ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 11, 2024
DEADLINE rito, deadline doon. Ganyan din ba ang kasalukuyang nararanasan n’yo? Nakaka-stress ‘no? ‘Yung halos hindi na kayo magkandaugaga sa kaka-file ng iba’t ibang project.
Kaya naman, let’s be real, — sa dami ng school requirements, deadlines, sino ba ang hindi makakaramdam ng stress?
Kaya narito na ang ultimate survival guide para sa mga estudyanteng gusto nang magkaroon ng peace of mind. Ready na ba kayo? Let’s go!
1. THE POWER OF “ME TIME.” Walang masama sa pagiging busy, pero huwag nating kalimutan ang ating sarili.
Maglaan kahit 10 to 15 minutes a day para sa “me time,” — mapa-Netflix man ‘yan o quick scroll sa favorite TikTok creators mo. A little break goes a long way sa pagkakaroon ng mental reset. Tandaan, you’re not a machine! Oki?
2. POWER NAPS! Kung iniisip mong dagdag-stress ang pagtulog, nagkakamali ka! Kailangan mo rin ng power naps kahit na 10-20 minutes lang, para naman makapagpahinga rin kahit saglit ang iyong utak. It’s scientifically proven na nakakatulong ito sa memorya at focus.
At once na na-feel mong nasa zombie stage ka na, isama mo na si "pillow" sa study break mo.
3. TAMANG PLAYLIST. Playlist is life, Iskulmates! Kung hindi ka na makapag-focus, puwede ka namang maghanap ng music na magpapabuhay sa natutulog mong diwa. Huwag kang mag-alala, dahil meron namang Lofi Beats para sa chill study mode at hype music. Remember, music heals the brain at ‘wag ka, dahil nakakatanggal din ito ng bad vibes.
4. THE “CHILL” FRIENDS CLUB. Importante ang supportive friends, lalo na kung pareho kayo ng subjects at level ng stress.
Pero kung toxic na ang napag-uusapan n’yo at puro na lang kayo reklamo, iba na ang magiging epekto niyan sa inyo. Kaya humanap ng positive na study group na supportive at hindi dagdag-pressure sa’yo. Ika nga, “Choose people who bring out the best in you.”
5. MASTER THE ART OF TIME BLOCKING. Kung mahilig ka sa procrastination, subukan mo ang time blocking technique.
Gumawa ng schedule, hatiin ang oras sa pag-aaral, pagpapahinga, at konting fun break. This way, hindi ka masyadong mao-overwhelm at mas madali mo pang maa-achieve ang goals mo bawat araw.
6. FOOD IS BRAIN FUEL. Mahilig ka bang kumain ng junk food tuwing nai-stress ka? Well, mas okey kung balanced meals ang kakainin mo tulad ng protein, fruits, at gulay. The healthier your diet, the sharper your mind!
7. EXERCISE. Oo, alam namin mahirap gumalaw lalo na kung stressed, pero ang simpleng paglalakad o pag-stretch ay malaking tulong na.
Puwede kang maglakad-lakad sa labas o kahit sa bahay lang, basta make sure na magsi-circulate ang dugo. Kahit 5-10 minutes lang, game na!
8. TAKE IT EASY ON SOCIAL MEDIA. Ang social media ay minsan nakakadagdag lang ng “comparison stress,” — lalo na kapag nakikita mo ‘yung classmates mong mukhang chill na chill pero honor student. So, practice social media detox paminsan-minsan. Iwas-toxic, iwas-stress, dahil ikaw lang ang kalaban mo rito!
9. ‘WAG MAG-HESITATE MAGTANONG. If confused ka na sa subject or project, ‘wag mahiyang magtanong.
Mas mainam na linawin na ngayon kesa na mawala pa ang sanity mo kaka-analyze. Professors appreciate questions, at kung stress-free ka, may bonus and additional points for effort pa ‘yan!
10. PRACTICE MINDFULNESS: LIVE IN THE PRESENT. Minsan, kapag masyado tayong stress, nakakalimutan na natin ang present. Subukang mag-meditate o kahit simpleng deep breathing exercises lang. Kapag sinabing “inhale peace, exhale stress,” totoo ‘yan. ‘Di mo kailangan ng fancy yoga, just take it one breath at a time.
11. CELEBRATE SMALL WINS. Hindi kailangan straight A’s para i-celebrate ang efforts mo!
Natapos mo na ba ang isang term paper? Na-submit mo ang project ng walang tulog? Then, give yourself a reward! Life is short to stress over things; enjoy each little achievement, kasi kasama ‘yan sa success journey mo!
12. ACCEPTANCE. Last but not the least, tanggapin na may limitations ka. You don’t have to be perfect to succeed. Ang mahalaga ay natuto ka at nakapag-enjoy ka kahit na maraming ups and downs.
Stress is normal, pero hindi dapat ikaw ang magdala ng stress, — kalma lang!
So there you have it, mga Iskulmates. Stress is inevitable, but with these tips, mas madali nang maging chill at kaya mo pang ma-survive ang bawat school day. Remember, kalma, kapit, and just enjoy the ride! Oki??
Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.
So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.