top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2026 (Lunes): Magagandang ideya ang mabubo sa iyong isipan. Kung lalakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, mabilis kang yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madaragdagan ang kaalaman mo sa pamamagitan ng pakikinig sa mga may alam at sanay na. Sa ganitong paraan, malabo kang mabigo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-19-24-30-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang pag-ibig kapag kulang sa romansa at sa dilig ng pagmamahalan. Huwag mong hayaang mabawasan ang pagtitinginan ninyo ng iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-18-28-31-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasawa ang paulit-ulit na ikot ng buhay. Gayunman, hindi ka puwedeng matalo ng kalungkutan. Kaya gumawa ka ng paraan upang ang kaluluwa mo ay sumaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-25-34-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang magagandang bagay ay magdaratingan na sa buhay mo. Wala kang dapat gawin ngayon kundi tanggapin ito. Hindi dapat na umiral sa iyo ang pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-27-29-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bagong pananaw ang papasok sa isipan mo, kakaiba ito kesa sa dating pinaniniwalaan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-19-21-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo ang papel mo ngayon sa mundo. Kaya huwag mong pagdamutan ng mga kakaibang kaalaman ang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-20-28-31-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan ang puso mo, roon ka! Puwede mo ring labanan ang iyong damdamin, kaya lang ang lihim na kalungkutan ay mamalagi pa rin sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-22-30-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Salubungin mo ang mga araw na darating, kung saan madaming oportunidad ang mapapasaiyo. Ngayon pa lang ay puwede ka nang magdiwang kasama ang ilang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-24-26-37-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi dapat inaawat ang taong galit na galit, bagkus hayaan n’yo lang ito dahil kahit gaano katindi ang galit, tulad ng malakas na bagyo, humuhupa rin ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-19-23-34-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang masama sa pagtatanong, lalo na kung gusto lang naman talaga matuto. Pero mag-ingat ka sa nagtatanong sa iyo na may masamang motibo at kumukuha lang ng personal na impormasyon sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-18-21-33-40


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat matinding paghahanda ang gawin mo kung gusto mo ng malaking proyekto. Ibig sabihin, huwag kang sugod nang sugod para ‘di ka magkamali sa pagdedesisyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-25-28-30-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ngayon ng suwerte. Lakasan mo ang loob mo na gawin anumang gusto mo. Makipagsapalaran ka para mapasaiyo ang walang kapantay na ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-14-29-35-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2026 (Linggo): Walang pagdududa na ang buhay mo ay gaganda kahit pa makaranas ka ng mga hindi magagandang pangyayari. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon at saya. Tandaan mo, nagtatagumpay ang taong inspirado at dahil may inspirasyon ka at laging masaya, ang suwerte at magagandang kapalaran ay unti-unti nang dadapo sa iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-20-31-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya ang tagumpay at kabiguan ay nasa mga kamay mo mismo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-24-29-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali, bagkus damhin at lasapin mo ang maliligayang araw na ito. Ang kakaibang ligaya ngayon ang magsisilbi mong lakas upang mas buwenasin ka pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-30-34-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag kulang sa luto ang pagkain, hilaw at hindi masarap ang lasa. Hayaan mo munang maluto ang mga kaganapan bago ka sumugod upang lubos mo itong malasap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-33-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi dapat pinapaalam ang personal na mga bagay. Kapag ipinaalam mo ito sa ibang tao, hindi mo sila masisisi kung ikaw ay pagbintangan na may ibang motibo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-21-25-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging makulay para sa iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ang ibig sabihin ng makulay ay sasaya ka, madidiligan at bubuwenasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-13-20-27-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Simplehan mo lang at dapat ay tukoy at direkta ang salitang iyong gagamitin, huwag mo nang lagyan ng kung anu-anong dekorasyon. Kapag simple lang ang kahilingan, ito ay tiyak na ipagkakaloob ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-14-28-30-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng bago kahit nasa loob ka lang ng bahay at iwasan mong magsuot ng kupas na damit. Ito ngayon ang pinakamabisa mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-22-29-33-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mabibigo ‘pag isinabuhay mo ang susi ng kaligayahan na nagsasabing salubungin mo ang dilim nang may positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-17-25-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang pakawalan ang taong lalapit sa iyo na magpapakita ng pagtingin. Siya ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na samahan ka sa iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-21-26-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bantayan mo ang iyong paligid, dahil may ilan na magtatangkang siraan ka. Ang paninira sa iyo ay magmumula sa isang taong dikit nang dikit sa iyo na lihim palang naghahanap ng mga kasiraan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-28-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lahat ng nagsisikap ay nakakaahon sa buhay. Pero ang mga pagsisikap mo ay hindi masasayang, kaya ituloy mo lang ang pagsusumikap at huwag kang aatras sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-27-30-39-44.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 14, 2026 (Sabado): Araw ng mga Puso ngayon, kaya ang pagiging marahan at mabilis ang magdadala sa iyo sa tagumpay at kaligayahan. Anumang gawin mo, huwag kang magmamadali at kapag kabisado at alam mo na, saka mo bilisan. Ang dalawang ito ang tiyak na magpapayaman at magpapaligaya sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo ang bawat kilos mo. Ito ang sikreto ng mga taong nagtatagumpay sa kani-kanilang larangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-29-31-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makipagsapalaran ka para muli kang manalo. Ipinapaalala sa iyo na ang buhay ay isang pakikipagsapalaran; ang mga taong hindi marunong sumali sa laro ng buhay ay mapapabilang sa mga talunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-21-30-35-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kaya ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga biyayang mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-23-28-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang pagiging mahiyain. Sa mga araw ng kasiyahan, dapat na makibahagi ka sa mga pagkakataong mapasaya ang kapwa at ang mismong sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-19-26-32-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi sapat na dahilan ang pinagdadaanan ng isang tao para hindi siya kumilos para sa kanyang kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-22-28-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaayon ang langit sa mga plano mo. Kaya huwag kang magdalawang-isip pa. Ang pagkilos na ito ay dapat mo nang isagawa ngayon! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-15-29-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka maduduwag dahil lang sa may sumasalungat sa gusto mo? Tularan mo ang saranggola na habang kumokontra ng malakas na hangin ay mas lalo pa itong tumataas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-21-27-30-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo ang sarili mo na ayaw magpasya agad. Sa pagdadalawang-isip, madaming oportunidad ang nasasayang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-26-28-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang mga nag-aakalang kailangan mo ang tulong nila. Tama lang na tulungan mo sila, dahil habang tumutulong ka, mas madaming biyaya at suwerte ang matatanggap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-9-16-27-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka masaya, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-20-25-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kaya ka nagkakamali ng diskarte dahil masyado kang madaming iniisip. Kung ano ang unang pumasok sa isip mo, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-24-28-32-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto ng iba, iyon din ang gustuhin mo. Sa ngayon, ang nakakarami ang masusunod, habang ang mga sumasalungat naman ay nalulungkot. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-16-18-26-30-41.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page