top of page
Search

ni Angel Lyca Malanao (OJT) @Life & Style | Feb. 11, 2025





Excited na ba ang lahat para sa Araw ng mga Puso? 


Ang isa sa mga pinoproblema ng mga magkasintahan kapag papalapit na ang Araw ng mga Puso ay kung saan sila mamamasyal, higit lalo kung ‘di kaya ng budget ang bonggang selebrasyon. 


Gayunpaman, hindi naman porke wala tayong extra money para du’n, hindi na natin ito ise-celebrate. Remember, isang beses lang ito sa isang taon, kaya hangga’t maaari ay gawin natin itong memorable. Okie? 


Kaya kung naghahanap pa rin kayo ng abot-kayang date para mai-celebrate ang Valentine’s. Aba, perfect timing ito, dahil narito ako para tulungan kayo! Ready na ba kayo mga Ka-BULGAR? Let’s go, basahin na natin ito! 


  1. PARK. Ang park ay isa sa mga sikat na pasyalan na sakto sa mga magdyowang tight ang budget. Pero, hindi naman porke rito n’yo ise-celebrate ang Valentine’s, wa’ na agad itong thrill. Dahil, marami pa rin naman kayong magagawa rito tulad ng pagpi-picnic sa ilalim ng mga matataas na puno. Hindi ba?  


Ang mahalaga naman kasi kapag Araw ng mga Puso ay magkasama kayo at magkaroon ng sapat na oras upang makapagkuwentuhan. Gets mo? 


  1. STREET FOOD TRIP. Kung gusto n’yo ng iba’t ibang pagkain at maglakad-lakad sa mga kilalang street food spots, aba ito na ang sign para tumuhog ng iba’t ibang fave n’yong pagkain. Hindi n’yo na kailangan pang gumastos ng malaki rito, dahil sinisiguro ko sa inyo na abot-kaya n’yo lang itong mabibili. Oh ‘di ba, naka-bonding n’yo na ang isa’t isa, nabusog pa kayo! 


  2. MAGTAMPISAW SA DAGAT. Kung nais n’yo namang mag-beach date at manood habang papalubog ang araw, ito ang perfect timing para makapag-relax at makalayo pansamantala sa mga problema. Isa rin ito sa magandang pagbuo ng memories kasama ang inyong minamahal.


  3. COFFEE DATE. Kung parehas kayong coffee is life, ito na ang perfect date na para sa inyo. Isa pa, hindi na kayo mamomroblema dahil marami namang shop d’yan na pagpipilian. 


  4. MUSEUM O ART GALLERY. Maraming mga museo at art gallery na may mga libreng admission o discount tuwing special occasions. Nakapag-bonding na kayo, nakapaglakbay pa kayo sa kultura at sining. Hindi ba? 


  5. NATURE WALK O HIKE. Kung trip n’yo rin ang paglalakad kung saan-saan, puwede n’yo ring subukang mag-hike sa mga nearby trails o kaya mag-nature walk sa mga protected areas at eco-parks. 


Ilan lamang iyan sa mga lugar na pupuwede ninyong puntahan sa darating na February 14. Kaya ‘di n’yo na need mamroblema pa. Oks? 


Kahit na sa kabila ng mga hamon ng buhay, ang pagmamahal ay patuloy pa ring nagbibigay saya at kulay sa ating pang-araw-araw. 


Ngayong papalapit na ang Valentine’s, hindi na natin kailangang gumastos pa ng malaki upang maipagdiwang lamang ito, dahil sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon, maaari n’yo nang gawing espesyal ang araw na iyon. Gets?


Advance Happy Valentine’s, mga Ka-BULGAR!  

 
 

nina Kaye Eugenio, Crystal Samson, Shine Hubilla (OJTs) @Info | Feb. 10, 2025



Senatorial Race 2025

Tatlong buwan mula ngayon muli nating ipapakita sa buong mundo ang ating katapatan sa ating bayan sa pamamagitan ng ating mga pagboto.


Maghahalal tayo ng mga magiging lider ng bansa na sa tingin natin ay makakatulong at susuporta sa atin at maging sa komunidad. Ilan sa kanila ay reelectionists, mga dati nang naupo na nagbabalik at mga baguhan.


