top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021




Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay San Miguel, Pasig City pasado alas-8 kagabi, kung saan halos 60 kabahayan ang natupok.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa ikalawang alarma ang sunog at pasado 10:37 nang gabi nang ideklarang fire under control na.


Kuwento pa ng ilang nasunugan, sa kasagsagan ng sunog ay nagputukan ang mga kalan kaya mas lumala ang apoy at mabilis 'yung kumalat dahil na rin sa light materials. Isa naman sa mga itinuturong dahilan kaya nahirapan sa pag-apula ang mga bumbero ay ang makipot na daan papasok sa Athena Residences.


“As of 11 pm, fire out na sa Tambakan 3 San Miguel. Seventy-two pamilya ang unang bilang ng naapektuhan ng sunog,” sabi pa ni Pasig Mayor Vico Sotto.


Pansamantala namang nag-evacuate sa San Miguel Elementary School ang mga nasunugan.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021




Natagpuang patay ang isang lalaki sa tubuhan sa Hacienda Sagrado 2, Barangay Zone 16 Talisay, Negros Occidental, kung saan tadtad ito ng tama ng mga bala ng baril sa ulo at dibdib.


Ayon sa Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO), kinilala ang biktima bilang si Brayan Barredo, 24-anyos na dating natokhang.


Samantala, nitong Martes ay isa ring biktima ang natagpuang patay sa tubuhan sa bayan naman ng Murcia, kung saan tadtad din ng tama ng bala ng baril ang katawan.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod ng magkasunod na krimen.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021




Pinaaalalahanan ng Toll Expressways in the Philippines ang mga motorista sa lahat ng expressway na sumunod sa speed limit requirements upang makatiyak sa kaligtasan ng bawat pasahero at biyahero.


Batay sa inilabas na paalala ng Toll Regulatory Board, nakasaad sa ibaba ang mga sumusunod na maximum speed limit sa bawat expressway sa bansa:


· Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx): 100kph

· Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx): 100 kph

· North Luzon Expressway (NLEx): 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)

· Cavite Expressway (CAVITEx): 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)

· NAIA Expressway (NAIAx): 60 kph

· Skyway: 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)

· South Luzon Expressway (SLEx): 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)

· Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX): 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)

· Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway now Apolinario Mabini Super Highway: 80 kph (bus at trucks), 100 kph (cars)


Sa ngayon ay nananatili pa rin sa 60 kph ang minimum speed limit.


Samantala, ang mga mahuhuling violator o under-speeding at over-speeding ay papatawan ng karampatang parusa sa ilalim ng Land Transportation at Traffic Code.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page