top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 3, 2025




Tsinek namin ang price ng Land Cruiser at ang nakita namin, more than P5M. Ang Land Cruiser Prado naman ay more than P4M. Hindi kami bibili nito, wala kaming milyones, at kaya lang kami nag-check ay dahil ito ang bagong sasakyan ni Barbie Forteza. Hindi lang namin alam kung Prado o LC ang binili ng aktres.


Ang sabi, cash na binili ni Barbie ang bagong sasakyan, from her hard-earned money, pinagpaguran at pinagpuyatan at katas ng kasipagan. Mabibili na nito ang gusto at nakakapag-travel na siya dahil may bahay na for her parents.


Kaya naiinis ang mga solid fans ni Barbie sa solid fans ni David Licauco na ayaw sa aktres dahil hindi raw mayaman at hindi Chinese kaya hindi raw bagay sa aktor.


Anyway, madaragdagan pa ang ipon at pera ni Barbie dahil may dalawa silang big endorsements ni David. In fact, bukas, March 4, ang launching ng TVC ng fast food TVC nila at susunod ang launching ng TVC for a brand of toothpaste.


Dagdag din sa ipon niya ang talent fee sa gagawing bagong series with Kyline Alcantara.


Sabi nga ng fans nito, mas gugustuhin naman nila ang kagaya ni Barbie na galing sa pagsisikap ang pera kesa galing sa pamilya.



Sayang at walang nadalang music para sa sumikat na Budots campaign dance ni Sen. Bong Revilla, Jr. kaya hindi nito napagbigyan ang request ng media na ipakita niya ang sample ng new version ng kanyang dance movie. 


Sabi kasi ng senador, may new version siya, updated at maganda sanang makita.


Nabanggit nito na ayaw sana niyang sumayaw sa video ng Budots at dito ay ipinakita ang dapat lang niyang gawin. Kaya lang, sinabihan siya ng anak na si Cavite 1st District Representative Jolo Revilla na sumayaw. Ipinakita pa raw ni Jolo kung paano ang dance moves na kanya namang ginawa.


So, si Jolo pala ang choreographer ng dance moves ni Bong na marami ang gumaya. 

Napanood namin ang video nina Senators Robin Padilla, Bong Go, at Bato dela Rosa at tumatakbong senador na si Phillip Salvador na sumasayaw. Hindi natanong si Bong kung si Jolo pa rin ang kanyang choreographer.


Bukod sa Budots, may bagong campaign jingle si Bong na tinutugtog sa kanyang campaign sortie. 


“May bago tayong jingle, magba-viral din ang Ito na si Bong Revilla.”


Ipinagmamalaki pala ni Bong na suportado ng kanyang pamilya ang kanyang kampanya at kapag may libre sa kanyang mga anak, sinasamahan siya. 


Pati ang asawang si Lani Mercado, tumutulong din sa kampanya. Noon ngang inikot niya ang Laguna, nasa Batangas naman si Lani.


Samantala, nagbigay ng assurance si Bong na tutulungan nila ang movie industry. Gumagawa raw ng paraan ang gobyerno, “‘Wag kayong mag-alala, ‘yan ang purpose

naming mga senador, ang matulungan ang movie industry.


“‘Pag naibalik natin ang sigla ng pelikula, well and good,” wika ni Bong.


Ang tinukoy ni Bong na mga senador na magtutulung-tulong for the movie industry ay sina Senators Robin, Lito Lapid at Jinggoy Estrada. 


Madaragdagan ang bilang nila kapag nanalo ang iba pang galing showbiz na tumatakbo ring senador.



PINATAWA ni Melai Cantiveros ang media sa mga hirit sa Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition (PBBCCE). Hindi ito nagpatalo sa inglesan ng mga hosts ng mediacon na sina VJ AI at Kaloy Tingcungco at co-hosts sa PBB. Ang kaibahan kay Melai, may halong comedy.


Binigyan pa nito ng idea si Big Brother sa naging sagot sa tanong kung papayag ba siyang muling pumasok sa Bahay ni Kuya. 


Papayag daw siya basta kasama ang kanyang pamilya, hindi raw niya maiiwan ang mga anak at asawang si Jason Francisco, kaya kung papasok man siya, kasama ang kanyang pamilya.


“Para libre na rin ang food namin,” sabi nito na ikinatawa ng lahat. 


May mga hirit pa ito na kapag airing na ang PBB, matutuwa at matatawa ang mga viewers. ‘Kaaliw din ang tips nito kina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi na ihanda ang mga sarili dahil pati ang mga hosts ay maba-bash.


Hindi rin nito nakalimutang magpasalamat na kasama siya sa PBB Collab Celebrity Edition, “Thank you sa opportunity na makasama ako sa PBB at sa opportunity to work with Gabbi and Mavy.”

 
 

by Info @Brand Zone | Feb. 27, 2025





Hello Glow, known for its safe and effective beauty innovations, proudly announces the launch of its latest breakthrough: the Hello Glow Keratin Shampoo and Hello Glow Keratin Conditioner. Staying true to its promise of delivering products free from harmful chemicals, Hello Glow’s newest hair care line is completely sulfate-free, offering a gentle yet powerful solution for healthier, stronger hair.


Why Sulfate-Free Matters


Traditional shampoos often rely on sulfates like Sodium Lauryl Sulfate (SLS) to create foam. However, SLS can strip the scalp of its natural oils, leading to dryness, brittleness, and damage. The Hello Glow Keratin Shampoo eliminates the need for sulfates, offering a gentler cleanse that maintains the scalp’s natural balance and leaves hair hydrated and vibrant. The shampoo’s reduced foam is a hallmark of its sulfate-free formula, proving that gentleness is key to lasting hair health.


