top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 22, 2021





Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 kung saan tinatayang 229,769 indibidwal ang naturukan sa loob lamang ng isang araw, batay kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ngayong araw, May 22.


Aniya, “We are very happy with this milestone, as we were able to double the number of jabs in less than a week. I am very confident that with the current pace that we have, we can breach the four million mark by early next week.”


Dagdag pa niya, “We are now moving past the crawl stage as we begin to walk. However, this is not yet enough as our main goal is to run, where we will be able to administer at least half a million doses or more daily. And I am certain that if we keep this momentum, along with the continuous delivery of vaccines throughout the country, we can make this happen.”


Batay naman sa huling datos, mahigit 3,718,308 indibidwal na ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 na nasa hanay ng priority group A1 (healthcare workers), A2 (senior citizens), at A3 (persons with comorbidities).


Samantala, nasa hanay naman ng A4 priority group ang mga economic frontliners. Sa ngayon ay sisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga mahihirap na nasa A5 priority list, kung saan Pfizer COVID-19 vaccines ang iaaloka.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 22, 2021




Nabakunahan na ng Sinovac COVID-19 vaccine si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, ngayong araw, May 22.


Aniya, “After A1, A2, and A3 Senate Employees, finally had mine although I’m A2. I took what was available upon arrival. Had Sinovac!”


Batay sa ulat, kasama ni Sotto ang asawang si Helen Gamboa habang siya ay binabakunahan.


Sa ngayon ay 73% ng Senate employees ay bakunado na kontra COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 22, 2021




Magsisimula na ang vaccination rollout sa mga kapulisan kontra sa COVID-19 sa darating na Hunyo at pangungunahan ito ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, batay sa pahayag niya sa Laging Handa briefing ngayong araw, May 22.


“Based sa survey namin, 84% ng ating kapulisan, out of the 220,000, are willing magpabakuna," sabi pa ni Eleazar.


Dagdag niya, "Since pare-parehong pulis 'yan, uunahin namin ang naka-deploy na frontliner at supervisors at gumagawa ng admin work at inaasahan namin na ito ngayon is mas mabilis natin 'yang mabakunahan, dahil all over the Philippines, with our regional and provincial offices thru medical reserve forces ay nandiyan 'yan para tugunan ang pagbabakuna sa aming kasamahan."


Matatandaan namang kabilang ang mga pulis sa A4 priority groups o ‘yung mga essential frontliners na nasa listahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Paglilinaw pa niya, “Mayroon na kaming 13,000 pa lamang na nababakunahan. Sila po ay nabakunahan hindi dahil sila ay pulis, kung hindi dahil sila ay nasa A1, A2, A3 category.”


Batay din sa datos ng PNP, isang pulis ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dulot ng COVID-19, kaya umakyat na sa 63 ang death toll sa kapulisan.


Samantala, 21,117 indibidwal na ang total ng mga nakarekober, kung saan 139 pasyente ang nadagdag sa mga gumaling.


Sa ngayon ay 1,460 na lamang ang active cases ng COVID-19 mula sa 22,640 na kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa kapulisan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page