At bago pa natin tuldukan ang ating mga balota, mabuting pusuan muna natin ang ilang mga kandidato na tatakbo sa pagka-senador para sa 2025 national and local elections.



RAMON “BONG” REVILLA, JR.


Isang actor-politician na kasalukuyang nagsisilbi bilang senador sa 19th Congress matapos mahalal noong 2019.



Si Bong Revilla ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science at kumuha ng diploma courses sa Development Academy of the Philippines. Pinarangalan siya ng honorary degrees mula sa Cavite State University (Ph.D. in Public Administration) at Nueva Vizcaya University (Ph.D. in Humanities). Bilang mambabatas, pinamunuan ni Revilla ang Senate Committee on Civil Service at Public Works, na dati ring hinawakan ng kanyang ama (ex-Senator Ramon Revilla).


Isa sa kanyang mga panukala na nagtatak nang husto ay ang Senate Bill No. 2028: Revilla Bill, na nagpapalawak sa Centenarians Act of 2016. Ito na ngayon ang Expanded Centenarian Act. Sa ilalim ng batas na ito, tatanggap ang senior citizens ng P10K pagsapit ng edad 80, 85, 90, 95 at P100K naman kapag 100-anyos na.


Siya rin ang may-akda ng SB No. 1964, na ngayon ay Kabalikat sa Pagtuturo Act, na layong gawing permanente ang teaching allowance ng mga pampublikong guro. Sa nasabing batas, tataas ang allowance ng mga titser mula P5K ay magiging P7,500 at magiging P10,000 sa 2026-2027. Bukod sa pulitika, aktibo rin siya sa pelikula at telebisyon.



CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO


Nagtapos ng bachelor’s degree in marketing mula sa Ateneo de Davao University at kasalukuyang nagsisilbi bilang senador sa 19th Congress.



Isang public servant si Bong Go, na nagsimula noong 1998 bilang Executive Assistant ng noo’y Davao City Representative at dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Naging pangunahing tagapayo siya ni ex-P-Duterte at Special Assistant to the President noong 2016. Taong 2019, nahalal siyang senador na may higit 21 milyong boto. Si Go ang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography at Senate Committees on Sports and on Youth.


Bilang senador, naging aktibo si Go sa pagsusulong ng mga batas na napapakinabangan na rin ng marami. Ito ang Malasakit Centers Act at BFP Modernization Act.


Pinangunahan din niya ang pagtatatag ng Super Health Centers, na layuning magbigay ng abot-kayang serbisyong medikal sa mga komunidad. Tinututukan niya ang mga programa sa kalusugan, edukasyon at disaster response, kabilang ang pagtatayo ng evacuation centers.


Sa ngayon, itinutulak niya ang mga panukalang batas para sa libreng annual check-up, mental health offices sa mga unibersidad, at mga programa para sa mga kabataan upang makaiwas sa droga.



MARIA IMELDA JOSEFA “IMEE” MARCOS


Anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos, at kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos. Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang senador sa 19th Congress.



Noong 1998 ay nahalal si Imee Marcos bilang kongresista ng Ilocos Norte (2nd District) at nagtulak ng mga batas para sa kababaihan, OFWs, at kabataan. Taong 2010, naging gobernador siya ng Ilocos Norte, kung saan pinairal niya ang Task Force Trabaho na nagresulta sa mataas na employment rate sa lugar.


Pinasigla rin niya ang turismo sa pamamagitan ng Paoay Kumakaway! campaign, na naghatid ng milyun-milyong turista sa lalawigan. Sa kanyang pamamahala, bumaba sa 3.3% ang poverty rate sa Ilocos Norte pagsapit ng 2015. Noong 2019 ay pinalad na maging senador si Marcos, dala ang pangakong ipapalaganap sa bansa ang tagumpay ng kanyang mga programa sa Ilocos Norte.


