top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021




Pumanaw na ang American basketball player na si Galen Young dulot ng vehicular accident, kung saan isang sasakyan ang sumalpok sa kanyang tinutuluyan sa 4589 Horn Lake Road, Memphis.


Ayon sa Memphis Police Department, “At 2:42 am, officers responded to a crash at 4589 Horn Lake Rd. where a vehicle crashed into the house. After the crash investigation, Young, 45, was located inside the residence and pronounced deceased. A citation was issued to the driver. The investigation is ongoing.”


Si Young ay kilala bilang Aces’ import player ng Philippine Basketball Association (PBA) nu’ng 2000. Naglaro siya kasama ang San Miguel Beer nu’ng 2007. Nakalaro rin niya ang Alaska noong 2004 at 2009.


Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Alaska coach Jeff Cariaso.


Sabi nito, "This breaks my heart. Galen was one of my favorite imports to play with. Not only was he a warrior on the court, he was an even better friend off it.”


“Prayers for his family during this tough time. Rest well in heaven my friend,” dagdag ni Cariaso.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021




Magtatayo ng vaccination hub ang Office of the Vice-President (OVP) sa Maynila, ayon kay Bise-Presidente Leni Robredo sa kanyang weekly radio program.


Aniya, nakipagkita siya kay Manila Mayor Isko Moreno upang mapag-usapan ang pinaplanong mobile vaccination, kung saan economic frontliners ang prayoridad mabakunahan kontra COVID-19.


Sabi pa niya, "Ipa-pilot na natin ‘yung Manila City sa mobile vaccination para ipakita na it can be done.”


"So ngayon, nagta-time and motion study kami, naghahanap kami ng lugar na puwedeng gawan. ‘Yung nagbabakuna, hindi na kailangang bumaba sa sasakyan. Ang uunahin namin ay ibang frontliners, non-medical frontliners na kailangan ng protection," dagdag niya.


Iginiit din ni Robredo na tinatarget nilang mabakunahan ang 24,000 indibidwal.


Samantala, inirekomenda rin niya ang mga intern sa nursing at medical schools para maging COVID-19 vaccinators.


Aniya, "Ie-explore namin kung papayag, puwedeng mag-partner tayo with a medical school, partner with a nursing school na 'yung mga estudyanteng nag-clerk na, nag-i-intern na, nag-hospital duty na mapayagan magbakuna basta supervised."


Kaugnay ito sa kakulangan ng vaccinators sa ilang local government units (LGU) kaya bumabagal ang rollout kahit may sapat na suplay ng bakuna.


Sa ngayon ay 5.38 million indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19. Kabilang dito ang 1.2 million na fully vaccinated o nakakumpleto sa dalawang turok, at ang 4,088,422 indibidwal na nabakunahan ng unang dose.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021




Dalawang sibilyan ang patay sa ginawang pagpapasabog ng mga hindi pa makilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City kaninang 6:45 nang umaga, June 6.


Ayon sa ulat ng Masbate Police Station, kinilala ang mga biktimang si Nolven Absalon, 40-anyos, at ang pinsan nitong football player na si Keth Absalon, 21-anyos.


Salaysay ng binatilyo, papunta sana sila sa kamag-anak na taga-Barangay B. Titong, habang sakay ng bisikleta nang tamaan sila ng shrapnel mula sa sumabog na improvised explosive device (IED).


Kaagad naman silang isinugod sa Masbate Provincial Hospital upang gamutin, ngunit hindi na nakaligtas ang dalawa.


Sa ngayon ay nag-deploy na ng karagdagang pulis sa naturang lugar para sa seguridad ng mga residente at upang mahuli ang nasa likod ng pagpapasabog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page