top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021




Patay ang 52-anyos na nakilalang si Lilybeth Valdez matapos barilin ng lasing na pulis na si Master Sgt. Hensie Zinampan sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City pasado alas-9 kagabi, May 31.


Ayon sa ulat, lumabas ng bahay ang biktima para sana bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan. Makikita naman sa narekober na video kung paano siya pinatay nu’ng gabing iyon.


Batay dito, sinundan ni Zinampan si Valdez, kung saan mapapanood sa video ang itinatagong baril sa likuran. Mangyari’y ikinasa nito ang baril saka sinabunutan ang biktima.


"Nu’ng pagkasabunot po kay auntie, sabi po, 'Sir,' wag n'yo naman po akong sabunutan'... Pagkasabunot kay auntie, binaril po kaagad siya," salaysay pa ni Joanne Luceño, kaanak ng biktima at nakakita sa insidente.


Makikita rin sa video na may mga bata sa paligid nu’ng gabing iyon.


Paliwanag naman ng anak ng biktima na si Beverly Luceño, dati na nilang nakaalitan si Zinampan.


Kuwento ni Luceño, nitong May 1 ay nakasuntukan umano ng anak ni Valdez at ng asawa nito ang suspek. Pinagbantaan na rin umano ng pulis ang biktima.


Samantala, itinanggi naman ni Zinampan ang akusasyon at ang ginawang pagpatay sa kabila ng lumabas na video. Sa ngayon ay hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek upang harapin ang kasong murder.


Narekober na rin ng mga awtoridad ang baril na ginamit nito sa pagpatay.


Kaugnay nito, kabilang si Zinampan sa mga nag-post nu’ng kasagsagan ng isyu sa pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio, kung saan mababasa sa Facebook post ni Zinampan na hindi lahat ng pulis ay masama at isa aniya siya sa mabubuting pulis.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021




Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang ilang bahagi ng bansa ngayong umaga, June 1, dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Dante.


Batay sa 8 AM bulletin report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:


• eastern portion ng Masbate (Mobo, Uson, Dimasalang, Cawayan)

• Palanas, Cataingan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Ticao Island

• Sorsogon

• eastern portion ng Albay (Legazpi City, Manito, Santo Domingo, Bacacay, RapuRapu)

• Eastern Samar

• Samar

• Northern Samar

• Biliran

• northern at central portions ng Leyte

(Matag-Ob, Villaba, Ormoc City, Albuera, Burauen, Macarthur, Javier, Abuyog, La Paz, Mayorga, Tolosa, Dulag, Tabontabon, Julita, Tanauan, Dagami, Pastrana, Palo, Tacloban City, Babatngon, Alangalang, Santa Fe, Barugo, Tunga, Jaro, San Miguel, Carigara, Kananga, Tabango, Leyte, Calubian, Capoocan, San Isidro)

• eastern portion ng Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan)

• northern portion ng Dinagat Islands (Tubajon, Libjo, Loreto, Cagdianao)

• Siargao at Bucas Grande Islands


Samantala, nasa Signal No. 1 naman ang iba pang lugar:


• Camarines Sur

• Catanduanes

• Camarines Norte

• natitirang bahagi ng Albay

• natitirang bahagi ng Masbate kabilang ang Burias Island

• eastern portion ng Romblon (San Fernando, Cajidiocan, Magdiwang, Romblon)

• eastern portion ng Quezon

(Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Narciso, San Andres, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Lopez, General Luna, Macalelon, Quezon, Alabat, Gumaca, Perez) including Polillo Islands

• northeastern portion ng Capiz (Panay, Pontevedra, President Roxas, Roxas City, Pilar)

• northeastern portion ng Iloilo (Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Carles, Balasan)

• northern portion ng Cebu

(Tuburan, Danao City, Carmen, Catmon, Sogod, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Borbon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Compostela, Liloan) Kabilang ang Bantayan at Camotes Islands

• northeastern portion ng Bohol (Talibon, Bien Unido, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)

• natitirang bahagi ng Leyte

• natitirang bahagi ng Southern Leyte

• Agusan del Norte • northern portion of Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad, San Francisco)

• Surigao del Sur

(Barobo, Lianga, San Agustin, Marihatag, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, San Miguel, Carrascal, Cantilan, Madrid, Lanuza, Carmen, Hinatuan, Tagbina)

• natitirang bahagi ng Surigao del Norte


Sa ngayon ay 3 na ang iniulat na patay, habang patuloy namang hinahanap ang isang nawawala, dulot ng pananalasa ni Bagyong Dante.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021



Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nagsisinungaling ang gobyerno pagdating sa totoong kalagayan ng lumalaganap na pandemya sa bansa, batay sa kanyang public address kagabi, May 31.


Aniya, "Ngayon, sinasabi ko, I am giving you the guarantee na hindi kami magsinungaling at hindi kami magtimpla-timpla ng totoo para lumabas ang ganda. We have no business lying to you. Wala akong obligasyon na magsinungaling sa bayan ko. Bayan ko rin ito. At bakit ako magsinungaling, eh, para man ito sa lahat."


Dagdag niya, “Sinasabi ko sa inyo, iyong lahat ng lumalabas dito, ‘yung katotohanan. Kung ayaw ninyong maniwala, pero ang sabi ko sa inyo, huwag kayong maniwala diyan sa mga oposisyon, ‘yung mga dilawan, kasi ang lumalabas na lang nila is naghahanap ng mali maski wala at kung mayroon man, eh, nako-correct kaagad ‘yan. Pero kung makinig kayo sa lahat ng istorya nila, sa narrative nila sa pang-araw-araw ng buhay ng Pilipino, eh, talagang malilito kayo."


Matatandaan namang madalas napupuna ang pangulo hinggil sa pabagu-bagong timpla ng kanyang ugali, kung saan hindi na rin malaman kung kailan siya nagseseryoso at nagbibiro.


Kabilang si Vice-President Leni Robredo sa mahilig magbigay ng opinyon at madalas pumuna sa pagkukulang ng gobyerno laban sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page