top of page
Search

by Info @Brand Zone | June 26, 2024



File


SM Supermalls, through its Corporate Social Responsibility arm, SM Cares, and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), continue to drive active participation in ocean conservation with the latest leg of SM’s Coastal Clean-up drive, held on June 8, 2024, Saturday in celebration of World Oceans Day.


This year, SM was able to collect more than 15,000 kgs of trash with the help of 2,500 SM Employees and volunteers from 15 SM Supermalls nationwide.



SM

SM City Sorsogon cleans the coastal area of Sitio Mahingan



SM Cares

SM City Legazpi does a clean-up by the coastal shorelines of Brgy. Dapdap and Brgy. Puro



SM Cares

SM Mindpro volunteers cleaned-up the trash along the stretch of mangrove areas



SM Cares

Purok Minanga get cleaned by volunteers from SM City General Santos



SM Cares

SM City Roxas volunteers are ready to clean the coast of Baybay Beach



SM Cares

SM City Puerto Princesa volunteer shows the trash they collected during the clean-up



SM City Puerto Princesa volunteer shows the trash they collected during the clean-up



SM Cares

Shore-lines gets greener with a clean up by SM City Daet



SM Cares

SM City Bataan volunteers protecting our aweSM seas



The area of Centro 10-Tanza-Caggay get cleaned by volunteers from SM City Tuguegarao & SM Center Tuguegarao Downtown



SM by the BAY volunteers – including NU Nazareth students, BSP/GSP, SM employees and agency personnel’s fight for a trash-free Manila Bay



SM City Cebu and SM Seaside City Cebu return to Cebu SRP for a clean-up



SM Cares

Since 2014, SM’s coastal clean-up initiative has grown to include more coastal locations and volunteers, showing the true impact of SM’s advocacy, as well as the power of community participation in environmental stewardship and marine conservation efforts.


SM Cares’ Coastal Clean-up project is part of the organization’s Programs on Environment. SM Cares also has supporting initiatives focused on children and the youth, women and breastfeeding mothers, senior citizens, and persons with disabilities. 

 
 

ni Sis. Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | June 24, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig


Dear Sister Isabel,


Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Palagi akong nag-aalala at para bang ayoko na sa mundo. 


Palaging nagtatalo ang magulang ko, kahit sa maliit na bagay. Wala nang katahimikan sa bahay namin, at wala rin akong maramdamang pagmamahal mula sa kanila. 


Ang isa ko pang problema, wala akong kaibigan dahil hindi naman ako marunong makihalubilo sa mga tao. Kaya madalas naiisip ko na mas mabuti pa siguro sa kabilang buhay, ‘di pa ako magugutom at mauuhaw doon. 


Alam mo, Sister Isabel, dumating na rin ako sa puntong gusto ko nang mag-suicide, pero ‘di ito natuloy dahil nakita ng kapatid ang bagay na sana ay gagamitin ko. 


Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ano ang maipapayo n’yo sa akin upang masolusyunan ko ang ganitong klaseng pag-uugali? Hihintayin ko ang inyong payo.


Nagpapasalamat,Joanne ng Pangasinan



Sa iyo, Joanne,


Maganda ang buhay sa mundo, lalo na kung maganda rin magiging pananaw mo. Huwag kang masyadong maging pessimistic. Ibig sabihin, matuto kang mag-appreciate ng maliliit na bagay. Life is what we make it, ikaw din mismo ang gagawa ng paraan upang maging masaya ka. 


Huwag na huwag mong wawakasan ang buhay mo. Kasalanan iyan, mas mabuti kung sa langit ka mapupunta, walang gutom at uhaw kang mararamdaman. 


Pero, paano kung sa impiyerno o sa purgatoryo ka mapunta? Huwag mo na ulitin pa ang mag-suicide, dahil nawawala lang ang pisikal mong katawan, ngunit ang iyong kaluluwa ay buhay na buhay pa at nanonood sa mundong iiwan mo, na kung saan ang mga tao ay nag-e-enjoy sa kanilang buhay, nagdiriwang kapag may okasyon, at kumakanta sa videoke.


Masaya sila kahit simpleng buhay lang. Makakaranas ka rin ng ganitong kaligayahan kung magiging bukas ang iyong isipan sa katotohanan na ang bawat isa sa atin ay may sari-sariling problema, pero lahat naman ng problema ay may solusyon. Lahat ng mga gumugulo sa ating isipan ay dadaan at lilipas din. Paikut-ikot lang iyan, mas makakabuting lumapit ka sa Diyos.


Kapag ginawa mo ‘yun, gagaan na ang iyong kalooban at maaari mo ring hilingin sa Diyos na pagtibayin ang puso’t kalooban n’yo para maging maayos na rin ang relasyon ng magulang mo, lalo na sa iyo na madaling panghinaan ng loob. 


Sumali ka rin sa mga gawaing simbahan. Mapapansin mo, mawawala na ang iyong kalungkutan. Iyan ang simpleng paraan upang baguhin ang iyong pananaw sa buhay. 


Huwag maging nega. Palagi mong isipin ang magandang aspeto ng buhay. Tandaan mo, kung ano ang iniisip mo, ganu’n din magiging resulta. ‘Ika nga sabihan, “Response to stimulus,” kung ano ang ating iniisip, iyon ang ating mararanasan. Mag-isip ka ng positibo, at negatibo.


Sumasaiyo, 

Sister Isabel del Mundo





File Photo

 
 

ni Lucille Gallon - Trainee @Entertainment News | June 19, 2024



FIle Photo


Spotted sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Shifen Old Street sa Taiwan na isinulat ang mga wishes nila sa sky lantern. Makikita sa sky lantern ni Julie ang mga wishes niyang happiness, health, wealth, peace, promotion, marriage, safety at career.


Nag-comment naman ang isang netizen na halatang basher. “Sa All-Out Sundays (AOS), mukhang hiyang-hiya ka nu’ng nagparinig about marriage. Kailan kaya magigising si Julie?” sey nito.


Sinagot agad ito ni Rayver na, “Lol (laugh out loud) troll account, attend ka sa wedding namin, ah!”


Sey naman ng mga fans ng JulieVer (Julie at Rayver), “Bitter mo, ha? Kasali ka ba sa relasyon nila? Nagpalit ka na naman ng account, Bessy!” Ani ng ibang mga netizens… “Sis, sana tayo rin invited. Pupunta talaga ako, hehe.”


“Ikaw ang kailan magigising sa katotohanan na inggitera ka?” “Kailan ka magigising na si Rayver ang mahal niya at hindi ‘yung idol mo.”


“Oo, tama ‘yan, Rayver, invite mo sa kasal n'yo ni Julie ang basher mo, du’n sila tatahimik. Inggitin mo sa pagmamahalan n’yo ni Julie.”


Oh, well, 'di kaya nahiya si basher sa pagmamaasim niya kina Rayver at Julie Anne matapos siyang imbitahin sa kasal ng dalawa? Teka, kelan na nga ba 'yan, JulieVer at beke nemen puwedeng ma-invite rin kami?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page