"At Hello Glow, we believe that beauty starts with safety and sustainability," shares Denice Sy, founder of Hello Glow. "With our sulfate-free Keratin Shampoo and Conditioner, we’re redefining hair care by offering a product that nourishes, strengthens, and protects without compromising health or the environment. This is hair care you can trust."


Nature’s Best Ingredients for Healthier Hair


Hello Glow’s Keratin Hair Care Collection is enriched with a blend of natural and scientifically proven ingredients to fortify and revitalize every strand.


  • Argan Oil – provides intense hydration, reduces frizz, and restores hair’s natural shine.

  • Macadamia Seed Oil – a lightweight oil that smooths frizz, enhances elasticity, and strengthens hair to prevent breakage.

  • Oat Peptide – a plant-based ingredient that penetrates deep into hair fibers to repair damage, improve texture, and boost overall resilience.


These powerhouse ingredients work in harmony to nurture and protect hair fibers, leaving your hair softer, shinier, and more manageable. For optimal results, pair the Hello Glow Keratin Shampoo with the Hello Glow Keratin Conditioner. Together, they provide a complete care system that deeply nourishes, strengthens, and protects your hair.


An Indulgence for the Senses


The Hello Glow Keratin Shampoo and Conditioner also elevate your hair care routine with a fresh, delightful scent, making every wash a sensory treat.


Affordable Luxury for Everyone


Priced at just Php 249 each, the Hello Glow Keratin Shampoo and Conditioner deliver premium, salon-quality results without the premium price tag. With Hello Glow, luxurious hair care is now within everyone’s reach.

The Hello Glow Keratin Hair Care Collection is now available online at Hello Glow’s flagship stores on Shopee, TikTok, and Lazada, and in physical stores nationwide, exclusively at Watsons and SM Department Stores.


Experience the power of less foam and more care for beautiful, healthy hair with Hello Glow’s sulfate-free Keratin Shampoo and Conditioner—because your hair deserves to shine naturally!

 
 

ni Dominic Santos (OJT) @Life | Feb. 25, 2025



Ano ang mukha ng rebolusyon sa kasalukuyang panahon? Sa patuloy na pag-angat ng teknolohiya, nagbabago rin kung paano natin ipinapakita ang pakikibaka sa mga problema ng lipunan. File / Imagery


Higit tatlong dekada na mula nang maganap ang pinakamakasaysayang rebolusyon sa bansa na nagbalik ng boses sa mga Pilipino at nagpatalsik sa rehimeng nang-abuso sa karapatang pantao dulot ng Martial Law.


Tatlong dekada na rin mula nang magkaisa ang bawat Pilipino na bawiin ang demokrasya para sa sinisinta nating bansa na siya namang pinag-usapan at nasaksihan ng buong mundo.


Nagbigay din ito sa atin ng mas masidhing pagmamahal sa sariling bayan, na sinubukang gayahin ng iba pang mga bansa upang ipakita ang lakas ng tunay na demokrasya.


Kagaya ng katagang, ‘ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal’, ipinamalas nating mga Pinoy na sa pamamagitan ng dasal at rosaryo na tanging sandata laban sa mga armado ay ating kinaya na makalaya mula sa mga kamay na bakal noong EDSA People Power Revolution.


Sabi nga ni Heneral Luna, “Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak” ngunit pinatunayan ng mga Pilipino, na noon pa man hindi hadlang ang pagkakaiba para sa isang hangaring magbibigay ng totoong pagbabago sa atin at sa bayan.


Pero, ano ba ang mukha ng rebolusyon sa kasalukuyang panahon? Sa patuloy na pag-angat ng teknolohiya sa kasalukuyan, nagbabago rin kung paano natin ipinapakita ang pakikibaka sa mga problema ng lipunan.


Dahil taliwas sa paglabas sa kalsada, kagaya ng mga Pilipino noong EDSA Revolution, mas binibigyan na natin ng pansin ang mga isyu ng bansa ngayon sa paggamit ng teknolohiya.


Noon, ang mga pamamahayag at sining ay nagtatampok sa mga aral ng rebolusyon, kumpara ngayon ay ginagamit ang makabagong teknolohiya bilang laman ng mga pahayag at pananaw ukol sa kalayaan at katarungan habang nag-uugnay din sa uri ng nakaraang rebolusyon at sa kasalukuyan.


Ipinamamalas din natin ang pakikibaka sa pamamagitan ng pagtindig sa mga katiwalian gamit ang ating mga tinig sa mundo ng digital, mga boses na patuloy na nakikipaglaban sa tulong ng social media at hindi pumapayag na baguhin ang ating kasaysayan bilang isang bayan, kasabay ng pagdaing sa mga pangangailangang nais nating matugunan na tanging solusyon ay bayanihan, na hindi kailanman mamamatay sa kabila ng makabagong lipunan.


Tunay na iba na ang panahon noon at ngayon sa kung paano natin ipinapakita ang rebolusyon, subalit sa kabila ng pagkakaiba ay natututunan din natin na ilantad ang katagang binitawan ng Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal na, “to those who deny us our patriotism, we know how to die for our country and convictions.”


Nawa’y patuloy nating gunitain ang kabayanihang ipinakita ng ating mga kapwa Pilipino noong People Power Revolution at huwag nating kalimutan ang ganitong uri ng pagmamahal sa bayan kaagapay ng makabagong panahon, sapagkat kagaya noong EDSA ay nananatili tayong pag-asa nito at kailanma’y hindi pasisiil sa kahit sinong manlulupig.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page