Si Marcos ang chairperson ng Senate Committees on Cooperatives at Foreign Relations. Dahil malapit sa puso niya ang mga magsasaka kaya naman sumusuporta siya sa mga ito. Sa ngayon, isinusulong niya ang pagkakapantay-pantay ng minimum wage sa buong bansa.



FRANCIS “TOL” TOLENTINO


Nagtapos ng Bachelor of Arts in Philosophy at Bachelor of Laws degree sa Ateneo de Manila University. Nag-aral din siya sa University of Michigan Law School, University of London, at Columbia Law School para sa kanyang Master of Laws.



Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang senador sa 19th Congress. Naglingkod si Tol Tolentino bilang mayor ng Tagaytay City mula 1986-1987 at muling nahalal noong 1995-2004. Naging chairman siya ng Metropolitan Manila Development Authority mula 2010-2015.


Noong 2017-2018 ay naging Presidential Adviser on Political Affairs siya ni ex-P-Duterte. Taong 2019, nahalal si Tolentino bilang senador, na ngayon ay chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at Senate Committee on Justice and Human Rights. Siya ang principal author ng Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, na nag-aatas sa mga SIM card user na irehistro ang kanilang mga SIM card bago gamitin.


Sa pamamagitan ng batas na ito, maiiwasan ang scam o anumang krimen na may kaugnayan sa mga SIM card. Isa rin sa batas na kanyang naipasa ay ang Philippine Maritime Zones Act. Layon nitong ideklara ang karapatan ng Pilipinas sa loob ng “maritime zone” sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga legal base na maaaring magamit pang-ekonomiya, komersyal, panlipunan at iba pang uri ng aktibidad sa nasasakupan ng maritime zone ng bansa.



GREGORIO “GRINGO” HONASAN


Nag-aral sa kolehiyo ng Bachelor of Science sa Philippine Military Academy at Masters Degree in Business Management sa Asian Institute of Management.



Si Gringo Honasan ay isang retired military colonel at founder ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).


Naging board member ng Northern Mindanao Development Bank mula 1983-1986 at itinalaga bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology noong 2019-2021.


Taong 1995 nang maging senador si Honasan, siya ang unang independent candidate sa history ng Pilipinas na nanalo sa national elections. Noong 2001, muli siyang nahalal bilang senador gayundin noong 2007.


Sa loob ng halos 21 taon na paglilingkod, isa sa mga naipasa niyang batas ay ang Philippine Animal Welfare Act at Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.


Siya rin ang principal author at co-author ng Clean Air Act of 1999, Clean Water Act, Disaster Risk Reduction Management Act of 2009, at ang Solid Waste Management Act of 2000. Sa edad na 76, si Honasan ay muling sasabak sa Senado.



VICENTE “TITO” SOTTO III


Isang actor-politician at atleta, na nagtapos ng Bachelor of Arts in English sa Colegio de San Juan de Letran.



Unang pinasok ni Tito Sotto ang mundo ng pulitika noong 1988 at nahalal na vice mayor ng Quezon City. Taong 1992 nang maging senador si Sotto at muling naupo sa Senado noong 1998.


Sa unang dalawang termino niya bilang senador, nagsilbi siyang Assistant Majority Floor Leader at chairman ng Senate Committees on Local Government and Tourism, at naging miyembro rin ng Commission on Appointments. Ilan sa mga batas na kanyang naipasa ay ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Seats Belts Use Act of 1999, Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, Kasambahay Law, Mental Health Act of 2017. Si Sotto ay isa sa mga nagpahayag ng muling pagtakbo sa pagka-senador.



PANFILO “PING” LACSON


Nagtapos ng Bachelor of Science sa Philippine Military Academy at Master in Government Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.



Bago maging senador, si Ping Lacson ay itinalaga bilang hepe ng Task Force Habagat PACC noong 1992-1995. Siya rin ay naging chief ng Anti-Organized Crime Task Force noong 1998-2001 at pinamunuan ang Philippine National Police taong 1999-2001. Naglingkod siya sa Senado ng tatlong termino mula 2001-2013 at 2016-2022.


