


Kasama rito ang biniling 1 million doses ng gobyerno na dumating nu’ng March 29 at ang 500,000 doses nu’ng April 11. Kaagad din itong sinundan ng karagdagang tig-500,000 doses nu’ng April 22 at 29. May 7 naman nu’ng dumating ang 1.5 million doses na inihatid ng Cebu Pacific flight.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021




Itinalaga si retired Supreme Court (SC) Justice Arturo Brion bilang bagong Chancellor ng Philippine Judicial Academy (PHILJA) kapalit ni Adolfo Azcuna na nakatakdang matapos ang termino sa ika-31 ng Mayo.


Matatandaang nagsilbi si Brion bilang SC Justice simula March, 2008 hanggang December, 2016 o mahigit 8 years. Siya rin ang dating Court of Appeals Justice at Labor Secretary nu’ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Sa ngayon ay dalawang taon ang termino ni Brion bilang bagong Chancellor ng Philippine Judicial Academy (PHILJA).


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021





Nag-sorry ang Philippine National Police Human Rights Affairs Office (PNP HRAO) sa mga organizers ng community pantry na na-red tag umano kamakailan, batay kay PNP HRAO Acting Chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa ginanap na briefing ng House Committee on Human Rights ngayong araw, May 19.


Aniya, "Sa mga naapektuhan po, humihingi po ang PNP HRAO ng paumanhin sa mga taong naapektuhan kung ano man po 'yung naibalita o nai-post na hindi po nila nagustuhan."


Sabi pa niya, “Yung iba pong insidente na kung saan tinawag po na profiling o red tagging ay hindi po sakop ng pulisya, ng buong PNP. Ito po ay binigyan ng kaukulang aksiyon para hindi na po ito mauulit.”


Gayunman, nilinaw naman niya na ang pagtatanong o pagkuha ng ilang impormasyon sa isang indibidwal ay kasama sa katungkulan ng bawat nagpapatrol na pulis bilang record sa kanilang areas of responsibility.


Dagdag pa ni Calanoga, "Kaya 'pag ang pulis po ay nagtatanong, 'yan po ay para maisama po sa kanilang patrol report. Sana po, maintindihan natin ang ating mga kapulisan."


Matatandaan namang nag-umpisa ang community pantry sa Maginhawa, Quezon City sa pangunguna ng organizer na si Anna Patricia Non na umano’y na-red tag.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page