top of page
Search

ni Marish Rivera (OJT) @Life & Style | Mar. 18, 2025





What makes a superhero?


Marami sa atin ang lumaki na bilib na bilib sa mga superhero. Halos ilan nga sa gamit natin ay kailangang sila pa ang disenyo.


Pero bakit? Ano nga bang meron sa kanila na hinahangaan natin kahit na fictional lamang sila?

Unang-una siguro ang katapangan at katatagan nila. ‘Yung literal na kung sinong humarang-harang ay sasamain.

Malaki rin ang malasakit ng mga superhero sa kanilang kapwa, selfless kumbaga.


Maaasahan ang kanilang katapatan at may integridad. Higit dito, nagsisilbi silang inspirasyon sa iba.

Hindi man natin aminin, hindi ba’t naglalagay din tayo ng kapa sa likod nu’ng mga bata pa?


Pero, hindi lamang sa aspetong ito sila nagiging inspirasyon, naeengganyo nila ang marami na ipalaganap ang kabutihan at gawin kung ano ang tama at nararapat.

Kung ito ang qualities ng isang superhero, saan naman tayo makakakita niyan in real life? May kilala ako, pero paalala lang na sa tunay na buhay, may mga superheroes na hindi kinakailangang magsuot ng kapa o lumunok ng bato.

Isa si Jennica Garcia sa kilalang mahusay na artista sa mundo ng showbiz. Ang career na meron siya ngayon, talagang pinaghirapan niya kahit na ang kanyang ina ay ang nag-iisang Jean Garcia.


Sa likod ng camera, ginagampanan niya ang napakahalaga at napakabigat na papel sa buhay, ang pagiging single mom sa kanyang dalawang prinsesa.


2021 nang mahiwalay sina Jennica at tatay ng mga anak niya na si Alwyn Uytingco. Kalaunan, nagdesisyon ang dalawa na magpa-annul ng kanilang marriage. Pero, nilinaw ni Jennica na in “good terms” pa rin sila ng estranged husband sa dahilang nag-uusap naman sila as they’re co-parenting sa mga anak.


Hindi naging madali sa mga bata na maintindihan ang kanilang sitwasyon, pero para kay Jennica, forgiveness is the key.


Kailangan niyang patawarin ang ama ng mga anak para maunawaan ng mga itong kahit hindi sila magkasama sa iisang bahay, magkaibigan at okay ang relasyon nila.


Saan kaya nanggagaling ang ganitong pananaw ni Jennica?

Mula rin sa isang broken family ang aktres. Bata pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang parents. Laking pasalamat lang ni Jennica sa kanyang tatay na si Jigo Garcia dahil sa effort nitong mapalapit siya sa mga half siblings, gayundin sa kanyang ina na never nagsalita ng masama tungkol sa kanyang ama.


Malaking adjustments ang ginawa ni Jennica at mga anak matapos ang kanilang hiwalayan ni Alwyn. Mula sa isang two-bedroom home ay lumipat sila sa isang studio-type condo unit.


Simula noon, itinaguyod na ni Jennica ang dalawang anak, at ngako siya sa sariling gagawin niya ang lahat maibigay lang kung ano ang deserve at pangangailangan nila.


Nakakatuwang makita ang “small wins” na ibinahagi ni Jennica sa social media. Matatandaang, naging emosyonal pa ang aktres nang i-share ang pagbili niya ng aircon at water heater para sa kanilang bahay.


Nito lang nakaraan ay nai-share rin niya sa isang interview ang kanilang “major milestone” mag-iina. Mula sa studio-type condo unit na nilipatan nila ay naka-two bedroom unit na sila at may hagdan pa, na kuwento ni Jennica, gusto ng kanyang mga anak na may stairs ang kanilang tirahan.


Talagang Nanay Jennica will always get what’s best for her daughters at masaya siyang ibigay ang mga bagay gaano man ito kamahal dahil para sa kanya worth it ang lahat ng kanyang pagsisikap.