Noong 2022, kabilang si Lacson sa mga tumakbo sa pagka-presidente subalit hindi pinalad na manalo. Isa ang Anti-Money Laundering Act of 2001 sa mga batas na kanyang naipasa, gayundin ang Anti-Red Tape Act of 2007, Anti-Hazing Law of 2018, Bayanihan To Heal As One Act of 2020, Anti-Terrorism Act of 2020 at National ID Law.


Tandaan, ang masusing pagpili ng ating iboboto ay napakahalaga dahil dito nakasalalay ang kinabukasan, kapakanan at kabutihan ng mamamayan at ng ating bayan.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 9, 2025



Photo: Lyca Gairanod - Instagram


Ifinlex ni Lyca Gairanod ang bago niyang kotse sa social media.  

Sa kanyang Instagram (IG) account, nagpasalamat siya sa bagong achievement na natanggap.  


In capital letters ang kanyang pasasalamat, “MY SECOND BABY. THANK YOU, PAPA.” 

Don’t get Lyca wrong, ang tinutukoy niya ay si Papa God.  

Binati siya ng kanyang mga fans:  


“Congrats Lyca, you deserved it po.”  


“Congrats @lycagairanod. I’m happy for you, more blessings to come.” 


“Wow, congratulations Lycaaaa, my idol, my inspiration!!”

“Deserve!” 


Ang layo na nga ng narating ni Lyca, ang babaeng namumulot lang ng basura noong bata pa siya.  


Nagtitinda rin siya ng basura habang kumakanta at doon nadiskubre na may ibubuga siya sa pagkanta.  


Isinali siya sa The Voice Kids (TVK) at siya ang first grand champion.  

Ginawang ehemplo ng mga batang may pangarap ang naging buhay ng singer.  



VIRAL sa social media ang hiwalayan umano nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann.  


Naka-unfollow na rin umano sila sa isa't isa sa kani-kanilang social media account.  


Sa kanyang Instagram (IG) page, may cryptic post ang international surfer:  

“Kon ono may galing ijo mga nabasahan, koman tinood jaon. Waya naj tagoay kay mas malisod  


(Kung ano man ang iyong nabasa, ‘yun ay totoo. Huwag itago dahil mas mahirap).” 

Sinundan pa niya ito ng: “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ono cja. Dili na nato taason an tanan (Kilala n’yo naman ako kung ano’ng pagkatao ko, so siguro, kilala n’yo rin siya kung ano siya).” 


Ang pagsasalita ba nitong si Philmar ay pag-amin na hiwalay na sila ng aktres?  

Ini-repost ng mga netizens sa social media ang cryptic message sa photo application. At doon na rin nila na-notice na hindi na naka-follow ang celebrity couple sa isa't isa.


Napatotohanan nilang nag-unfollow-han na ang dalawa nang mabasa naman ang post ni Andi about a “wolf in sheep’s clothing” sa app.  


Engaged na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo noong 2020 at may dalawa nang anak, sina Lilo at Koa.  


Na-postpone ang kasal nila dahil sa pagpanaw ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.  

Matutuloy pa kaya ang kasal?



SAMANTALA, sa bagong post naman ni Andi Eigenmann, may panibagong cryptic message rin siya.


Aniya, “She was already a friend before I came into the picture.”  


Hindi naman tinutukoy ni Andi kung sino ang sinasabing kaibigan.


Una nang may sunud-sunod na post ang aktres, plus lumabas pa ang balita tungkol sa kanila ni Philmar na nag-unfollow sa isa’t isa.  


Sa kanyang recent post, sinabi niyang, “Took it personally because she would not have done it to someone whom she did not mention at all.”


Paliwanag pa niya, may nakikita na siyang red flags at napansin niyang ang girl ay kaibigan pa nila bago ito umeksena sa picture.  


Aniya, “Explain na lang para sure for context. I have seen the red flags but chose to look beyond it. Since she was already a friend before I came into the picture. Was shy to call it out to my partner. Now I realize setting boundaries in a relationship doesn't make it toxic.”


Year of the Snake ngayon, at tila nauuso nga ang ahasan.  


May birong komento pa ang netizens:  


“Hindi kami naniniwala sa kanta ni Andrew E. na Humanap Ka Ng Panget.”

‘Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page