top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Magkakaroon ng ‘water interruption’ hanggang sa ika-27 ng Mayo sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal dahil sa isinasagawang maintenance schedule, batay sa inilabas na abiso ng Manila Water sa kanilang website.


Nakasaad dito, kabilang sa maaapektuhang lugar sa Metro Manila ay ang bayan ng Taguig, Quezon City, Pasig, at Makati.


Samantalang sa Rizal nama’y kasama rito ang Cainta, Teresa at Morong.


Sa ngayon ay pinaaalalahanan ang mga residente na mag-imbak ng tubig upang maging handa.





 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Idineklara ng United Nations (UN) nitong Lunes na ‘at war’ o nahaharap sa malaking giyera ang iba't ibang bansa sa buong mundo dahil sa Covid-19, matapos maitala ang mahigit 300,000 na pumanaw sa India dulot ng naturang virus, ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres.


Aniya, "Unless we act now, we face a situation in which rich countries vaccinate the majority of their people and open their economies, while the virus continues to cause deep suffering by circling and mutating in the poorest countries."


Maliban sa India ay laganap din ang pandemya sa iba’t ibang bansa, mapa-mayaman o mahirap na nasyon. Sa ngayon ay umabot na sa 3.4 million ang global death toll ng COVID-19 at ilang bansa na rin ang nagpatupad ng travel restriction.


Bagama’t umuusad ang vaccination rollout ay patuloy pa rin namang nadidiskubre ang naglalabasang mga bagong variant ng COVID-19, kung saan kabilang ang Indian variant sa itinuturing na variant of concern.


"We are seeing the bodies along the river Ganges, which don't seem to be recorded as Covid deaths but are very likely to be Covid deaths," paglalarawan naman ni Biology Professor Gautam Menon ng Ashoka University.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021




Labingdalawa ang patay, habang mahigit 50 ang sugatan sa naganap na mass shooting sa United States nitong Linggo.


Ayon sa ulat, nangyari iyon matapos ipagbawal ni US President Joe Biden ang paggamit ng ‘assault weapons’ upang hindi na maulit ang magkakasunod na barilan sa FedEx facility sa Indianapolis, sa isang office building sa California, sa grocery store sa Boulder Colorado at maging sa birthday party at ilang spa sa Atlanta.


Sabi pa ni Biden, “(I) did not need to wait another minute, let alone an hour, to take common sense steps that will save lives in the future and to urge my colleagues in the House and Senate to act."


Aniya, "We can ban assault weapons and high capacity magazines in this country once again."


Sa kabuuan nama’y mahigit 200 mass shooting incident na ang iniulat, simula nu’ng naganap ang barilan sa magkakahiwalay na lugar sa America, batay sa tala ng Gun Violence Archive.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang nangyayaring barilan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page