Hindi rin dito natatapos ang “small wins” in life ni Jennica, very thankful siya dahil lumalaking mabuti at responsable ang mga anak, at malaking tulong ito lalo’t single parent siya.


Ang greatest reward para sa kanya, ang makita silang lumaking thoughtful at mapagmahal. Very grateful din si Jennica sa Diyos na binigyan siya ng dalawang anak, kaya pangako niya sa mga ito na silang mag-iina ay bestfriends for life.


Kanino pa ba magmamana ang mga bata? Siyempre kay Nanay Jennica!


Pinatunayan din ni Jennica na hands-on siya sa mga anak habang working naman sa showbiz. Puspusan ang pagtatrabaho ng aktres all because and for her kids. Pero isang araw, na-realize na lang ni Jennica na kung para sa kanyang mga anak ang mga ginagawa, bakit nawawalan siya ng panahon para makasama sila?


Wakeup call sa kanya nang minsang matanong ng anak kung bakit parang hindi na siya umuuwi ng bahay. As expected, naglaan siya ng oras para maka-bond sila at gawin ang mga bagay na nag-e-enjoy silang tatlo gaya ng crafting na namana ng kids niya sa kanya.


Payo ni Jennica sa kapwa niya working moms na mas mahalaga ang memories kaysa sa pera, dahil sabi niya ang pera ay puwede i-earn pero ang memories kapag lumipas na, lumipas na. Hirit niya sa mga mommy, take it “day at a time”.


Wait, there’s more! Kahit full-time mom si Jennica, self-care is a must pa rin sa kanya. Taray, multitasking at its finest!


Para sa aktres ang mga single parents deserve din ang ‘me’ time. Aniya, “You really can’t pour from an empty cup. I learned this the hard way, but I’d like to think that I’m doing much better now.”

Bilang parte ng kanyang self-care journey, alam n’yo bang si Jennica ay nagtapos din sa esthetician school?


Pero, hindi lamang siya ang nag-benefit dito, kuwento niya, “’Yung mga bata talaga, what they see you doing, they’d be so inclined to do as well. Because my child sees me doing, putting on so many skincare, not just on my face but also on my body, she’s very curious and my nine-year-old started putting sunscreen every day.”

Advice niya sa mga katulad niya, “To all single parents, our future can be bright. I hope you know that a failure in a relationship, married or otherwise, can also lead to a bright future.”


Isa si Jennica sa mga single moms na nagpapatunay na hindi kailangan ng superpowers para maging superhero. Hindi rin sa komiks lang at palabas sila matatagpuan, kundi maging sa ating mga tahanan. Life didn’t end when you became a solo parent to your children.

Ngayong National Women’s Month, ipagdiwang natin ang kabutihan at kagandahan ng sarili at kapwa babae. Remember, “empowered women, empower the world!”

 
 

ni Jordan Santoyo (OJT) @Life & Style | Mar. 15, 2025





Sa mundo ng negosyo kung saan madalas lalaki ang nangingibabaw, patuloy na pinatunayan ng mga kababaihan na kaya rin nilang manguna at magtagumpay.Ngayong Women’s Month, kilalanin natin ang ilang mga kababaihan na nagtagumpay sa negosyo at nagbukas rin ng iba’t ibang pinto para sa mga kababaihan.


Mula sa simpleng kusina hanggang sa mga pamilihan sa buong bansa, ganito nagsimula si Corazon D. Ong, founder ng CDO Foodsphere. Nais lamang niya dati na tiyakin na masustansiya at masarap ang pagkain na kakainin ng kanyang pamilya at du’n siya nagsimulang gumawa ng homemade meat products.


Hindi naging madali ang daan patungo sa tagumpay ni Mrs. Ong, lalo na’t isang malaking sunog ang muntik nang tumapos sa kanyang pangarap, subalit kesa na sumuko, ginamit niya ito bilang inspirasyon upang lalo pang palaguin ang kanyang negosyo. Ngayon, ang CDO ay isa na sa pinakamalaking kumpanya ng processed food dito sa ‘Pinas, patunay na ang malasakit sa pamilya ay maaaring maging daan tugon sa tagumpay.


