top of page
Search

ni Lester Bautista (OJT) @Lifestyle | Feb. 13, 2025



Artwork: Kaye Eugenio (OJT)


Puno ng pag-ibig, pero baka naman ubos na ang budget mo? Huwag mag-alala dahil ang Valentine’s Day ay hindi kailangang magarbo para maging happy.


Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para ipakita ang iyong love, love, love! Heto ang mga budgetarian tips para sa isang espesyal na araw.


Para magmukhang fancy nang hindi magastos, maghanda ng charcuterie board. Hindi kailangang mamahaling imported na deli meats. Pumili na lang ng local cheese, deli meats (ham, longganisa, o tocino), crackers, at mga prutas. Mura na, masarap pa.


#SupportLocal! I-arrange ang cheese sa gitna, ang mga sliced meats sa gilid, at prutas sa paligid para sa Instagram-worthy na date.


Nandito na tayo sa main event ng ating budgetarian tips, featuring… TUNA PUTTANESCA, sounds expensive? No worries, kayang kaya ‘to gawin. Una, ihanda ang ingredients — tuna in can, pasta, at mga herbs. See? Hindi naman ganu’n ka-complex ang mga kailangan.


Sunod naman ay lutuin na ang pasta, pagkatapos igisa ang tuna, at timplahan ng mga local herbs. Note: nakadepende sa preference mo ang lasa.



Para sa final touch, magdagdag ng garnish para mag-look professional chef sa budget-friendly dinner. Tandaan, sa dinner date, huwag nang magluto ng complex dishes, gumawa na lang ng tuna pasta — mura at madaling gawin.


Teka lang, walang tamis kung walang panghimagas, kaya subukan ang coffee jelly.


Kumuha lang ng instant coffee, gelatin, at gatas. Tunawin ang gelatin at ihalo ang coffee. Ibuhos sa lagayan at hayaang mag-set. Timplahan ng gatas at sugar, at mayroon ka nang perfect dessert.


Paalala, ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa presyo. Ang mahalaga ay ang oras, super effort, at malasakit sa loved ones ang ipinapakita natin.


Kaya ngayong Hearts’ Day, ipagdiwang ang inyong pagmamahal nang budget-friendly at puno ng #HeartfeltMoments! TIPID na pag-ibig? No problem!

 
 

ni Lester Bautista (OJT) @Entertainment | Feb. 13, 2025




Forever you and me, after all… Iba talaga ang kilig ng first love ‘no? Bonus na lang kung siya pa ang makatuluyan mo. What a dream! But sounds impossible right? ‘Di kita bibitinin pa! Dito, kilig ako sa kuwentong pag-ibig from Reel to Real ng tambalang Jennlyn Mercado at Dennis Trillo.


Totoo nga ang “love is sweeter the second time around” sa tuwing napapanood at nakikita natin ang showbiz couple na JenDen na mahigit 10 years na magkasintahan, pero napaisip ka ba kung paano sila nagkatuluyan?


We got you, besties! Unang nagkatrabaho ang dalawa sa GMA primetime series na ‘Now and Forever’ noong 2006, 19 years old pa lamang si Jennylyn habang si Dennis ay 25 years old na.


Muling namang nagkasama sila sa isang teleserye na ‘Gumapang Ka Sa Lusak’ noong 2010, na dahil dito ay mas nakikila nila ang isa’t isa at naging official together noong April 2010.



Tumagal ng ilang buwan ang kanilang relasyon na nauwi sa paghihiwalay dahil daw sa matinding pag-aaway. So sad! Pero, wala namang makakaiwas sa pangungulit ng media, ‘di ba?


Iba talaga ang mata ng bayan! Noong 2016, inamin ni Dennis sa simpleng pagtango bilang kumpirmasyon na “exclusively dating status” sila ni Jennylyn. Hirit naman ni Jennylyn na balak pa raw niyang ikasal sa edad na 35.


Parang, what you see is what you get ang eksena ng dalawa at tunay nga na ‘first love never dies’, like it! Sa wakas noong October 8, 2021, nag-propose si Dennis kay Jen, ngunit isinapubliko lamang noong October 29, and the day has finally come, this is it pansit!



Nangyari ang civil wedding ng dalawa noong November 15, 2021 sa Quezon City. Simple pero elegant ang atake ng kasal.


Idinaan naman ng couple sa kantang “After All” ang paglalarawan nila sa kanilang love story, na mas pinagtibay ang kanilang pagmamahalan nang ipanganak ni Jen ang supling nila ni Dennis na si Dylan Jayde.


Sa ngayon, very happy ang JenDen lalo’t may upcoming movie sila na ‘Everything about my Wife’ na mapapanood sa February 26. Kayo mga besh, anong kuwentong first love n'yo?


 
 

ni Dominic Santos (OJT) @Lifestyle | Feb. 12, 2025



Artwork: Kaye Eugenio (OJT)


Fun? Adventurous? Romantic? Eh paano kung sabihin ko sa’yo na puwede iyang gawing 3 plus 1 at maaari rin itong educational, besties?


Hindi ka ba makapili dahil sa layo at dami ng choices na maaaring puntahan ngayong Buwan ng Pag-ibig?


Oh baka naman dumadaing na ang iyong bulsa kaya lito ka na rin? Why PILI if you can FEEL IT in one, besties!


‘Wag kang mag-alala besh dahil lahat ‘yan ay puwede mong ma-experience nang libre in one place ‘pag nag-walk trip ka around Manila! Teka lang, ang susunod na istasyon ay UN, paparating na sa United Nations Station besties! Oh hindi ‘to budol ha, kasi walking distance lang ang mga pupuntahan mo rito.


Hanap mo ba ‘yung maraming iba’t ibang hayop na mala-Subic Safari? National Museum of Natural History ang sagot diyan dahil bukod sa magandang entrada nito ay marami ring iba’t ibang hayop na makikita rito kabilang na ang pinakamalaking buwaya na si Lolong!



Photo/s: Marish Rivera / Dominic Santos (OJTs)


Paano naman kung makalumang local products at mga kuwento ng mga ninuno kagaya ng sa Vigan, Ilocos Sur ang hanap mo? National Museum of Anthropology na dinarayo dahil sa parehong dahilan ang susunod na destinasyon mo rito bestie!


Tutal kasabay din naman ng National Art Month ang Buwan ng Pag-ibig, bakit hindi mo i-explore ang iyong creativity kasama ang mahal mo sa buhay sa National Museum of Fine Arts?


Meron din ditong nature tripping na libre dahil malapit lang diyan ang Arroceros Forest Park na mayaman sa iba’t ibang uri ng puno na siguradong maglalapit sa’yo sa kalikasan dahil tinagurian ito bilang pinakahuling gubat sa Maynila na puwede mo ring tambayan kasama ang iyong loved ones!


Kaya tara na bestie, nakatipid ka na may masayang bonding ka pa kasama ang mga mahal mo sa buhay! Let’s feel it in one para hindi na natin kailangang pumili, besh!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page