top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na simulan na sa Hunyo ang pagbabakuna sa publiko upang mapabilis ang rollout.


Aniya, “We’re now in our third month of our vaccination program and from my observation, it’s about time to move the general public up in the priority program as early as June."


"So meaning, allowing the general public, anyone who is willing to take their vaccine to be vaccinated as early as June,” sabi pa niya.


Sa ngayon ay 4,097,425 indibidwal pa lamang ang nabakunahan kontra COVID-19, bilang na malayo sa target na 50 million hanggang 70 million upang tuluyang maabot ng bansa ang herd immunity.


 
 
  • BULGAR
  • May 25, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Balik-normal na ang operasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT-2), matapos ang isinagawang provisional service kahapon, ayon sa panayam kay LRT-2 Spokesperson Attorney Hernan Cabrera ngayong umaga, May 25.


Paliwanag niya, bilang paghahanda sa pagbubukas ng karagdagang istasyon sa Masinag at Marikina ay kinailangan nilang patayin ang signaling system ng Anonas, Katipunan at Santolan station para isagawa ang integration test.


Matapos ang integration test, binuksan muli ang signaling system ng mga istasyon, subalit nagkaroon ng technical problem sa signaling system ng Santolan station kaya kinailangan nilang ayusin buong araw.


Naayos ang signaling system kaninang ala-una nang madaling-araw, kaya nagbalik-operasyon ang LRT 2 ngayong alas-6 nang umaga.


Samantala, nakatakda namang maging operational ang Masinag at Marikina LRT-2 stations simula sa ika-22 ng Hunyo.


Sa ngayon ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols sa lahat ng istasyon upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021




Tinatayang 74,556 residente ng Quezon City ang nakakumpleto na sa dalawang turok ng COVID-19 vaccines, ayon sa panayam kay Joseph Juico, co-chairman ng QC Task Force Vax to Normal ngayong araw, May 25.


Sabi pa ni Juico, "At the moment, nasa around 14% of the entire population (ang nabakunahan). Target po natin, 70%. Nasa milyon pa tayo bago ma-achieve ang herd immunity."


Dagdag niya, nakatanggap ang QC ng 110,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines, kung saan ang 55,200 doses ay itinurok bilang first dose.


Gagamitin aniya ang 40,000 doses upang idagdag sa first dose at ang natitirang 15,200 doses ay para naman sa second dose.


Paliwanag din niya, mahigit 95,000 doses ng Sinovac pa ang kakailanganin nila para may magamit na second dose sa mga unang naturukan.


“’Yung delivery ng Sinovac vaccines is arriving first week of June or anytime now. Hindi kami kikilos nang walang assurance coming from national government," sabi pa niya.


Sa ngayon ay 235,052 residente na ang nabakunahan ng unang dose at nakatakda silang bakunahan ng pangalawang dose makalipas ang 28 days upang maging fully vaccinated.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page