Kung tungkol sa pagkain ang patungkol kay Ms. Ong, ibahin naman natin ang isa pang nagpakitang-gilas din sa lahat. Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi si Dr. Victoria “Vicki” Belo, hindi lang tungkol sa kagandahan ang kanyang negosyo, ito rin ay pagpapalakas ng kumpiyansa ng bawat Pilipino. Mula sa isang maliit na clinic sa Makati, itinayo niya ang Belo Medical Group, na ngayon ay isa sa pinakaprestihiyosong beauty at cosmetic surgery centers sa ating bansa.


Nakaka-amaze, hindi ba? Sa isang industriya, kung saan mahalaga ang pagpapahalaga sa sarili, tinulungan niya rin ang maraming Pilipino, lalo na ang mga kababaihan na yakapin ang kanilang kagandahan at magkaroon ng self-esteem. 


Pagdating naman sa larangan ng disenyo at damit, pinatunayan ni Zarah Juan na hindi lang istilo ang mahalaga kundi pati ang kuwento sa likod ng bawat produkto. Mula sa paglipad bilang flight attendant, ginamit niya ang kanyang malikhaing kaisipan upang lumikha ng eco-friendly at cultural-inspired na mga bag. 


Samantala, hindi rin nagpahuli si Arielle Escalona, na sa kanyang 20’s ay napalawak niya agad negosyo ng kanilang pamilya – ang Fruit magic at ipinakilala sa merkado ang Pure Nectar, isang brand ng natural fruit. Sa pagpupursigi ay naitaguyod niya ang isang matagumpay na negosyo sa larangan ng fitness and wellness, at nakilala rin ang Pure Nectar hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa.


Ang kanilang tagumpay ay isa lamang patunay na walang imposible sa isang babaeng may pangarap. 


Sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, determinasyon at tiwala sa sarili, kayang-kaya nating abutin ang ating mga pangarap kahit ano pa ang iyong kasarian. 


Tandaan, babae ka, hindi babae lang. Kaya mula sa pahayagang BULGAR, Happy National Women’s Month! Nawa’y patuloy kayong mangarap at gawin ang iyong mga nais!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 14, 2025



Photo: Mia ng Sexbomb / via Janiz Navida


“After Sexbomb, akala ko, katapusan ko na,” sabay malakas na tawang panimula ng dating Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan nang makapanayam namin sa opening ng bago niyang negosyo, ang Wassup Super Club sa Galicia St., Sampaloc, Manila last Wednesday night.


Aminado si Mia na high school graduate lang siya, pero dahil madiskarte sa buhay, aakalain n’yo bang may 25 branches na siya ngayon ng Korean-Japanese fusion resto na Yoshimeatsu?


Though hindi naman daw solo ni Mia ang resto business na ito at may mga partners siyang Chinese, proud pa rin ang dating Sexbomb girl na sinuwerte siya sa food business gayung pagsasayaw lang ang alam niya noon.


Siguro raw, ang hilig niyang kumain ang isang dahilan ng kanyang tagumpay dahil nakaka-8 meals a day daw siya. At dahil sa hilig niyang ito, nakaka-discover na rin siya ng mga bagong menu.


When asked kung bakit Wassup Super Club naman ang itinayo niya ngayon, paliwanag ni Mia, gusto naman niyang masubukan ang night life para ibang challenge naman, at para may tambayan daw ang mga kabataang nabe-burnout na sa school kaya malapit sila sa university belt.


May tatlong business partners naman si Mia dito sa Wassup, sina Lito “Mama Lits” Alejandria ng The Library, ang aktor na si John Vic de Guzman at ang volleyball player na si Jayvee Sumagaysay.   


Dumating sa ribbon cutting sina Mia, Mama Lits at Jayvee, gayundin si Tita Cecille Bravo (Vice-President of Intele Builders and Development Corporation) na pinsan pala ni Mia, ang Barangay 397 Zone 41 chairman na si Thom Dacayo at si Councilor Dianne Nieto.

