top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Magkakaroon ng bagong guidelines ang Department of Health (DOH), kung saan gagawin na ring prayoridad sa bakuna kontra COVID-19 ang mga kamag-anak ng frontline healthcare workers, batay sa napag-usapan sa Laging Handa public press briefing.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Kailangang makapag-release ng guidelines para magkaroon ng pamantayan. Kailangan lang po siguro po, nuclear family ang unahin, this will depend on the doses that we have right now.”


Paliwanag naman ni Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Benito Atienza, “Ang nagiging problema kahit nababakunahan ang mga doktor at nurses, may iilan pa ring nahahawa. Kasi sabi nga natin, dapat nakukumpleto ang bakuna para maprotektahan laban sa severe COVID.”


Dagdag nito, “At pag-uwi sa bahay, nag-aagam-agam pa rin ang ating health workers kasi nga po 'yung wala pang bakuna ang kanilang mahal sa buhay. Hindi naman po puwedeng hindi sila uuwi kaya may iba na nagre-rent ng bahay o hotel para mag-quarantine.”


Sa ngayon ay 85% medical frontliners na ang nabakunahan kontra COVID-19.


Sa kabuuang bilang nama’y 4.495 million indibidwal na ang nabakunahan kontra COVID-19, kabilang dito ang mga healthcare workers, senior citizens at may comorbidities o nasa A1 hanggang A3 priority list.


Inaasahang susunod na ang rollout sa ilalim ng A4 at A5, kung saan kabilang ang economic frontliners at mga mahihirap.


Matatandaan namang idinagdag sa A1 priority list ang mga outbound OFW at tourism frontliners.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Darating na ang mga bagong tren na gagamitin ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa ilalim ng proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways.


Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, "Mayroon tayong lugar na itinatayo ng DOTr na paglalagyan ng simulator. Ito ang gagamitin para sa training ng mga taong magpapatakbo at gagabay sa proyektong ito. Handa na hong dumating ang mga simulator ng September o October."


Bahagi ng ‘Build, Build, Build’ infrastructure development program ang NSCR project sa ilalim ng administrasyong Duterte.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021





Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nagkakahalagang P3 million na ‘misdeclared’ o naipuslit na sibuyas galing China, batay sa kanilang Facebook post ngayong araw, May 29.


Anila, “Continuing efforts to curb smuggling, the Bureau of Customs (BOC) through the Manila International Container Port's (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) on May 26, 2021 apprehended a misdeclared shipment of red onions.”


Paliwanag ng BOC, yellow onions ang nakasulat na description sa shipment, subalit nadiskubreng 60% ng laman nito ay puro red onions na katumbas ng P3 million na halaga.


Dagdag ng BOC, “The shipment which originated from China and was consigned to a certain Potanion Trading and was subjected to 100% physical examination which were witnessed by members of CIIS Enforcement and Security Service's Customs Anti-illegal Drugs Taskforce (ESS-CAIDTF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI).”


Sa ngayon ay posibleng humarap sa paglabag sa Section 1113 at Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang sangkot sa misdeclared shipments.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page