Kinumusta namin ang love life ni Mia at paano pa niya ito naba-balance despite her busy schedule. Happy together naman daw sila ng karelasyon niyang non-showbiz for 17 yrs. now, imagine n’yo ‘yun?


Bakit ‘di pa sila nagpapakasal? Mukhang may trauma si Mia dahil sa sagot nitong “Siguro ano na rin, sa nakikita kong nangyayari sa family, parang ganu’n lagi ‘yung fear ko na baka du’n lang din ako mapunta (hiwalayan) so ‘wag na lang.”


Pero gustung-gusto na raw niyang magka-baby, hindi pa lang sila bine-bless. At kung darating, ready na raw siya.


Natanong din namin si Mia kung posible bang magkaroon ng reunion dance concert ang Sexbomb tulad ng Streetboys. Aniya, gustung-gusto niya at excited na nga siyang sumayaw uli bago man lang daw sila maging senior citizen. Kaya lang, dahil may kani-kanya nang buhay at priorities ang mga kagrupo niya, like ‘yung ilan ay nasa ibang bansa at may mga anak na, ‘di raw matuluy-tuloy ang plano nilang magsama-sama uli.


Sa tanong kung ano’ng napi-feel niya ‘pag napapanood ngayon ang BINI na parang bagong Sexbomb, “Nakakatuwa, kasi at least, alam natin na hindi pa rin namamatay ‘yung girl group. Tangkilikin na natin ‘yung mga kapwa natin Pinoy,” sagot ni Mia Pangyarihan.


Dati, si Joshua ang crush…

QUEENAY, SPEECHLESS NANG MAKA-SELFIE SI ANDRES



Sina SingGaling SingToker Queenay Mercado, actress-comedienne Tart Carlos at Mister Tourism World Asia Pacific Best in Talent 2nd runner-up Sandro Cordova ang ilan lang sa mga naabutan naming celebrity endorsers ng SylPaulJoyce Furniture sa ginanap na Philippine International Furniture Show sa SMX Convention last March 6 to 8.


Proud Batangueña ang 23-year-old na si Queenay at nakilala raw niya si Mr. Charles Solano, owner ng SylPaulJoyce Furniture at ng Solano Hotel sa Lipa, Batangas, through her dentist.


Sobrang nabaitan daw siya agad kay Sir Charles nu’ng first meeting pa lang nila dahil napaka-down-to-earth. Kaya nu’ng kinuha siyang isa sa mga endorsers ay go siya agad lalo’t parang pamilya na raw ang turing nito sa kanya. In fact, sa ipinahiram na condo ng SylPaulJoyce Furniture owner sa BGC daw siya nag-i-stay habang nandito siya sa Maynila para sa kanyang mga showbiz commitments.


May 5.1 million followers pala sa TikTok si Queenay kaya for sure ay malaking tulong siya kay Sir Charles sa pagpapakilala ng SylPaulJoyce at Solano Hotel na mga businesses nito.


At pag-amin nga ni Queenay, ‘yung mga chairs at iba pang furniture nila sa kanyang coffee shop sa Batangas ay galing din sa SylPaulJoyce.


Samantala, masinop sa pera itong si Queenay dahil ‘yung kinita niya sa SingGaling at sa iba pa niyang nagawang TV shows at movie na Fruitcake ay in-invest pala niya sa properties at coffee shop sa Batangas.


NBSB daw siya, as in no boyfriend since birth, pero may showbiz crush naman daw siya, si Joshua Garcia, at alam daw ‘yun ng aktor nang magkasama sila sa Fruitcake movie.


Pero sa ngayon, mukhang may bagong crush at nagpapakilig sa petite na dalaga dahil nakita namin ang post niyang picture nila ni Andres Muhlach at ang caption ay: “Speechless ako!”


Hmmm… may mabuo kayang “Anay” (Andres-Queenay) love team? Anay talaga?! Nyahahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page